Chapter 03Forget Him Julienne
Julienne's POV
"Luke, salamat sa paghatid huh?" sabi ko eksaktong pagbaba ko ng kanyang magarang kotse, ngumiti lang sya, at sinabing;
"No problem Julienne, by the way iba na daw yung C.E.O ng pinagtatrabauhan mo?" tanong nya out of the blue, tapos bumaba din sya sakanyang kotse at nagharapan kami, napakamot ako sa ulo ko.
"Ah oo! Anak sya ng dati kong boss, ba't mo natanong?"
"Hm. Wala lang, nakita ko lang kasi sa news," aniya. Bumaling naman ang tingin ko sa bandang gilid ko, at halos mapalundag ako ng makita ko si Terrence, na nakatingin sa amin ngayon ni Luke habang kumukurap-kurap. Kakababa lang din nya ng kotse nya, Mygod. pinagpapawisan ako ng malamig kapag nakikita kong ang sama ng tingin nya sakin, wala naman akong ginagawa ah?
Nagmamadali na akong nagpaalam kay Luke."Ah sige Luke, pasok na ko huh? late na ko eh," nag nod lang sya at ngumiti habang kumakaway, kumaway din naman ako.
"Sige maya pag maagang natapos work ko, susunduin ulit kita!" sigaw ni Luke, lumingon ako ulit sakanya, nakaramdam ako ng pang iinit ng pisngi ng bigla nya naman akong kinindatan, napailing nalang ako, Luke talaga oh. ang lakas pa naman ng pagkakasigaw nya paniguradong narinig ng mga tao sa paligid.
Lumingon ako kay Terrence na ngayon ay inaayos ang kanyang neck tie at taas noo na din syang pumasok ng building. Nagkatabi habang naglakad papasok.
Halos lahat ng mga emplayado ay tumatabi pag nakikita sya, lahat parang takot, at lahat ay nagbo-bow din, nakakatakot naman kasi talaga si Terrence, pag ako nga pag kinakausap nya ko bigla nalang akong kinakabahan eh.
"Miss Gutierrez, do I have a meeting today?" malamig at matigas nyang sabi, bigla na naman akong nataranta. At nagmamadali kong tinignan yung planner.
"Meron po Sir, mayang 1 pm. May meeting po kayo sa JMC group of companies," sabi ko. Tumango naman sya at dumiretso sa elevator. Upang pumunta na siguro sakanyang office.
Nakahinga ako ng maluwag, di ko alam kung bakit ang laki ng takot ko sakanya, marahil dahil galit at mainit ang dugo nya sakin, as much as possible gusto kong iwasan nalang sya, pero paano? Eh sekretarya nya ako.
Kinagabihan, mejo relief ang pakiramdam ko, dahil hindi ako masyadong pinag initan ni Terrence.
Mabuti nalang at linggo na bukas kaya makakapaghinga ako, sa Lunes talaga, itatry ko ng wag kabahan pag nagtagpo ulit kami. Makakaya ko kaya?
Papunta na naman ngayon ako sa office nya, para may ipapirma, last na to, at pagkatapos nito uuwi na ko..
Pagtapat ko sa pintuan ng office nya mejo nagtaka ako dahil nakita kong nakabukas ng bahagya ang pintuan. Kakatok pa ba ko? Eh nakabukas naman eh. Baka kasi may kausap sya ngayon, nakakainis baka mapagalitan na naman ako pag naistorbo ko sila, pero kasi importante tong pipirmahan nya eh, bahala na nga.
Huminga ako ng malalim at marahan kong binuksan yung pintuan, namilog naman ang aking mga mata nung nakita kong nakikipaghalikan sya sa isang babae.
Hindi ako makagalaw, gusto kong lumabas na pero nanigas ang katawan ko, at para ding dumikit ang mga paa ko sa tiles na sahig ng kanyang opisina, napapikit ako kasi ayaw ko silang makita, para kasing tinutusok ang puso ko.
Hindi nila ako pansin dahil concentrate sila sa paghahalikan ng laplapan. Laplapan huh? Yes, ni hindi ko alam na marunong palang makipag torrid kiss tong si Terrence.
Napatigil bigla si Terrence ng makita nya kong nakatingin sakanila, ngumisi lang sya, pagkatapos muli na naman nyang hinalikan yung babae na ngayon ay halos umuungol na dahil sa ginawang panlalasing ng halik ni Terrence, hindi man lang sya tumigil? At ang nakakawindang itinuloy nya pa ito.
BINABASA MO ANG
Shadows Of The Past
Ficción GeneralSi Terrence Ramirez ay muling nagbalik, pagkatapos ng ilang taon, isa na sya ngayong business tycoon, nag iba sya sa pisikal na kaanyuan pati nadin sa ugali, pilit syang nagpapatali sa nakaraa. puno din ng galit ang kanyang puso sa Ex-girlfriend nya...