CHAPTER 28

421 47 3
                                    

Brianna Blaire's POV:

AFTER OUR three-day vacation, we’re now here at my house. Napagkasunduan naming lahat na dito maghapunan.

“Ate Blaire!” Napalingon kaming lahat kay Anafe na pababa ng hagdan galing sa itaas. She was holding a brown envelope. She was very angry.

“Anafe, Frenny, what’s wrong?” tanong ni Jenny.

“Better ask her! What is this, Blaire!?” sabay pakita niya ng brown envelope.
Tumingin sa akin si Blake, naghihintay sa aking sagot. I was crying while playing with my fingers.

“Ano, Ate Blaire? Iiyak ka na lang ba diyan? Why not tell us about this? Ayaw kong manggaling sa akin ang laman ng envelope na ’to!”

Tumayo si Blake at lumapit sa kaniyang kapatid para kunin ang bitbit nitong envelope.

“Babe, no! Sasabihin ko na!” pigil ko sa kaniya pero kinuha niya pa rin ’yon. When he first opened the envelope, he was stunned by what he saw. Unsure of how to react, he looked to me.

“Babe, sasabihin ko naman talaga, eh. Humahanap lang ako ng tiyempo,” umiiyak kong sabi sa kaniya

“Kung hindi pa nakita ng kapatid ko ito, kailan mo pa sasabihin sa akin?!” Napasigaw siya. Natatakot ako dahil hindi ko pa siya nakikitang nagagalit.

“Ano ba ’yan? Patingin nga ako.” Kinuha ni Yna ang envelope na nasa kamay ni Brayden. Kumunot ang noo ni Yna pati na rin si Jenny nang makita nila ang nakasulat.

“Kailan lang ’to, Frenny?” tanong ni Yna.

“Babe! Bakit mo nilihim sa akin ’to!” sigaw ni Brayden sa akin. Sinabunutan niya ang kaniyang buhok dahil sa galit.
Nilapitan siya ni Leo at pinakalma.

“Dre, Calm down. Let’s hear Blaire’s side.”

“Do you think I’ll be able to calm down after what I saw, Leo? Tell me how I’ll be able to calm down!” he exclaimed angrily.

Nakayuko pa rin ako. Ayaw ko silang tingnan. Napahagulgol na lang ako sa iyak.  I didn’t utter a word. Gusto kong mag-explain sa kanila lalo na kay Brayden pero walang lumalabas na salita sa aking bibig.

“Fuck!” sigaw ni Brayden kaya napatingin ako sa kaniya. Sinuntok ang dingding na semento dahil sa galit.

“B-Babe, ’y-yong k-kamay m-mo . . . d-umugo,” nauutal na sabi ko dahil sa takot. Tumingin lang siya sa akin.

“Akala ko ba boyfriend mo ako, Blaire? Bakit hindi mo magawang sabihin sa akin ang mga problema mo?” Umiiyak na rin siya.

“Babe, s-sorry. Sasabihin k-ko naman t-talaga pero n-natatakot ako na baka i-iwanan mo a-ko.” Hindi pa rin tumitigil sa kakaagos ang mga luha ko.

“Blaire, kailan lang ’to?” ang muling tanong ni Yna.

“Noong na-ospital ako.” Yumuko ako.

“What?! Magtatatlong buwan na ’yon, Blaire! Kung may balak kang sabihin sa akin ’yang putchang sakit mo, sana wala pang isang buwan ay sinabi mo na sa akin! Ang selfish mo!”

Napatingin ako sa kaniya. Wala akong pakialam kung makita nila akong basa ang mukha dahil sa aking luha.

“Selfish ba ang tawag doon, Brayden? Kung ikaw ang nasa posisyon ko, ’di ba, gagawin mo rin ang ginawa ko?” Pinunasan ko muna ang aking mga luha dahil hindi pa rin ito tumitigil sa kakaagos.

“Brayden, kung alam mo lang kung gaano ko kinalimutan na may sakit ako sa puso! Kung alam mo lang kung paano ko pilit kinalimutan na may ganoon akong sakit!” Naging blurry na ang aking paningin dahil sa aking luha.

A Beautiful Disaster                                [PUBLISHED Under IMMAC PPH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon