CHAPTER 39

548 42 0
                                    

Stanley's POV:

MY LIFE had been quiet until Blaire came. She was always there for me in elementary and high school, protecting me from bullies. She studied in Manila and in Mindanao till we split ways. Back then, I adored her to the point where I would sacrifice my all for her.

Pero hindi dapat natin ipilit ang ating sarili sa taong hindi naman tayo ang pinili. Until someone told me she was in her Lola’s house when I returned from the States. Kaya noong araw na ’yon, pinuntahan ko siya. I was trembling and I can’t say any words to her.

Bumalik ang lahat ng nawawalang pagmamahal ko sa kaniya noon. Lahat ng ’yon ay bumalik. She was really dead gorgeous. Ang daming nagbago sa kaniya pero hindi pa rin nagbabago ang kaniyang pagiging inosente which is I like the most from her.

When we are in Palawan, I proposed to her kahit alam kong hindi ako nanligaw sa kaniya. I was dead serious about it back then. Sabi ko sa aking sarili, kapag ni-reject niya ako ngayon, tatanggapin ko na talaga na talo na ako. She rejected me and left me in front of the audience, where I overheard some hurtful things from them. Masakit at doon ako nagising dahil kung mahal mo ’yong isang tao ay mahalin mo lang at kung alam mong hindi ka niya kayang mahalin ay huwag mong pilitin dahil mas lalo lang siyang lalayo sa ’yo.

Ang dami ko kasing talento at isa na roon ang magmahal ng taong hindi ako ang gusto. Kaya pagkatapos ng pangyayaring ’yon, I made a promise to myself na huwag magmahal ng taong dapat ay kaibigan lang.
Noong sa Batangas naman ay nagbabakasyon ako para makalimot pero ako ’yong pinaglaruan ng panahon. Nakita ko siya at hindi ako masyadong nagpapadala sa emosyon dahil tanggap ko naman na hindi talaga ako.

You know that feeling na kahit anong limot mo sa isang tao at kahit anong bura mo sa kaniya sa iyong puso ay babalik at babalik pa rin ito dahil siya ang unang minahal mo kahit hindi kayo pinagtapo? How many months, weeks, days . . . I hide myself. I went back to States but suddenly Janey called me.

“Hello, Stanley, how are you?” tanong ng babaeng hindi ko naman kilala.

“Who is this?” tanong ko.

‘‘Ouch! You don’t know me, really?”
“Tsk! Magtatanong ba ako ng pangalan kung kilala kita?”

“Okay, this is Janey and I want to ask a favor from you.” Kumunot ang aking noo.

“Kung tungkol ’yan kay Blaire, sorry dahil hindi ko matatanggap ’yan,” sagot ko agad.

“How did you know that I was talking about that bitchy snakers?!” Nilayo ko ang aking cellphone dahil sa kaniyang mataas na boses.

“Why if I told you that hawak ko sa leeg ang pamilya mo?”

“Eh ’di bitiwan mo. Simple lang. Huwag mong pahirapan ang sarili mo,” pilosopo kong sagot sa kaniya.

“Well, simple lang naman ang ipapagawa ko sa ’yo. Umuwi ka rito para makigpagsundo sa akin. This is your chance to get Blaire back to you. And kukunin ko naman ang para sa akin.” Tumawa siya nang malademonyo.

“Where are you?” tanong ko.

“Why so fast,” natatawa niyang sabi “Kay wala man gyuy sopas,” lokong sabi ko naman sa kaniya.

“Ano?!’’ sigaw niya sa akin mula sa cellphone.

“Sabi ko . . . ayaw ko!” agad kong sabi.
“I know how much you love your parents, Stan. What if I shoot one of them? Isn’t it great, Stan?”
Umigting ang panga ko sa sinabi niya. “Evil creature ka talaga, Janey!” sigaw ko sa kaniya at malakas naman itong tumawa.

A Beautiful Disaster                                [PUBLISHED Under IMMAC PPH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon