•12•

6.8K 205 21
                                    

NAIIA

"Paano mo siya nakilala, Naiia?" Napahinto ako sa paghakbang paakyat sa k'warto ko ng magsalita si ate Nayeli.

"Huh? Sino?" Maang-maangan ko sa harap ni ate Nayeli.

"Si Brent. Paano kayo nagkakilalang dalawa?" Nakataas ang kanang kilay niya at ang dalawang kamay niya ay nasa bewang.

"Iyong panahong hinahanap ka nila. Ako lagi ang binubulabog dito. Silang dalawa ni Mr. Zack. Always ko naman sinasabi sa kanilang wala ka rito." Busangot kong sabi sa kanya.

"Eh, paano kayo naging close? May pa-sister in law ang isang iyon? Kayong dalawa ba?"

Napahawak ako sa aking dibdib at gulat na gulat sa sinabi ni ate Nayeli.

Ako? Papatulan ang asong iyon? No way! Magkamatayan na rito hindi ko papatulan ang isang iyon.

Aso.

"Hindi, ate Nayeli! Never ako magkakagusto sa asong niyon!" Sabay ngiwi ko rito.

"Aso? Si Brent?" Nagtatakang tanong niya sa akin.

Tumango ako sa kanya, "oo, aso ang isang iyon. Laging nakabuntot kay Mr. Zack."

"May endearment na pala kayong dalawa?"

Si ate Nayeli nang-aasar na naman.

"Ate naman! May girlfriend ang isang iyon!" Maktol ko sa kanya.

"May girlfriend si Brent? Nu'ng huling usap namin, wala raw siyang girlfriend? Kaya nga nirereto kita sa kanya."

Wow! Binubugaw pa nga ako ng sarili kong ate. Nice.

Napangiwi na lang ako sa sinabi niya, "mayro'n, ate Nayeli. Si Reign niyong girlfriend niya."

Nagbago ang mukha ni ate Nayeli ng mabanggit ko ang pangalan ni Reign. Alam ni ate Nayeli kung gaano ako kagalit sa babaeng niyon. Alam niya lahat tungkol sa amin.

"Sigurado ka ba?" Bakas sa boses ni ate ang pag-aalala.

Tumango ako sa kanya, "opo, one hundred percent sure na sure. Nakita namin sila ni Carmella sa mall. Kaya 'wag mo na ako ipilit sa asong niyon. Ang intindihin mo, ate Nayeli sa ngayon ay si Mr. Zack. Mag-uusap kayo bukas."

Bumaba ako at nilapitan si ate Nayeli, "piliin mo naman ang sarili mong happiness, ate. Piliin mo muna ang sarili mo bago ang iba. Ikaw muna. Iyong kasiyahan mo muna. Magiging masaya kami nila Mama kung magiging masaya ka rin."

Nakita kong nangilid ang kanyang luha, agad niya itong pinunasan.

"We will talk. Sige na, magpalit ka na, ha? Oorder na lang ako para sa dinner natin!"

Ngumiti ako sa kanya at agad na tumakbo papunta sa k'warto ko.

Deserve ni ate Nayeli ang maging masaya. Wala akong hinahangad kayo kung 'di ang kasiyahan ni ate Nayeli.

Sana mapapayag siyang magpa-chemotherapy at magpa-surgery ni Mr. Zack.

Deserve ni ate ang magkaroon ng masayang pamilya.

--

"Good morning, my beautiful wife, Naiia. - your future husband, Brent."

Paano magiging maganda ang araw ko kung siya agad bumungad ng umaga ko?

Sabihin niyo nga sa akin? Sinira niya ang magandang umaga ko!

Saka ako, wife at future husband ang pinagsasabi ng asong ito? Nasisiraan na ba siyang bait?

Hindi porket nag-usap kami kagabi tungkol sa kaibigan niyang si Mr. Zack at sa ate ko, ay okay na rin kami?

No way!

"Anong magandang sa morning ko, ha! Kung ikaw ang magtetext? P'wede ba huwag ako ang guluhin mo, ikaw na aso ka! Bwisit ka! Madapa ka sana, aso ka! Aso!"

Sent.

Umagang-umaga mainit na agad ang ulo ko. Chillax ka lang, Naiia. Aso lang iyon. Gano'n talaga ang mga aso, maiingay. Pero, may cute namang mga aso hindi nga lang siya.

Bababa sana ako sa sala namin, biglang  napaatras ako pababa nang may marinig na nag-uusap.

"I'm so happy finally kayo ang magpapakasal, Nayeli."

"It's good news to us, especially to our family, Nayeli. Our only child, Zack will getting married to you."

Nandito ang pamilya ni Mr. Zack! Nakanganga ako at nanlalaki ang aking mga mata habang nakikinig sa pinag-uusapan nilang lahat.

Bakit walang gumising sa akin? Pamilya ko ba talaga sila?

"Mr. and Mrs. Pilak, nasa'n po si Naiia?"

Parang kilala ko ang boses ng isang iyon?

"Iho, tulog pa yata ang bunso namin. Alam mo na after ng ilang buwang pag-re-review need niyang magpahinga." Boses ni Mama.

"Tulog pa si Naiia, Brent."

Bwisit! Bakit nandito ang isang iyon? Kamag-anak ba siya? Hindi naman siya Cardion, ha?

Nakiki-pamilya si aso.

"So, you're here because of her sister Naiia, Brent?"

Nandito pa rin ako sa hagdan, nakikinig sa usapan sa ibaba.

Bakit kaya hindi na lang niya puntahan si Reign? Iyon ang guluhin niya. Magsama silang dalawa. Pareho namin silang mga tanga.

Wala na akong narinig na nag-uusap. Ano na kayang nangyayari sa ibaba? Gusto kong bumaba para malaman pero naka-suot lang ako ng pajama ko. Hindi pa ako naliligo.

Hindi ko na alam kung anong nangyayari, bumalik na ulit ako sa k'warto ko.

Siguro pinag-uusapan na nila ang tungkol kina ate Nayeli at Mr. Zack. Sana nga maging masaya na silang dalawa.

Oh gosh! Paano si Robin?

Palakad-lakad ako sa k'warto ko habang iniisip si Robin. Hindi ko pa siya nakikita sa personal pero nakausap ko na siya sa phone. Boses pa lang niya mukhang mabait na ang lalaking iyon.

Nag-usap na rin kaya sila ni ate Nayeli tungkol dito? Naging mabait si Robin kay ate, kawawa naman kung masasaktan siya.

Bakit ko nga ba pinoproblema niyon?

Ang dapat problema-hin ko kung paano mapapabagsak ang aso ni Mr. Zack. Kung paano ako titigilan ng siraulong niyon.

Kulang kasi pansin ang isang iyon, e.

"Alam kong gising ka na, my beautiful wife. Baba ka na, sabay na tayong kumain. Inggit me, ako lang walang partner dito sa dinning table niyo. 😞😓"

Napatitig na naman ako sa phone ko at mahigpit na hinawakan ito.

Kaya pala tahimik na sa sala, nasa kusina na pala sila.

Bwisit ka talagang aso ka!

"Bwisit ka! Kumain ka mag-isa mo! Yayain mo si Reign! Aso! Aso ka!"

•••

Aso is really. Aw.

A/N:
Pasok kayo rito, Cat-ties. K'wentuhan tayo!
Thank you! 💛💛

AMBITIOUS: NAIIA PILAK ( Daddy's series #10 ) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon