Chapter 05Fake Friends
Terrence's POV
Naiwan akong tulala, pagkatapos akong iwanan ni Julienne, I can't believe na papalag sya, akala ko bibigay sya sakin.
Nag iwan ng tatak sa memorya ko yung sinabi nyang mahal nya daw yung dating ako, Psh! Ganon pala huh! Ibabalik ko yung dating ako, para bumigay ka sa akin Julienne, you can resist me I know that, You still f.cking love me. I know that.
Kailangan ko muna sigurong maging mabait sakanya, para mahulog sya sa bitag ko. Inayos ko ang ang sarili ko, bumuntong hininga pagkatapos lumabas nako ng CR na para bang walang nangyari.
Bumalik na ko kung saan kami nakaupo ni Enzo, he look so irritated right now.
Bumaling ang tingin ko kung san nakaupo si Julienne at yung kasama nya kanina, pero wala na sila! Umalis na siguro."Ba't antagal mo Terrence?" bungad ni Enzo saktong pagkaupo ko palang.
"Wala lang," simple kong sagot tsaka uminom muli ng beer.
"May ginawa kana naman kay Julienne no?" aniya na syang ikinagulat ko.
"Wala"
"Sus, nakita ko syang mangiyak ngiyak kanina, tapos nagmamadali syang umalis"
"Wala akong ginawa Enzo," sabi ko, suddenly biglang may lumapit sa akin na isang babae, napangiti ako.
"Can we dance?" pag aayaya nya, mabilis akong tumango at tumayo.
"Sure!" masayang sabi ko, at hinawakan nya na yung kamay ko, at nagsimula na kaming maglakad patungo dun sa mga alon ng tao na masayang nagpaparty-party, pero bago yun lumingon ako kay Enzo, umiling lang sya tsaka pagkatapos ay humithit ng sigarilyo.
Julienne's POV
Pagkatapos akong ihatid ni Luke sa bahay, nahiga nako at muli kong inalala yung nangyari kaninang nasa bar kami. Nakakainis si Terrence ba't ganun na sya ngayon? He's so evil. Basta nakakainis, nagbago na sya.
Hinalikan nya din ako bigla kanina, hindi ko alam kung bakit. Para syang naging playboy na jackass. Ganun ba yung nangyari sakanya simula nung hiwalayin ko sya? kung ganun nga, gusto ko mawala na tong nararamdaman ko sakanya, gusto ko ma fall out nako sakanya, ayoko na sa Terrence ngayon. Hindi na sya yung dati. Nakakainis!
Kinabukasan maaga akong pumasok, para wala namang masabi si Terrence, inasikaso ko na agad ang schedule nya ngayong araw. At mas naging mabuti ang pakiramdam ko nang malaman ko na sobrang busy sya ngayon, madami syang board meeting na inaattend. Nagtuloy-tuloy yun hanggang sa mga sumunod na araw.
Nakakausap ko lang sya kapag may ipapagawa sya o kaya may itatanong, ganun lang yung pag uusap namin, it's all about work nalang, wala nading nangyaring pag uungkat dun sa nangyari nung nakaraan. Yung ginawa nyang paghalik sakin, kinalimutan ko nalang yun, at mas lalo siguro sya, dahil sigurado akong wala na sakanya yun.
Hanggang sa isang araw, palabas na sana ako ng opisina nya para gawin yung mga paperworks na pinapagawa nya ng bigla nya nalang akong tinawag.
"Wait, Julienne," this time mahinahon ang tunog ng kanyang boses, hindi yung katulad ng dati na palaging nakakatakot ang tono ng boses nya.
Napatigil ako at marahan kong binitawan yung door knob at muling humarap sakanya.
"Yes sir?" magalang kong sabi. Hindi nakakunot ang noo nya ngayon. Anyare?
"Bakit hindi moko pinapansin this past few days?"
Nagulantang ako bigla dun sa kanyang isinaad. Hindi pinapansin? Teka, ba't nya yun nasabi?
BINABASA MO ANG
Shadows Of The Past
General FictionSi Terrence Ramirez ay muling nagbalik, pagkatapos ng ilang taon, isa na sya ngayong business tycoon, nag iba sya sa pisikal na kaanyuan pati nadin sa ugali, pilit syang nagpapatali sa nakaraa. puno din ng galit ang kanyang puso sa Ex-girlfriend nya...