Chapter 4

10.6K 154 9
                                    


Chapter 04




Yung Dati



Terrence's POV

Pagkalabas ni Julienne, hindi padin mawala ang pagngiting aso nitong si Enzo, I don't like his smile, para bang nakakaloko.

"Distracted kaparin kay Julienne ano?" aniya, ngumiwi ako pagkatapos nya iyong sabihin.

"Bakit naman ako madi-distract aber?" sarkastiko kong sagot, habang nakairap parin sakanya, para syang don ngayon na nakaupo sa sofa ng office ko habang nakadikwatro.

"Nadidistract kaparin sa kagandahan nya! Kasi naman, walang pinagbago, maganda parin sya hanggang ngayon, those eyes shit! She look a like a barbie, and her lips? Damn, ang sarap halikan-"

Narindi ako sa pinagsasabi nya kaya hinampas ko ng malakas ang mesa ko, para patigilin sya sa mga walang kwenta nyang pinagsasabi kay Julienne. I admit, maganda naman talaga sya, but who cares?

"Pake ko? At bakit mo yan sinasabi? at para sabihin ko sayo, hindi ako nadidistract, ganun lang talaga ako," bored kong sabi. Tumayo sya at nagpalakad-lakad sa office ko.

"Sus, kilala kita Terrence, don't deny it, huling tanong mahal mo parin sya right?"

Anak ng! Talagang ginagalit ako ng bwisit na to, sa galit ko linapitan ko sya para suntukin sana sya, pero mabilis nya akong napigilan, hinawakan nya yung kamao ko.

"Easy kalang! Hot tempered ka masayado, kaya ka nagmumukhang guilty eh!" aniya, nakakaloko na talaga to, bakit nya ba yun pilit na sinasabi? Tsk.

"Di kapa ba titigil? Babangasin na kita!" mabilis sya ulit nakaalig. Grrr

"Oppps.. Tama na nga, pikon na pikon kana eh!" sabi nya habang tumatawa at nakahawak sa tiyan, huminga ako ng malalim para magkontrol ng sarili at para kalmahin ang sarili ko.

"I'm going," sabi ko at inayos ko na ang mga gamit ko, at sinuot kong muli yung coat ko.

"Teka lang," sabi nya at mabilis nya kong sinundan, di ko sya pinansin at nagmamadali akong pumasok sa elevator, napigilan nya ang pagsara nito, kaya nakapasok parin sya. Inismid ko lang sya.

"Uuwi kana?" sabi nya.

"Oo," sabi ko ng hindi nakatitig sakanya.

"Wag muna!"

"At bakit?"

"Kaya nga kita pinuntahan ngayon, para yayain sanang mag bonding, mag bar muna tayo," pag a-aya nya, mabilis akong umiling.

"Ayoko, pagod ako Enzo, ikaw nalang," sabi ko, ngumuso naman sya tsaka sya nagkamot ng ulo, alam nyang hindi nya ako mapipilit.

"Okay, bukas nalang? Total naman ay linggo," aniya.

"Tignan ko," hindi ako sure, kase kahit na linggo, minsan ay madami paring ginagawa. Naging masyado akong busy simula nung mag graduate ako ng college, at lalo na ngayon ako na ang CEO ng kumpanya namin.

Tumunog na ang elevator, at lumabas na ako, nakabuntot parin sya sakin hanggang sa paglabas ko ng building. Napatigil naman ako sa paglalakad nang makita ko si Julienne na may kausap na iba, same as nung nakita kong lalaki kanina. Hindi ko alam kung bakit bigla na naman akong nainis, gusto kong mag iwas ng tingin. Pero hindi ko naman magawa, nakangiti si Julienne ngayon, para syang masaya. Para syang anghel pag nakikipag usap sa iba, pero kapag sakin palagi syang nauutal utal at palaging nakayuko, na para bang nahihiyang takot.

"Uh Oh!!" sabi ni Enzo tsaka sya pumito at nagpamulsa.

"Tsk, Tsk, Tsk," para syang butiki ngayon.

Shadows Of The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon