Chapter 1

8 0 0
                                    

Tumakbo ako at pumasok sa kwarto pagkatapos ay nailock ko ito. Sumigaw ako hanggang sa hindi ko na kaya, wala akong pakealam kung marinig ako ng mga kapitbahay o sabihin man nila na nababaliw na ako.

"Ayoko na! Kunin mo na ako!" Paulit-ulit ko na sinasabi, punong-puno na ng luha ang aking pisngi. Ang damit ko ay napakadungis na at kahapon pa ako hindi naliligo at kumakain. Gutom na gutom na ako. Humiga lang ako sa kama at tumingala.

"Bakit mo ito ginagawa? Masama ba akong tao? May mabigat ba akong kasalanan na ginawa?" Pabulong kong sabi hanggang sa nakatulog na ako.

Nagising ako dahil naririnig ko ang pagtatalo ng magulang ko. Kailan kaya ako magkakaroon ng masayang pamilya? Yung tipong pagkatapos ng klase ay excited ka na umuwi dahil may masarap na pagkain na nakahain sa mesa at may pamilyang masayang nag-aabang sayo.

Feeling ko hindi na yun mangyayari pa, lagi ko Syang tinatanong kung bakit ganitong buhay ang binigay Nya sa akin? Pero wala naman akong nakukuhang sagot. Akala ko ba powerful Sya? Akala ko ba Sya ang may gawa ng lahat? Akala ko ba Sya ang may hawak ng buhay natin? Pero bakit ganito, ayaw Nya ba akong maging masaya?

Tinakpan ko ng unan ang aking mga tenga para hindi ko marinig ang kanilang sigawan, tuloy-tuloy na umagos muli ang aking luha. Sana maubos na ang luhang ito para matapos na, palagi na lang akong umiiyak, palagi na lang may supply ng luha ang aking mga mata. Nakakapagod na. Magpakamatay na lang kaya ako?

"Bakit ka naman magpapakamatay? Hindi mo ba alam na malaking kasalanan iyon?" Isang boses ang aking narinig. Napaupo ako sa gulat.

"Sino ka?!" Tiningnan ko ang kabuuan ng kwarto ko pero wala akong nakitang tao.

"Masayang mabuhay." Ayan nanaman sya, isang tinig na malumanay na nanggagaling sa isang lalaki pero sa tanang buhay ko e hindi ko narinig ang boses na iyon.

"Siguro para sayo oo pero para sa akin hindi!" Galit kong sabi, nagtalukbong ako ng kumot at humigang muli para hindi ko na marinig pa ulit ang boses na iyon. Nagulat ako ng biglang may malakas na sunod-sunod na katok sa aking pintuan.

"Tara! Buksan mo ito!" Galit na sabi ni nanay, sanay na ako. Lagi naman syang ganyan. Lumapit na ako doon sa pintuan at binuksan ito.

"Bakit hindi ka pa nagsasaing? Gutom na kami!" Hindi na nya ako hinintay pa na sumagot at umalis na sya sa aking harapan. Bumaba na lang ako agad.

Habang nagsasaing ako ay nakita ko si tatay na papasok ng bahay, may dala nanaman syang alak. Ganyan sya, parang hindi na mabubuhay kung hindi makakatikim ng alak sa isang araw. Bakit ba kasi naimbento yun? Wala naman magandang naidudulot sa katawan, nakakasama pa.

Minsan ko lang sya kung kausapin dahil natatakot ako sa kanya. Tahimik lang akong nagsaing at nagluto na din ng ulam, pagkatapos ay naghain na ako. Pumasok na ako sa aking kwarto at hindi na sumabay sa kanila, kakain na lang ako kung may ititira pa sila na para sa akin.

Nakatulog pala ako at nagising mga bandang alas dose na ng gabi, pumunta ako sa kusina at tiningnan kung may natirang pagkain para sa akin, nagpasalamat naman ako ng makitang meron pa na natira.

"Dapat kumain ka sa tamang oras." Bigla kong nabagsak ang kutsara dahil doon sa tinig na narinig ko, iyon din ang nagsalita kaninang tanghali.

"Sino ka ba? Akala mo ba matatakot mo ako? Pwes nagkakamali ka! Maghanap ka ng matatakot mo." At pagkatapos ay itinuloy ko na ang naudlot ko na pagkain. Hindi ko an ulit narinig ang boses na iyon hanggang sa matapos na akong kumain.

**********

Kinabukasan ay maaga akong gumising para magluto at makapasok na sa school bilang isang second year college student. Mabuti na lang at nagkakaroon ako ng pera kapalit ng paglilinis o minsan ay paglalaba sa tita ko na kapatid ng tatay ko. Nakakaraos ako sa pag-aaral.

TAMARATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon