•5•

8.3K 188 20
                                    

NAIIA

Nagising ako dahil sa ingay na tumutunog sa loob ng k'warto ko.

Sobrang ingay, dalawang klaseng tunog ang aking naririnig. Kahit inaantok pa ang aking diwa, bumangon ako.

Naiharang ko ang aking mga kamay sa mukha ko ng tumama sa aking ang sinag ng araw.

Umupo ako sa kama at nakita ko sa gilid si Mr. Brent. Hindi siya umalis? Binantayan niya ba ako buong gabi.

Nakatagilid ang kanyang mukha sa kama ko, napagmamasdan ko tuloy ang matangos niyang ilong, makakapal niyang kilay, mapula niyang labi at ang guhit sa kanyang noo.

Napailing ako at tumingin sa malayo, 'ano ka ba naman, Naiia, 'wag kang ma-i-inlove d'yan, babaero ang isang iyan.'

Napabalik ang diwa ko ng marinig ko ulit ang tunog na niyon. Napatingin ako sa side table ko, nakita ko roon ang dalawang cellphone na umiilaw. Ang isa ay ang akin at ang isa kay Mr. Brent yata.

Kinuha ko ang phone ko. Lumaki ang aking mga mata ng makitang si Mama ang tumatawag.

'B-bakit ako kinakabahan? Wala naman akong ginawang mali, ha? Chill ka lang, Naiia. Easy, relax lang tayo.' Huminga muna ako nang malalim. Hindi ko alam ba't napatawag sila.

Pipindutin ko na sana ang accept ng mawala ito. Nangangatal na tuloy ako bigla.

Bumaba ako sa kama, pinipilit na 'wag gumawa ng ingay para 'di magising si Mr. Brent. Hindi ko alam pero naawa ako sa kanya. Mukha kasing antok na antok siya.

Lumakad ako nang tahimik din, nakita ko pa sa gilid niya ang isang palangganang maliit na may tubig at towel. Mukhang inalagaan nga niya ako.

Palabas na sana ako ng mahagip ng aking tingin ang phone niya. May tumatawag ulit, Reign.

Napaiwas ako ng tingin sa phone na namatay ulit. Anong connection niya kay Reign? Bakit sa daming p'wedeng tumawag sa phone niya, iyong Reign pa.

Bigla nawala ang awa ko, napilitan na naman ito ng inis sa kanya. Imbis na tahimik akong lalabas, binalibag ko ang pinto ng k'warto ko.

Wala akong pake kung magising siya. Dapat kahapon pa siya umalis. Hindi naman kami close ng Mr. Brent na iyan.

Bumaba ako sa sala ng makitang tumatawag ulit si Mama. Sinagot ko na ito sa pangatlong tawag niya.

"Ma, sorry. Kagigising ko lang po. Ba't po kayo tumawag?"

Nakaharap ako ngayon sa bintana rito sa sala, nilihis ko ang kurtina. Galit na galit yata si Mr. Sun ngayon. Ang araw sa labas. Masusunog ang balat ko.

"Lumuwas kami ng Papa mo, Naiia. Nag-aalala kasi kami sa'yo lalo na't wala kang kasama d'yan."

Napahinto ako sa sinabi niya, "lumuwas kayo ni Papa, Ma? Paano si ate Nayeli?" Sabay hina ko ng aking boses.

Mahirap na baka marinig ako ni Mr. Brent. Bwisit sila ng amo niyang si Mr. Zack!

"Pumayag ang ate Nayeli mo, maayos naman siya roon. Inaalagaan siya nina Lola Sabel at Lolo Solomon mo roon."

"Okay na po ba siya, Ma?" Pag-aalala kong tanong kay Mama.

"Okay na okay na siya, Naiia. Ngumingiti na ulit ang ate mo. May nakilala na nga siya roon, sino nga iyong lalaking dumalaw kahapon sa bahay, Mahal? Robin, Ma. Nandyan ka pa ba, anak? Robin daw ang pangalan nu'ng kaibigan ng ate mo roon."

Robin?

"Robin ang pangalan, Ma?"

"Oo, kakilala rin niyon ng mga lola mo. Mabait na bata niyon, Naiia."

Mabait. Sana hindi niya saktan ang ate Nayeli ko.

"Gano'n ba, Ma? Oo, nga pala. Paluwas pa lang ba kayo?" Pagtatanong ko sa kanya.

Malinis naman ang bahay namin pero may iisang kalat sa loob ng k'warto ko na kailangang palayasin ko na.

"Malapit na kami sa terminal ng bus dito. Tas mag-ga-grab na lang kami sabi ng Papa mo."

Nailayo ko ang phone sa aking tenga. Ilang minuto ko prinoseso ang sinabi ni Mama sa akin. Nang ma-realise kong malapit ng dumating sila Mama.

"Ah, sige, Ma. Ingat kayo sa byahe ni Papa, ha? Bye po!"

Hindi ko na nahintay ang sinabi ni Mama ng binaba ko na ang tawag. Need ko talaga sipain ang asong na iyon sa pamamahay namin.

Babalik na sana ako paakyat sa k'warto ko ng makita si Mr. Brent sa unang palapag ng hagdan.

"I knew it! Alam mo kung nasa'n ang ate Nayeli mo. Alam mong ang tagal na namin pabalik-balik dito para itanong sa'yo paulit-ulit kung nasa'n ang ate mo, Naiia." Pinang-ikutan ko siya ng mga magaganda kong mata.

"Para ano? Para paiyakin at paasahin na naman ang ate Nayeli ko ng kaibigan mo? Iniwan na nga siya diba? Nasaktan ba iyong ego ng kaibigan mo, ha, Mr. Brent? Ganyan naman kayong mga lalaki, mga ma-pride." Ningisihan ko siya.

Lumapit ito sa akin, "huwag mong lahatin. Hindi mo alam kung gaanong kamahal ng kaibigan ko ang ate Nayeli mo, Naiia."

Tumawa ako nang napakalakas sa kanya, "talaga ba? Mahal niya ate ko? Wow! Iba iyong pagmamahal niya ha? Just wow, Mr. Brent."

Tinapatan ko siya, "gusto ko lang sabihin sayong umalis ka na rito at sana 'wag na maglandas ang mga mundo natin. And, take note, mukhang hinahanap ka na ni Reign."

Nilampasan ko siya, "pakisara ang pinto at gate namin, ha? Thank you, Mr. Brent."

"I really don't know pero nakikita ko sa'yo, ang laki ng galit mo kay Reign." Napahinto ako sa sinabi niya.

Hinarap ko siya at ngumiti rito, "tama ang hula mo. You know why, Mr. Brent? She's a snake. Ahas. Bakit 'di mo itanong sa kanya. Malay mo sa susunod ipagpalit ka rin niya." Sabay mahinang tawa ko sa kanya.

"I will sure you, hindi niya gagawin niyon." Matapang na sabi niya habang nakatingin sa akin.

"Alis. Ayaw na kitang makita." Walang emosyon na sabi ko sa kanya.

Lumapit ako sa kanya at pinagtutulak-tulak palabas ng bahay namin.

"I wish na hindi na tayo magtagpo kahit kailan, Mr. Brent."

•••

Naiia niyo broken 👉👈

A/N:
Follow my second acc: JoshKen_13

Wala akong update tuwing Monday and Thursday. Tinuturuan ko mga pinsan ko sa module, lalo na ang math. 😊

AMBITIOUS: NAIIA PILAK ( Daddy's series #10 ) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon