Chapter 01The Comeback
Julienne's POV
Nanginginig akong naglalakad habang papasok ako sa office ng new boss ko, tama. Bago sya dahil nagresign na daw si Madam Sylvia, at ang kanyang kapalit ngayon ay ang kanyang panganay na anak. Hindi namin alam kung sino sya, ni hindi nga namin alam na may anak palang iba si Madam Sylvia, kakapasok lang daw nya kanina sya na ang magiging new C.E.O ng Ramirez Group of Companies, pero narinig ko ang tsismisan ng kapwa ko nagtatrabaho dito, na iba daw yung ugali nun, iba sa ugali ni Madam, kaya nga eto ako ngayon, parang lalabas na ang puso ko sa sobrang kaba, dahil for the first time ma mi-meet ko na sya.
Relax Julienne, Relax.. Tinatry kong pakalmahin ang sarili ko, pagdating ko sa tapat ng office nya, dahan dahan na akong kumatok.
"Come in. . ." boses palang nakakatakot na, pero napatigil ako saglit dahil may kaboses sya, kaboses nya si Terrence! Ang lalaking nasaktan ko noon. Lumungkot ang mukha ko ng maaalala ko sya, hindi ko naman kasi talagang intensyon na saktan sya. But' hindi dapat yung isipin ko sa oras ngayon, mabilis akong umiling at pumasok na ko sa loob ng office.
Pinagpawisan ako ng malamig ng naaninag ko na sya, nakatalikod sya ngayon habang nakaupo sakanyang swivel chair.
"Sir?" mahinang sabi ko na may bahid ng pagkakaba. Dahan-dahan nyang inikot ang kanyang swivel chair at humarap na sya sakin.
Halos, mapaupo naman ako sa sahig nang marecognize ko kung sino sya.
Oh-My-God! Nangatog ang binti ko, sht! He is Terrence! But. But. How come??? Sya ba yung anak ni Madam Sylvia!
"What? Ba't nakanganga ka jan? Di kaba lalapit sa akin???" sarkastikong sabi nya habang nakairap. It takes time to compose myself. Hindi ako makagalaw, totoo ba to? Hindi ba ko nanaginip? Sya ba talaga si Terrence? Kaya ba sya nawala ng madaming taon, dahil pumunta sya sa ibang bansa at sya yung anak ni Madam Sylvia?
Napalunok ako, para talagang may nakabarang bato sa lalamunan ko, para talagang hindi ko sya kayang kausapin. Limot na nya ba ko? O sadyang wala na talaga syang pakealam sakin, nagsimula ng mamugto ang luha ko sa aking mga mata.
"T-terrence?" nauutal-utal kong sabi.
"Yes, Julienne Gutierrez, you still remember me pala huh? despite sa pagbabago ng husto ng itsura ko"
Tama sya. Ang laki ng kanyang pinagbago, hindi naman sya ganito dati, di sya yung Terrence na matipuno at makisig, sobra ang pagbabago nya. Pati yata sa ugali ang laki na ng kanyang pagbabago.
"Oo, Terrence so-" hindi ko natuloy yung sinasabi ko, at bigla nya nalang hinampas ng pagkalakas-lakas ang kanyang mesa. Natakot ako dun sa reaksyon nya, kaya mas lalo akong nanigas sa kinatatayuan ko.
"Don't you dare to say sorry!" galit nyang sabi habang ang sama ng tingin sakin. Gusto ko lang naman humingi ng tawad pero parang mukhang di nya yun tatanggapin, he still mad at me. Very mad, halata iyon sa mukha nya.
Sa takot ko, kusa nalang bumagsak ang luha ko.
"Ano Miss Gutierrez, tatayo kalang ba jan na parang tuod at patuloy na magda drama huh! Give me my schedule now!!!" sigaw nya, halos mabingi na yata ako sa sigaw nyang yun, sa takot ko. Agad ko syang nilapitan kahit na nanginginig ako sa takot sakanya.
Pauutal utal kong sinabi sakanya lahat ng schedule nya ngayong araw na to.
"Cancel the last one," malamig nyang sabi.
"Okay po," mahinang sabi ko, at nagsimula na kong humakbang palayo sakanya.
"Hindi ba't mayaman ka Julienne? Bakit isang secretary ang kinabagsakan mo ngayon?" sabi nya out of the blue, nakangisi sya ngayon habang pinaglalaruan ang bolpen nya.
BINABASA MO ANG
Shadows Of The Past
General FictionSi Terrence Ramirez ay muling nagbalik, pagkatapos ng ilang taon, isa na sya ngayong business tycoon, nag iba sya sa pisikal na kaanyuan pati nadin sa ugali, pilit syang nagpapatali sa nakaraa. puno din ng galit ang kanyang puso sa Ex-girlfriend nya...