Epilogue ✔

3.2K 62 97
                                    


JEB

She looks so strong and confindent. She looks so happy, she looks better without him in her life. Sa lahat ng special events nito sa buhay, lagi siyang nandoon, nakatanaw sa malayo. Masakit pero masaya siya para sa kanya. This is her night. Tonight is her graduation day. Tonight is one of her biggest dreams and he's happy because her dream came true.Hindi siya natangkang lumapit dito. Mula sa simula hanggang sa natapos ang graduation, nasa malayo lang siya, tinatanaw ang babaeng mahal niya. He's happy because she did it, she graduated as a cumlaude.

I'm so proud of you, my love. I wish you the best.

Masaya itong nakipag-picture taking sa mga kaibigan at mga kaklase at pati pamilya nito. Ng biglang nagawi sa direksyon niya ang mga mata nito. Alam niyang nakita siya nito at nagtangkang lumapit kaya nagmadali siyang umalis sa kinaroroonan. Pasalamat siya at nahirapan itong makalapit sa kanya dahil na rin sa ibang nagpi-picture taking.Nakita niyang naghahanap ito at umiiyak.

Please don't cry. Baka hindi ko kayanin at malapitan kita. Please stop crying, my love.

Tumakbo ito palayo sa karamihan ng tao at alam niyang hinahanap pa rin siya nito. Pumunta ito sa gate para maghanap pero wala itong nakita. Napaupo ito at umiyak.

I love you Margue. I will always be here, loving you from afar. Hihintayin kita hanggang sa maging handa ka na. But for now, kailangan nating magkalayo para rin sa ikabubuti mo.

Ipinasya na niyang umalis. Masaya na siya na kahit sa malayo lang niya nakikita ito at masaya na siya dahil unti-unti nitong nakakamit ang mga pangarap niya kahit wala siya sa tabi nito.

Siguro nga mga duwag kami. Duwag kami kasi pareho kaming hindi lumaban. Pareho kaming umatras sa mag-uumpisa palang sana na laban.But some things you can't go back to because you let them slip away nga daw sabi ng kanta. Mas pinili naming pareho na huwag isugal ang mga puso naming matagal nang nasasaktan, mas pinili naming maghiwalay na ng landas kahit masakit. Mas pinili kong sumuko.

Hindi ko masasabi na there's someone better out there, dahil para sa akin siya lang at wala ng iba. Pero kung makakahanap siya ng isang lalake na mas magpapasaya sa kanya, magiging masaya rin ako para sa kanya, para sa kanila.

Siguro hindi pa ito ang tamang panahon para sa amin. Siguro walang lugar para sa amin ngayon, siguro ito ang destiny namin ngayon, ang magmahalan pero hindi magkakasama, pero malay natin, baka sa susunod naming buhay, magsasama na kami, yung tipong wala ng makapaghihiwalay pa sa amin. Iyong walang susuko.

~~~~

Apat taon na ang nakakaraan mula ng huli kaming magkita ni Margue... Apat na taon na pala yun. Parang kahapon lang. Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin iyong sakit noong mas pinili naming maghiwalay nalang kaysa ipagpatuloy ang magsisimula pa sana lamang na pag-iibigan namin.

Ganito siguro talaga ang buhay...Hindi lahat ng tao magkakaroon ng happily ever after na kwento. Hindi lahat ng gusto mong mangyari, mangyayari.Hindi lahat ng hilingin mo, matutupad.Maybe, we're not really meant for each other?O para sana kami sa isa't isa kung mas pinili naming magsama kaysa maghiwalay? Kung hindi sana ako naging duwag...

Ewan ko ba. Apat na taon na ang nakakaraan pero siya pa rin ang laman nitong puso ko. Hindi ko naman ipagkakaila na marami namang babae diyan na mabait, mapagmahal, maalaga.. 'yong tipong dream girl ng bawat lalaki... pero wala eh. Hindi ko talaga maibaling sa iba ang nararamdaman ko sa kanya.

Katulad din ng ibang nagmo-move on, sinubukan kong makipag-date sa iba dahil na rin sa susug ng mga katrabaho ko. Pero sa tuwing may ka-date ako, mukha ni Margue ang nakikita ko.Ayoko namang lokohin o paasahin pa ang mga nakakadate ko, kaya sa simula palang, sinasabi ko na sa kanila ang totoo. May isa noon na tinanggap pa rin yung katotohanan, sinabing susubukan pa rin namin.Sinubukan nga namin, but after few months, sumuko rin siya. Dahil kahit anong gawin ko, hindi ko mawala-wala sa isip ko si Margue. So, I let her go. She deserves to find her own happiness. She deserves to find her happily ever after with her true love.

The Story of USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon