chapter 1 ✔

14.5K 126 14
                                    

JEB

He couldn't sleep. Every time he closes his eyes, ang mukha ng misteryosang babae ang palaging nagpapakita sa kaniyang balintataw. He doesn't know the woman. In fact, hindi pa niya ito nakikita. Napakaamo ng mukha nito. She has the face and innocence of an angel. Maging ang mga mapupungay na mga mata nito ay kaakit-akit at tila bituing nagniningning sa kalangitan sa tuwing ngingiti ito. Oh, her smile! The sweetest smile he had ever seen in his nineteen years of existence. He instantly fell in love with it. Mas lalo itong gumaganda kapag nakangiti. Nakagagaan ng loob. Napakasarap sa pakiramdam.


Napailing nalang siya sa naiisip habang nangingiti. In love kaagad dahil maganda ito sa panlabas na anyo? Para siyang baliw. Looks can be deceiving, sabi nga nila. Paano kung maganda ito sa labas pero hindi naman sa loob? Mas gugustuhin pa niya na hindi ito malaanghel sa kagandahan basta may mabuti itong loob. Aanhin niya ang ganoong klase ng babae? Personality and attitude ang tinitignan niya. Ang kagandahang loob ang nagpapaganda at nagpapaangat sa isang babae.Kanina pa siya pabaling-baling.Kung kailan niya kailangang matulog ay saka naman siya hindi pinapatulog ng babae. Hindi naman ito madalas mangyari. Nakikita niya ito sa bawat pagpikit niya pero agad din naman siyang hihilahin ng antok pagkatapos. Pero ngayong gabi ay muli siya nitong ginambala. Hirap siyang matulog.


First day of class pa kinabukasan. Kailangan niya nang matulog para hindi siya antukin sa klase. Mas kailangan niyang pagbutihan ang kaniyang pag-aaral dahil magtatapos na siya this coming school year. Accountancy ang kursong kinuha niya at balak niyang magtrabaho sa Maynila kung makapasa man siya sa board exam. Gusto niyang ipagmalaki siya ng kaniyang mga magulang and at the same time, masuklian niya ang napakalaking paghihirap ng mga ito sa kaniya. Palagi kasing sinasabi sa kaniya ng kaniyang ama na tanging edukasyon lamang ang pinakamalaking maipapana nila. Totoo naman. Kaya heto siya ngayon at isang consistent dean's lister. Siya rin ang tumayong vice president ng Student Council last year.


Napatingin siya sa orasan malapit sa kama niya. Twelve-twenty-four na ng madaling araw. May ilang oras pang nalalabi para makatulog siya. Pinilit niyang ipikit ang kaniyang mga mata pero mukhang hindi siya titigilan ng anghel. Napabuntong-hininga na lang siya. Haggard siya nito bukas. Magiging tampulan na naman siya ng tukso ng mga kaibigan at kapwa niya officer. Ayon sa kanila, kailangan niyang alagaan ang mukha niyang mala-Greek god.


Siya kasi ang itinuturing na heartthrob sa university nila. Pero para sa kaniya ay hindi ito importante. Kakisigan lang naman ang nakikita sa kaniya ng mga kababaihan. They don't look behind the face. Sawa na rin siya sa mga flings. Aminado siyang playboy siya simula pa lang noong tumuntong siya ng sekondarya. First year pa lang siya ay kaliwa't kanan na ang mga girlfriends niya. At iisa lang ang katangian nila, clingy at selosa. Naiirita siya sa ganoong ugali kaya weekly siyang nagpapalit. Sa kanilang lahat, iisa lang ang nagtagal. Si Kath.


Mahigit dalawang taon din sila. Unfortunately, they broke up and decided to stay friends despite the fact that they had a thing in the past. It was okay for the both of them, well not really for him. Actually, he misses her. He misses everything about her. Hindi kasi clingy, selosa, at possessive ang dating kasintahan. Beside from her goddess-like beauty, she has the attitude of a saint. Napakabait, understanding, humble, sweet, honest, silent, matalino, at magaling magluto. Ito ang mga katangiang minahal niya sa dalaga. She rarely got mad at him, and when she is, tahimik lang ito at hindi namamansin. Pinapalamig muna nito ang kaniyang ulo bago siya nito kausapin. Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay magiging okay na naman sila. Hindi si Kath 'yong tipo na nagger kapag galit. Dinadaan nito sa maayos na usapan ang lahat. She doesn't judge immediately also. Kapag may nababalitaan ito na nambabae raw siya ay tatanungin at tatanungin siya nito. She doesn't jump into conclusions. She verifies it first. Hindi siya nito pinapangunahan.

The Story of USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon