Chapter 4

0 0 0
                                    

Nagising ako ng maaga kinabukasan. Feeling ko ang gaan ng pakiramdaman ko. Kaya naman nakapagluto agad ako ng almusal at kumain.

Sabado ngayon kaya naglinis na din ako ng bahay. Nakita ko na tulog pa din sina nanay at tatay.

Pagkatapos kong maglinis ay pumunta na ako sa aking kwarto at hinarap muli iyong assignment na hanggang ngayon ay wala pa din sagot.

Umupo ako sa aking study table at binuklat ang aking notebook. Tumitig lang ako doon ng matagal.

"Hind mo iyan masasagutan kung tititigan mo lang." Napatalon ako sa gulat ng makita ko si Gabriel na nakatayo sa tabi ko. Tumingala ako at nasilaw dahil sa liwanag nyang taglay.


"Ano ba ang ginagawa mo dito?" Nakakunot noong tanong ko sa kanya. Ngumiti lang sya sa akin at naglalad papunta sa kama ko. Umupo sya doon at nakangiti na tumingin sa akin.

Nag-iwas naman ako ng tingin kaya ibinalik ko ang tingin ko sa aking notebook.

"Gusto mo ba na turuan kita?" Narinig kong sabi nya.

"Kung gusto mo akong tulungan, ikaw na lang ang sumagot." Nakangising sabi ko.

"Hindi mo iyan malalaman kung ako ang sasagot nyan. Tutulungan kita na maintindihan mo ang subject na yan." Tumingin ako sa kanya at nakitang seryoso na ang kanyang mukha.

"Ang hirap kaya. Kahit anong paliwanag ng professor ko ay hindi ko pa din maintindihan." Nakasimangot na sabi ko.

"Kung hahayaan mo na turuan kita baka sakaling maintindihan mo." Nakangiti nyang sabi. "Ano, payag ka na?" Tumango na lang ako bilang sagot.

Kumuha sya ng isa pang upuan at tumabi sa akin. Kumuha sya ng papel at may isinusulat doon. Napatingin naman ako sa kanya.


"Bakit ka namatay?" Nanlaki ang mata ko sa aking biglaang tanong. Tinakpan ko ang aking bibig. Dapat ay sa isip ko lamang iyon pero nasabi ko ng malakas.

Ibinaba nya ang ballpen at tumingin sa akin.

"Hindi ko pwedeng sabihin." Umiiling na sabi nya.

"Bakit naman hindi pwede?" Curious ako kung bakit sya namatay. Kung bakit sya nandito.

"Mahirap ipaliwanag." Ngumiti sya at pinagpatuloy ang pagsusulat.

"Maganda ba sa langit?" Tumawa sya at muling tumingin sa akin. Tumango-tango sya na parang bata.

"Sobra." At pinagpatuloy na ang pagsusulat.

Kumunot lang ang noo ko. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinasabi ng lalaking ito. Totoo ba Sya? Totoo ba ang langit? Ang anghel?

Ang daming tanong sa utak ko na hindi man lang mabigyan ng kasagutan. Bumuntong hininga na lang ako.

"Grabe ang galing mo." Manghang sabi ko sa kanya. Ala singko na at kakatapos nya lang ako turuan.

"Naiintindihan mo na?" Tumango naman ako.

"Maraming salamat." Tipid akong ngumiti sa kanya. Nag-inat sya at lumakad papunta sa kama ko. Humiga sya doon pero bumangon muli at tumingin sa akin.

"Walang anuman. Masaya ako at may natutunan ka sa akin." Nagliwanag sya ng sobra kaya naman napatakip ako ng aking mata. Pero mabilis din iyon nawala.

"Tara!" Napatalon ako sa gulat ng marinig ko ang tawag ni tatay. Lumingon muli ako sa kama at nakitang wala na doon si Gabriel.

Lumabas ako ng kwarto at lumapit kay tatay.

"Bakit po?" Malamig na sabi ko.

"Anong oras na wala pa din pagkain! Magluto ka na!" Nakasigaw na sabi nya. Tumango na lang ako at dumiretso na sa kusina. Sinilip ko sila at nakitang nanonood ng isang teleserye si nanay at nagbabasa naman ng dyaryo si tatay sa tabi.


Minsan iniisip ko na sana broken family na lang kami. Kaya ko naman mag-isa, kaya kong buhayin ang sarili ko. Pero hindi ko maintindihan na sa tuwing gusto kong lumayas sa impyernong bahay na ito e parang may pumipigil sa akin.

Masyadong malakas ang pwersa na iyon kaya naman hindi ako makaalis dito. Naiinis ako sa sarili ko.

"Mahal mo kasi sila." Tumingin-tingin ako sa paligid para makita kung nasaan si Gabriel pero hindi ko sya makita.

"Mahal?" Napangisi ako sa salitang iyon. "Hindi ko sila mahal. Masyado silang malupit para mahalin ko." Nakakunot na sabi ko.

"Alam mo ba kung bakit kahit na gusto mong umalis at mapag-isa e hindi mo magawa?" Nakita ko si Gabriel na nakaupo sa may hapag kainan. Kumunot lang ang noo ko sa kanyang sinabi.

"Kasi mahal mo sila. Hindi mo sila kayang iwan at pabayaan." Seryosong sabi nya.

"Tss. Hindi ko sila mahal." Naiiritang sabi ko.

"Pero bakit ayaw mong mapag-isa? Bakit ayaw mong umalis dito?" Napatulala ako sa kanyang sinabi. Hindi ko na lang ito sinagot at tinuloy na lang ang aking pagluluto.

Naghain na ako at pagkatapos ay sinabihan na sina tatay na kumain na. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa aking kwarto.

Humiga ako sa aking kama at pumikit. Naalala ko iyong sinabi ni Gabriel. Mahal ko nga ba sila kaya hindi ako umaalis? Pero bakit ganoon, kung mahal ko nga sila mahal din ba nila ako?

"Mahal ka nila." Napabangon ako at nakitang nakaupo sa may paanan ng kama ko si Gabriel.

"Pero bakit ganito ang trato nila sa akin? Bakit masama sila sa akin? Bakit nila hinahayaan na magutom ako? Na pabayaan ang sarili ko?" Napaiyak na lang ako.

"Mahal ka nila." Yun lang ang sinabi nya at iniabot sa akin ang isang panyo. Inabot ko naman at pinahid ang mga luha ko.


"Wala ka bang ibang explanation kung bakit ganito? Kung totoo Sya, pwede ko ba syang makausap? Dalhin mo ako sa Kanya!" Lumapit ako kay Gabriel at hinawakan ang dalawang balikat nya. Tuloy tuloy pa din ang agos ng aking luha.

"Magdasal ka. Doon makakausap mo sya." Itinulak ko sya pero parang wala lang nangyari.

"Magdasal?! Bakit madaming tao ang nagdadasal pero hindi naman Nya tinutupad ang mga kahilingan nila! Madami pa din ang nahihirapan. Bakit?!" Naiinis na sabi ko habang patuloy pa din sa pag agos ang aking mga luha.


"Dahil ang lahat ay magaganap sa tamang panahon. Sa oras na itinakda Nya. At hindi lahat binibigay dahil minsan hindi naman ito makakabuti sa atin." Seryosong sabi nya.

"Kung magdadasal ako hindi din naman Nya papakinggan. Magiging ganito pa din ako." Nakayukong sabi ko.

"Paano mo nasabi? Nasubukan mo na ba?" Marahas akong tumingin sa kanya.

"Oo! Pero isa sa mga dasal ko wala syang pinakinggan! Wala syang tinupad! Masisisi mo ba ako kung ayaw ko ng magdasal? Kung ayaw ko ng maniwala na mabuti Sya?" Napahagulgol na lang ako sa iyak. Hirap na hirap akong kimkimin ang mga bagay na tumatakbo sa isip ko. Nakakapagod.



Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin. At sa pagkakataong iyon. Nakaramdam ako ng pagkalma.





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 16, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TAMARATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon