Chapter 2

7 0 0
                                    

Halos manginig ako sa sobrang lamig na bumalot sa akin. Unti-unti kong naimulat ang aking mga mata at nasilaw doon sa liwanag, halos wala akong makita kung hindi puting liwanag. Nasa langit na ba ako? Patay na ba ako? Pero ayaw Nya na mapunta ako sa langit dahil hindi ako naniniwala sa Kanya, isa pa masama akong tao.

Unti-unting nawala ang liwanag at nakita ko ang isang lalaking nakaputing long sleeves, puting maong pants, puting sapatos at pati mismo mo sya ay maputi na parang ulap. Unti-unting nawala ang nakakasilaw na  liwanag pero sya ay kumikinang. Bumukas ang mga labi ko ngunit walang lumabas na mga salita kaya itinikom ko ito ulit, inayos nya na ako sa pagkakatayo at ngumiti sa akin.

“Nasaktan ka ba?” Nanlaki ang mata ko dahil narinig ko na ang boses na iyon. Gusto kong magsalita pero wala talagang lumalabas sa bibig ko.

“Ayos ka lang?” Ngumiti sya sa akin, yung tipong ngiti na kakaiba na parang nakakahawa.

“S-Sino ka?” Ang unang lumabas mula sa aking bibig. Hindi pa din nawawala iyong ngiti nya.

“Gabriel.” Malambing ang kanyang boses, parang  pagnagsalita sya ay wala ka dapat ikatakot.

“T-Totoo ka b-ba?” Hindi ko alam kung natatakot ako o namamangha sa nakikita ko, ang lakas ng tibok ng puso ko.

“Oo naman.” Hinawakan nya ang ulo ko ng nakangiti at inalis din agad.

“Ikaw ba iyong boses na narinig ko doon sa kwarto ko?” Nakakunot noong tanong ko. Tumango naman sya at ngumiti.

“T-Totoo ka ba?”

“Ano ang ibig mong sabihin?”

“Bakit may nakakasilaw na liwanag? Bakit kumikinang ka? Bakit naririnig ko ang boses mo sa kwarto ko?” Napapitlag ako ng biglang may malakas na tunog akong naririnig, cellphone ko pala at tumatawag si nanay. Tumalikod muna ako kay Gabriel bago ko sinagot.


“Nasaan ka ba? Gabi na wala pa din pagkain dito sa bahay!” Bungad nya sa akin pagkasagot ko pa lang ng cellphone.

“Pauwi na po, pasensya na.”

“Dalian mo! Gutom  na kami ng tatay mo” At saka nya pinutol ang tawag. Dapat ako ang inaalagaan nila pero bakit ganito?

Humarap na ako kung saan nakatayo si Gabriel pero wala na sya.

“Gabriel?” Lumingon-lingon ako sa paligid pero hindi ko na sya makita. Nagkibit balikat na lang ako at naglakad na pauwi, siguro guni-guni ko lang iyon.


Pagdating ko sa bahay ay nasa sala ang nanay at tatay ko at prenteng nakaupo at nanonood ng tv habang may kinakain na chichirya.


“Tara bakit ba ngayon ka lang?! Gutom na gutom na kami.” Galit na bungad sa akin ni nanay, masama naman ang tingin sa akin ni tatay.

“Wala na po kasi tayong bigas kaya naglinis muna ako kay na tita para po makabili.”

“Naku mga dahilan, sige na at magluto ka na!” Hindi ko alam kung iiyak ba ako o magpapakatatag dahil sa walang kwentang pamilyang ito at sa walang kwentang buhay na ito. Tumuloy na ako sa kusina at itinoon na lang sa pagluluto ang isip ko.


Naghain na ako at sabay-sabay na kaming kumain at pagkatapos ay naghugas na ako ng pinggan at dumiretso na sa aking kwarto. Naalala ko na may assignment pala kami pero hindi ko naman alam kung paano sagutan kaya hindi na lang ako gagawa. Humiga na ako sa kama at pumikit.

“Kung pag-aaralan mo, makakaya mo.” Napabangon ako at narinig ko na naman ang boses na iyon.

“Pwede ba tigilan mo na ako! Hindi ko kailangan ng opinyon mo!” Humiga ako ulit at nagtalukbong ng kumot. Mabuti na lang at hindi ko na sya ulit narinig.


TAMARATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon