chapter 9 ✔

2.2K 53 4
                                    

MARGUE

Tapos na ang midterms nila kaya naman parelax-relax muna sila ng konti. Tumambay sila sa students' park at nag-wifi na rin. Binisita niya ang website niya na matagal ng nabulok. Nagreply sa mga tanong nila, nag-advice kuno. Ni-publish din niya yung last chapter ng story niya. Dahil wala na siyang gagawin pa, ginugol na niya ang oras niya sa pag-facebook.


"You got me thinking about you." status niya. Wala siyang makitang bago sa facebook kaya bumalik siya sa Wattpad at nag-update ulit sa isang story niya. Nagta-type siya gumagamit naman ng cellphone si Ronalie. Just the usual routine kapag wala silang importanteng ginagawa.


"Ey, Margue, anong ginagawa niyo dito?" tawag ng isang pamilyar naboses sa kanya. Nag-angat siya ng tingin at nakita niya sina kuya Drake at kuya Jeb.


"Naka-upo po, nakikita niyo naman 'di ba. Haha." pamimilosopo niya.


"Wala kayong pasok?" tanong ni kuya Jeb.


"Meron po, pero mga isang oras pa iyon eh." tumango lang ang mga ito at umupo na din.


"Kyaah! Bakit ganito 'to? Bakit namatay si Kenneth, Marguerite Cynster! Ibalik mo siya. Kawawa ni Annalisse, oh. Huhu." biglang sigaw ni Ronalie. Napatingin pa sa kanila ang ibang nakatambay sa students' park at mga nagsisidaan.


"Hoy, umayos ka nga." sita niya rito.


"Eh kasi, b-bakit mo kasi tsinugi si Kenneth? Wala kang puso! You're under arrest for killing Kenneth!" seryosong sabi nito.


"Anong pinagsasabi niya?" tanong naman ni kuya Drake.


"Iyong story po na binabasa niya sa Wattpad." sagot naman niya.


"Bakit ikaw ang sinisisi niya sa pagkamatay kuno ng... Kelly? Kenneth?" tanong naman ni kuya Jeb.


"Kenneth po. Eh kasi siya yung walang pusong---." tinakpan niya ang bibig nito pero natanggal ulit nito yung kamay niya. "Pa-advise advise pa sa website niya pagdating sa pag-ibig tapos asdfghkjlmngjadth." tinakpan na naman niya ang bibig nito.


You're the best bestfriend ever, Ronalie. Tama bang ibuking ako?


"Oh bakit tinakpan mo bibig niya?" natatawang tanong ni kuya Drake. Hindi niya ito sinagot. Tinanggal naman ni Ronalie ang kamay niya sa bibig nito. Magsasalita pa sana ulit ito pero tinakpan niya ulit ang bibig nito dahilan para lalo silang pagtawanan ng dalawang lalakeng kasama nila. Sinamaan lang ni Ronalie ng tingin ang dalawa.


"Tatawa-tawa kayo diyan. Pag-untugin ko kayo eh. Tss. Don't you know that---." naiinis na sabi ni Ronalie.

The Story of USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon