Chapter 3

2 0 0
                                    

Gumising ako kinabukasan na may namumugtong mata. Hawak ko din iyong panyo na ibinigay ni Gabriel, bumangon ako at inilagay iyon sa drawer ko. Andun pa din ang notebook ko na naglalaman ng assignment na hanggang ngayon ay wala pa din sagot. Mabuti na lang at Sabado ngayon, bukas ko na lang ito gagawin dahil pupunta pa ako kayna tita para magtrabaho.

---

Ginabi na ako ng pag-uwi dahil hindi pa ako nakakapasok sa kanilang bahay ay sinabi agad ni tita na kailangan ko din daw maglaba ngayon dahil iyong naglalaba para sa kanila e may sakit. Wala naman akong nagawa kung hindi tumango. Iipunin ko na lang iyong ibinayad nya sa akin sa paglalaba.

Naglalakad ako ngayon pauwi at nagulat ako ng biglang may tumakip sa aking bibig mula sa aking likuran.

“Wag kang sisigaw miss. Akin na ang pera mo. Kung hindi mo ibibigay ay sasaksakin kita.” Bulong nya sa akin. Ipinakita nya din iyong dala nyang kutsilyo. Nanlaki ang mata ko at dali-daling hinugot ang perang pinaghirapan ko ngayon lang.

Hindi ko na napigilan at napaluha na ako. Ano bang klaseng buhay ito?! Puro kamalasan na lang ang inaabot ko.


Kinuha agad naman ng magnanakaw ang pera at tumakbo na. Napaupo na lang ako sa tabi ng kalsada habang nakatungo at tahimik na umiiyak. Ano na ang gagawin ko? Lagot ako sa magulang ko kapag wala akong pagkain na dala pag-uwi.


Biglang may tumapik sa akin kaya inangat ko ang ulo. Nasilaw ako sa aking nakita kaya tinakpan ko ang aking mata, nang tinanggal ko na ito ay hindi na masyadong maliwanag pero kung ikukumpara mo sya sa iba, may liwanag sya na kakaiba.


“Sa susunod hindi na kita matutulungan kapag nanakawan ka. Mag-iingat ka.” Iniabot nya sa akin ang pera at ngumiti. Kinuha ko naman ito.

“G-Gabriel…” Umupo sya sa tabi ko.

“Palagi ka na lang umiiyak.” Nag-abot sya sa akin ng panyo. Katulad kahapon ay kumikinang din iyon.

“Salamat.” Tinanggap ko iyon. Nakaramdam ako ng ginhawa ng ipahid ko iyon sa aking pisngi.

“Mabuti naman at kusang loob mo nang tinanggap ang panyo.” Nakangiti nyang sabi.

“Alam mo, kung napapagod ka na magdasal ka lang at magkakaroon ka ng pahinga sa piling Nya.” Nakatingin lang sya sa akin at hindi pa din nawawala ang ngiti sa kanyang labi. Kumunot naman ang noo ko.

“Madali lang para sayo ang sabihin iyan. Hindi mo alam ang pinagdadaanan ko.” Tumingin ako sa kanya at nakitang nawala ang kanyang ngiti.

“Alam ko.” Kumunot naman ang noo ko sa kanyang sinabi.

“Ha?” Takang tanong ko.

“Alam ko ang nangyayari sa buhay mo at alam ko kung ano ang pinagdadaanan mo.” Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinasabi nya. Paano nangyari iyon?

“P-Paano mo naman nalaman? Sino ka ba?” Naguguluhang tanong ko.

“Ayaw mo sa pamilyang ibinigay sayo, hindi ka din nakikipagkaibigan sa school na pinapasukan mo. Galit ka sa mundo at galit ka din sa Kanya.”

“Ano naman ngayon? Malay ko ba, baka stalker ka o kaya pinaiimbestigahan mo ako.” Sino ba ang lalaking ito at masyado syang madaming alam tungkol sa akin.


“Hindi ako stalker at hindi din kita pinaiimbestigahan. Anghel ako.” Ngayon ay sumilip ulit ang ngiti sa kanyang labi, nakita ko din ang maputi at perfect nyang mga ngipin.


TAMARATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon