chapter 7 ✔

2.6K 61 9
                                    

MARGUE


Isang lingo na ang nakakaraan mula ng kumalat ang picture nila ni kuya Jeb. And Ronalie's right noong sabihin nito na mawawala din ang issue. Kapag nakikita siya ng ibang estudyante, hindi na sila ganoon ka-wild, but still, nandoon pa rin ang mga masasamang tingin sa kanya. Dine-deadma nalang niya ang mga tingin ng mga ito dahil wala naman silang ginagawang masama sa kanya.


"Hindi pa rin talaga ako maka-get over sa sinabi niya noon. Akalin mo iyon, espesyal ka daw sa kanya." hindi makapaniwalang saad ni Ronalie pero halata naman ang kinikilig.


"So true! Like oh my ghad! As in oh my ghad! No comment." natatawa namang sabi ni Dennise.


"Kailan ba matatapos ang usapang iyan? At isa pa, sinabi lang niya iyon para hindi na ako dumugin nong mga patay na patay sa kanya." paliwanag niya. Sinusubukan pa rin niyang huwag paapekto sa mga salitang binitiwan nito.


"Asus, naiirita ka pero kinikilig ka naman. I'm telling you na, hindi na matatapos ang usapang ito." natatawang sabi sa kanya ni Ronalie na sinang-ayunan naman ni Dennise. Napailing nalang siya sa mga kaibigan. Hindi pa rin nila alam kung sino ang pasimuno ng issue na ito. Wala naman itong mapapala sa ginawa kaya nagtataka talaga siya kung bakit kailangang umabot sa ganun, bakit kailangan pa niyang ipakita sa buong university ang picture na iyon.


"Earth to Margue!" sigaw ni Ronalie. Inirapan lang niya ito.


"Ang ingay mo talaga."


"Eh, ano ngayon? May freedom of speech tayo sa Pilipinas. Section ---." sabi nito. Umiral na naman ang lawyer-side nito kaya bago pa dumugo ang ilong niya, pinigilan na niya ito.


"And may I just remind you that freedom of speech is not absolute."


"Excuse me. Please keep quiet. Hindi niyo pag-aari ang building na ito. May nagka-klase sa kabilang classroom." sita sa kanila ng isang lalake. Ngayon lang sila nag-ingay, papagalitan na agad? May iba ngang estudyante na mas bongga pa sa kanila kung mag-ingay hindi naman pinapagalitan.


"Ikaw na naman!" react ni Ronalie.


"At ikaw na naman miss sungit! Wala ka na bang matinong gagawin?" saad din nong lalake. It's kuya Drake,their first meeting was not good pero hindi naman niya akalain na hanggang ngayon ay magbabangayan pa rin sila.


"Wala ka na rin bang ibang gagawin kundi bwisitin ang araw ko?" panunumbat naman ni Ronalie.


"Hoy miss sungit na tatanga-tanga. Wala ka na bang ibang gagawin kundi pasakitin ang ulo ko?" balik naman ni kuya Drake.


"Hoy---."


The Story of USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon