Chapter 2

12K 178 10
                                    


Chapter 02




Stare



Terrence's POV

"Really? Humihingi sya ng tawad?" saad ni Enzo habang kumukurap-kurap, parang hindi talaga sya makapaniwala, ikinwento ko kasi sakanya ang first encounter namin ulit ni Julienne after five years.

This is Enzo, he is actually a good friend of mine, simula nung iniwan ako ni mama kanila lolo at lola na magulang nang namatay ko ama, si Enzo na ang naging close ko. We're childhood friends for short. Alam nya din ang istorya sa aming dalawa ni Julienne.

Nagkahiwalay kami dahil nga sa kinuha na ako ni mama nun, saktong wasak na wasak ako dahil sa ginawa ni Julienne, sa katunayan nipromise naman talaga ni mama na babalikan nya ko eh, hindi ko nga alam na naging succesfull pala sya sa US. here in the Philippines as well. Kinuha nya ko ulit, at bumawi sya sa pag aaruga sa akin. Dun nya ko pinag aral ng college sa America.

Kaya ayun hindi na kami muling nagkita ni Enzo after non, ngayon nalang talaga na ngayon ay naging succesfull din sa larangan ng pagaarkitektura. Architect sya.

Tumango ako dun sa sinabi nya habang nakahawak sa aking baba.

"So anong sinagot mo?" pinagsalubong ko ang aking kilay pagkatapos nya yung sabihin iyon.

"Hindi ko tinanggap," mahinang untag ko, kumunot naman ang noo nya.

"Are you still mad at her? Mygod Terrence! Five years na ang lumipas," tumayo ako sa kinauupan ko. At tsaka ko sya pinagtaasan ng kilay.

"Yes, five years na nga ang lumipas ng hindi man lang ako nakakaganti," galit kong sabi, tumayo din sya at nagharapan kaming dalawa. Bakit parang kinakampuhan nya si Julienne!

"Revenge? Gusto muba syang gantihan huh?" aniya. Tama sya don, gusto ko syang gantihan. Gustong gusto.

"Yes! Gusto kong masaktan din sya, tulad ng ginawa nya sa akin noon," umiling iling bigla si Enzo, parang hindi talaga sya sang ayon sa gusto kong paghihiganti para kay Julienne.

"Bitter kalang, dahil mahal na mahal mupadin sya?" nakakaloko yung sinabi nya. Tumaas yata bigla ang blood pressure ko!

"Ofcourse not!" mariin at malakas kong sabi, habang nakayukom.

Gusto ko lang talaga syang masaktan dun sa paraang yun nakaganti nadin ako, pero mahal? Hell no. Galit? Yes. Galit na galit ako sakanya.

"Tsk, Terrence let go! Antagal na nun, tsaka mga teenagers palang tayo that time!" hindi nya ko maintindihan. Hindi, kasi hindi sya yung nasaktan.

"Basta, gusto ko syang gantihan yun yon," sabi ko at umupong muli sa aking swivel chair.

"Okay then, ikaw ang bahala, pero sana one day wag mung pagsisihan yang gagawin mung yan," sabi nya na may bahid ng pagbabanta, pagsisihan? Bat naman ako magsisisi? Eh malaking relief nga sa akin yon pag nagawa kunang masaktan at makaganti kay Julienne eh.

"Shut the fuck up Enzo, di ako magsisisi," sabi ko, ngumisi naman sya pagakatapos ay huminga ng malalim.

"Naghirap naman sya Terrence, baka siguro sapat na yung kabayaran, alam mo bang sya nalang mag isa ngayon sa buhay?"

Tumawa lang ako dun sa sinabi nya, buti nga sakanya yon eh. Pero kulang pa iyon.

"Like I care? Kulang pa yon, " sabi ko habang nakangiti.

"Psh! Nag iba kana talaga, parang kinakain kana ng galit mo"

"Hindi Enzo"

"Bakit mo yun gagawin sakanya? Sure kaba na pag nasaktan mo sya, sasaya kana?"

Shadows Of The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon