CHAPTER 17

581 56 3
                                    

Brianna Blaire's POV:

THE SOUND of two people conversing near me jolted me awake.
“Gising ka na pala. Kumusta ang tulog mo?”

Lumapit si Brayden sa akin matapos tanungin iyon. “Bakit hindi mo ako ginising?” tanong ko. Nakakahiya tuloy. Nandito pa naman ang piloto niya. “Ang sarap kasi ng tulog mo. Humihilik ka pa kaya hindi kita ginising.” At binigyan niya ako ng isang napakatamis na ngiti.

“Hindi ako humihilik kapag natutulog, ah. Gawa-gawa mo lang ’yan,” depensa ko. “How can you notice na hindi ka humihilik, eh, natutulog ka nga?” natatawang sabi niya. “Ay! Ewan ko sa ’yo, Brayden!” Bumaba ako ng chopper pagkatapos kong sabihin ’yon.

“Ito naman, hindi na mabiro. Okay, sige na, hindi ka humihilik habang natutulog!” sigaw niya sa akin. Hindi ako lumingon dahil ayaw ko siyang pansinin. Tingnan lang natin.

“Sandali lang naman, Babe, hintayin mo ako!” sigaw niya ulit pero patuloy pa rin ako sa aking paglalakad. Narinig ko ang kaniyang paghangos nang makalapit sa akin.

“Sandali, ang bilis mo namang maglakad!” Humahangos pa siya nang sinabi niya sa akin ’yon kaya hindi siya makapagsalita nang maayos. Nang makapasok kami sa elevator para bumaba ay may sinasabi siya sa akin pero hindi ko masyadong narinig dahil may iba akong iniisip.

“Babe, are you with me?” aniya sabay wagayway ng kaniyang kamay sa harap ko.

“Ano nga ulit ang sinabi mo?” pagkaklaro ko sa kaniya.

“Ang sabi ko, punta muna tayo sa condo ko. Magluluto ako ng pagkain tapos ihahatid na lang kita pauwi.”
Tumango lang ako sa sinasabi niya.

“Are you alright, Babe?” nag-aalalang tanong niya habang sinuri ang aking buong katawan. Napangiti na lang ako sa kaniyang ginawa.

“Sira ka talaga, Brayden!” Mahina kong hinampas ang balikat niya.

“Ayan ka na naman sa tawag mo sa akin,” pag-iiba niya.

“Ang OA nito, parang bakla,” asar ko.

“I’m not gay. Isa pang sabi mo na bakla ako ay aanakan talaga kita. Sige ka,” banta niya sa akin.

“Hoy! Hindi mo ako matatakot sa mga paganiyan mo, Brayden!”
Akala niya, ha! “May tawagan naman tayo kaya bakit tatawagin mo ako sa pangalan ko?” pagtatampo niya at tumalikod sa akin.
Hays! Ewan ko sa lalaking ’to! Napaka-OA!

“Okay, Babe,” sabi ko pero hindi pa rin siya kumikibo. “Babe, para ka namang bakla kung magtampo, eh.”
He still didn’t utter a word. He’s not even looking at me.

“Babe, pansinin mo na ako,” tawag ko ulit. Hindi rin ako lumingon sa kaniya at hindi nagsasalita. Hanggang sa makarating kami sa parking lot kung na saan ang kotse niya ay wala kaming kibuan. Bahala siya. Tahimik lang siyang nagmamaneho at hindi talaga ako pinapansin. Baka may iniisip lang siguro siya.

Hanggang sa nakarating kami sa condo niya ay hindi pa rin siya nagsasalita. Tahimik lang kaming naglakad hanggang sa tumapat kami sa pinto ng kaniyang condo. Nauna siyang pumasok at sumunod naman ako sa kaniya. I sat down his couch.

“Babe, sandali lang, magluluto lang ako ng pagkain natin.” Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo at nagtungo sa kusina.

Is he mad at me for calling him gay? I don’t know kung ano ang gagawin ko.

“Babe? Okay ka lang ba?” tanong ko nang makalapit ako sa kusina.

“Yes, Babe, I’m okay. Why do you ask?” tanong niya pabalik sa akin.

A Beautiful Disaster                                [PUBLISHED Under IMMAC PPH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon