•14•

6.5K 204 42
                                    

NAIIA

"Maganda ang ganitong design ng gown, baby." Napairap ako ng marinig ang pabebeng boses ni Kuya Zack.

Napagpasyahan ko na pa lang tawagin siyang kuya. Kasi malapit na rin nman sila ikasal at hindi na rin ako galit sa kanya, doon na lang sa aso niya.

"Naiia, maganda ang kulay na lila sa bridesmaids gown?" Naibaba ko ang aking phone ng magtanong si ate Nayeli.

Kasalukuyang ingame ako sa Mobile legends, online game ito sa android and playstore. Wala rin naman kasi akong gagawin dito kaya nagtataka ako ba't sinama nila akong dalawa. Ginawa pa akong third wheel sa relasyon nila.

"Ayos lang naman, ate. Maganda sa mata iyong kulay lila 'tas isa sa favorite kulay mo rin ang lila." Suggestions ko rin kay ate Nayeli habang nakatingin sa phone ko.

Bwisit! Bakit ang daming nagmamarunong na marksman? Sabing sa gold lane lang umepal na iyong marksman namin sa mid lane.

"Which design, Naiia? This or this?" Hinarap niya sa akin ang catalogue at tinuro rito ang dalawang design na kulay lila.

Hindi tuloy ako makapag-focus sa paglalaro. Sumulyap ako habang ingame pa rin.

"Heto na lang, ate. Simple lang pero catchy ang dating ng isang niyan pero na sa'yo pa rin niyon. Ikaw ang ikakasal." Nakita ko sa aking gilid na nakatingin sa akin si kuya  Zack.

"Yes! Buti na lang nanalo kami."

"Naglalaro ka pala niyan?" Nagulat akong napatingin sa aking tabi ng makita na roon si kuya Zack.

Nilibot ko ang buong tingin sa loob ng boutique pero 'di ko nakita si ate Nayeli.

"Si ate Nayeli, kuya?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Nagsusukat ng gown niya. Kumusta na kayo ng kaibigan kong si Brent?" Napahinto ako nang tanungin niya ako tungkol sa kaibigan niya.

Nakatingin lang ako sa mga mata ni kuya Zack. Nagkibit-balikat ako sa kanya.

Ano ba dapat kaming dalawa? We're strangers. Hindi nga kami magkaibigan, e. Pake ko ba sa isang iyon.

"Hindi ba kayo nagkausap na dalawa?" Nagsalubong ang dalawa kong kilay dahil sa sinabi niya.

"Nagkausap? Kailan, kuya Zack?" Pagtataka ko sa kanya.

Ilang araw na ba akong hindi kinukulit ng isang iyon? Wala na akong natatanggap na text or tawag mula sa kanya.

Kaya paano kami mag-uusap ng dalawa kung hindi nagpaparamdam ang isa?

"He was called me, ilan araw na ang nakakalipas. He asked me if nasa inyo ka, I said yes to him. Nasa inyo ako nu'ng araw na tumawag siya sa akin. Kaya akala ko nag-usap kayo thru phone."

Naibaba ko ang aking phone sa hita ko at tumitig sa kanyang mga mata. Baka kasi jinojoke time na naman niya ako.

"Seryoso po ba kayo, kuya Zack? Nasa k'warto lang ako buong araw at nanonood sa netflix. Ilang araw na rin akong hindi umaalis sa bahay p'wera sa araw ngayon, sinama niyo ko."

Sumeryoso ang kanyang mga mata at kinuha ang kanyang phone sa handbag ni ate Nayeli, may kinalikot siya sa kanyang phone at binigay sa akin.

"See, tumawag siya sa akin." May pinindot ulit siya at nakita kong gumawi ang kanyang daliri sa message, "ito iyong last text niya sa akin."

"I'm on the way," basa ko sa tinuro niyang text message ng asong iyon.

Walang nakalagay kung saan siya pupunta basta ang nakalagay roon sa text ay I'm on the way, pare.

"Saan siya pupunta?" Tinitigan ko ang time and date ng text message. One week na ang nakakalipas sa oras na nine in the evening.

"Sa inyo," kumunot ang aking noo sa kanyang sinabi.

Paanong sa amin siya pupunta? Walang kumatok ng oras na iyon. Gising-gising pa ako nu'n, may tinatapos akong isang KDrama sa netflix nu'ng araw na iyon.

Imposibleng hindi ko marinig ang eskandalo ng asong iyon.

"Anong nangyayari sa inyong dalawa?" Tahimik kaming nadatnan ni ate Nayeli, tapos na niya yatang sukatin ang wedding gown niya.

"Ate, last week may tumatawag ba sa labas ng bahay natin? Mga gabi?" Nakita kong tumingin siya sa kisame ng boutique na ito at saka umiling sa akin.

"Wala. Wala akong naaalala, Naiia. Kung may tao sa labas ng bahay natin, magsisitahol ang mga aso ng kapitbahay natin pero wala akong narinig na tahol sa labas." Tumingin siya sa aming dalawa ni kuya Zack.

"Bakit parang namumutla kayong dalawa? May nangyari ba? Natatae ba kayong dalawa?"

"Si Brent ilang araw ng hindi nagpaparamdam. Last week pupunta raw siya sa inyo pero,"

Ako na nagtuloy sa sasabihin ni kuya Zack, "walang dumating last week diba? Walang kumatok sa pinto natin."

"Baka naman may pinuntahang iba si Brent, masyado naman kayong nag-aalala. Matanda na kaya ang isang iyon, ay sorry Daddy Zack. Peace!" Sabay upo ni ate Nayeli sa tabi ni kuya Zack.

Jusko ang ate ko ngayon pa tinamaan ng pagiging abnormal.

"Hindi gano'n, baby. Tatawag niyon sa amin, sa aming magbabarkada. Ni-isa sa amin walang may alam kung nasa'n siya." Lumingon sa akin si kuya Zack, "may number ka ba ni Reign?"

Nagtataka man ako sa sinabi niya umiling ako sa kanya. May naka-save pang number dito si Reign pero matagal na iyon nu'ng mga highschool pa kami. Hindi ko alam kung ito pa rin ba number niya.

Buti pa simcard number ko ilang taon na sa akin. Kami yata may forever.

"Kuya Zack, may number pala niya ako pero 'di ko sure kung ito pa rin number niya. Nu'ng highschool pa kami nito."

Hindi rin ako nagbubura, tamad nga ako. Matalino at masipag akong mag-aral pero tamad ako sa ibang gawain.

"Let's try kung gagana?"

Hinanap ko sa aking contact list an pangalan ni Reign, nasa one hundred plus na pala ang contact list ko. Ang saya.

Nang makita ang name ni Reign, pinindot ko agad ang tawag saka ito binigay kay kuya Zack. Ayoko pa rin siya makausap kung ito pa rin talaga ang number niya.

Ni-loudspeaker yata ni kuya ang phone ko dahil rinig namin si ate ang pagkaring ng phone sa kabila.

"Hello," sagot sa kabilang linya.

Ito pa rin number niya?

"It's this Reign?" Kuya Zack' asked.

"Yes po, who's this, btw?" May ingay kaming naririnig sa kabila.

"Teka lang po, labas lang po ako maingay po kasi sa loob." May narinig kaming pintong nagbukas at nagsara.

"I'm Zack. Brent's bestfriend. Nandyan ba siya sa inyo?"

Kumunot ang aking noo sa sinabi niya? Anong sinasabi ni kuya Zack?

"Oh? Hi, kuya Zack! Right now, Si Uncle Brent po nasa America ngayon. Nu'ng last week pa po."

•••

Naiia babye!

COMMENT AND LIKE, DONT FORGET!
THANK YOU, CAT-TIES! 💛

AMBITIOUS: NAIIA PILAK ( Daddy's series #10 ) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon