•16•

7K 217 36
                                    

NAIIA

Operation: Magtago tayo sa kanya.

"Naiia," napabangon ako habang kinukusot ang aking mga mata.

Ang aga-aga pa pero heto sila binubulabog ang pinto ng k'warto ko. Hindi ko pa nga yata naririnig ang tilaok ng mga manok sa kabilang bahay, sa kapitbahay namin.

Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang nakaligong si ate Nayeli. Basa ang kanyang buhok pero naka pambahay ang damit niya.

"Ayusin mo nga iyang buhok mo, kababae mong tao." Dahil wala pa ako sa wisyo ay sinunod ko na lamang siya. Inayos ko ang aking buhok gamit ang aking mga daliri at tinanggal ang aking mga muta sa harap ni ate. Si ate Nayeli lang naman niyan.

"Ayos na po ba, ate? Ano bang mayro'n umagang-umaga kumakatok ka na d'yan? Hello, sabado ngayon, pahinga ko muna."

Ilang araw na ang nakakalipas ng umuwi rito si Mr. Brent pero ni-isang anino niya hindi ko nakita. Gusto kong matuwa dahil hindi nga kaming nagkitang dalawa pero may part sa puso ko na nasaktan. Ewan ko. Ang gulo ko.

"May pupuntahan tayong party mamaya. Nakalimutan kong sabihin kagabi." Napapikit ako sa kanya at prinoseso ang kanyang sinabi.

"Bakit kasama ako?" Hindi ba p'wedeng sila lang mag-asawa, hindi ko naman siguro kilala kung sino iyong magpaparty.

"Sabi ni Mama isama kita para naman daw may makilala kang ibang tao." Napakamot ako sa aking ulo at napabuga ng hangin.

"Ma-a-out-place lang ako roon panigurado. Kayo na lang ate Nayeli, matutulog na lang ako rito sa k'warto ko."

"Hindi nga p'wede. Sumama ka sa amin kung ayaw mong palayasin ka nila Mama. Tandaan mo wala kang ginagastos dito," pananakot niya sa akin.

Kasalanan ko bang hindi nila tinatanggap iyong kalahati sa sweldo ko? Sinabi ko naman kay Mama ako magbabayad ng wifi namin o 'di kaya iyong tubig pero ayaw nila, ang katwiran nila nagbibigay si ate Nayeli sobra na raw niyon sa panggastos namin.

"Nagbibigay naman ako, e, ayaw lang nila Mama tanggapin." Sabay nguso ko sa kanya. "Oo nga pala, ate, ba't nandito na naman kayo ni kuya Zack?"

May bahay naman silang sarili lagi silang nakatambay rito.

"Bawal ba, ha? Basta sinasabi ko sa'yo sasama ka mamayang hapon sa amin ng kuya Zack mo, huwag ka na tumanggi mamaya iaakyat ko rito iyong susuotin mo."

"Okay fine," pagsuko ko sa kanya.

Hindi ko rin naman siya mapipilitang huwag akong isama, mapapagod lang boses ko sa pagtanggi sa alok niya.

"Okay na ba, ate? Pumayag na ako, kung ayos lang sa'yo matutulog na uli ako. Inaantok pa ako, ate Nayeli, tinapos ko ang pagcheck sa mga paperwork ng estudyante ko." Mahinang sabi ko sa kanya.

"Okay! Matulog ka na ulit. Mag-beauty rest ka, Naiia. Mamaya na uli kita kakatukin." Napabuga ako ng hangin at tinignan si ate Nayeli papunta sa k'warto niya.

Wala talaga akong laban sa kanya. Na-spoiled lalo dahil kay kuya Zack.

--

"Naiia, ready ka na ba?" Napasimangot ako sa tanong ni ate Nayeli. Ang pinasuot lang naman niya sa akin ay isang black dress na hapit na hapit sa aking balat and sa magkabilang gilid nito ay seethru, kaya kita ang aking balat doon.

"Ano pa nga ba? May choice pa ba ako, ate?" Sabay tingin ko sa aking sarili sa full mirror dito sa sala.

Pumasok na kami sa kotse ni kuya Zack, kinakabahan ako dahil si kuya ang magdadrive wala akong tiwala sa kanya na lalo mamaya pag-uwi baka makainom ang isang ito at ma-aksidente pa kami.

"Sino ba may party, ate?" Gusto ko malaman kung sino ang nag-organize ng party na pupuntahan namin baka kasi mamaya magtanong sa akin kung kaano-ano ko ba ang may party. Ano sasabihin ko? Sinama lang po ako ng kapatid ko. Gezz.

"Isa sa mga kaibigan ni Zack, steady ka lang d'yan, Naiia." Heto na naman ang sagot niyang paulit-ulit.

Isa sa mga kaibigan ni kuya Zack. Benta na ang ganyang sagot ate Nayeli.

Tahimik na sumandal na lang ako at tumingin sa labas ng bintana habang nakahalukipkip dito sa backseat.

Alas-sais na ng gabi pero may konting liwanag pa rin sa labas. Anong oras ba ang takip-silim? Habang tumatagal ang byahe bigla akong kinabahan. Nagiging balisa na ako rito sa aking kinauupuan. Parang gusto ko na lang umuwi at magkulong sa aking k'warto.

Bumagal ang pag-drive ni kuya Zack at tanaw ko sa aking bintana ang mga nakaparadang sasakyan sa labas ng malaking gate na bukas na bukas para sa mga bisitang dumadalo.

"We're here," aniya ni kuya Zack at pinarada ang kanyang sasakyan.

Una na akong bumaba sa kanyang sasakyan, gano'n din sa ate ng pagbuksan siya ng pinto ni kuya.

"Huwag kang lalayo sa amin, Naiia." Tumango ako sa sinabi ni ate Nayeli kaya nandito ako sa kanyang gilid habang binabaybay ang malaking garahe ng bahay na ito. Kanino kaya itong bahay? Grabe ang lawak. Nagkikita pa kaya mga tao rito?

Dumaan kami sa gilid at sa dulo nito ay isang malawak na garden na ngayon ay napupuno na ng mga bisita.

Kinilabit ko si ate Nayeli habang nakatingin pa rin sa mga taong naggagandahan ang mga suot. Kapag tumitingin ako sa paligid halos lahat sila may mga kausap.

"Ate, mga mayayaman ba ang nandito?" Palakad kami ngayon sa mga lalaking nagkukumpulan habang malalakas na tumatawa.

Gezz! Ang mga kaibigan ni kuya Zack!

"Bro! Nayeli," napahinto ang isang lalaki habang nakatingin sa akin, "nice to meet again, Naiia." I rolled my eyes to him.

"Theodore, bwinibwisit mo na naman." May diing sabi ng kanyang asawa.

Buti nga.

"Naiia, here," isang malambing na boses ang tumawag sa akin at nakita ko roon sa Laura.

Kasing lambing ng kanyang boses ang kanyang mukha. Hindi ko alam kung paano naging asawa ni Kuya Aleric si Laura.

Umupo ako sa kanyang tabi, ngumiti rito nang napakatamis, "hi, Laura!" Sa kanilang lahat siya ang naging ka-close. Sobrang hinhin kasi niya, hindi makabasag pinggan.

Nilibot ko ang aking tingin sa buong table na nandito, lahat sila nandito. Kumpleto silang lahat except sa isang lalaki.

Nanlamig ang aking buong katawan ng biglang umilaw ang nasa gitna ng garden na ito. Isang mini stage. Tumigil ang aking paghinga ng lumabas doon ang lalaking dalawang taon ko ng hindi nakikita. Sinasabi ko na nga ba.

Napatayo ako at lahat sila nakatingin sa akin, "restroom lang po ako." Hindi ko na sila hinintay na magsalita at umalis na 'ko.

Hindi ko alam kung nasa'n ang restroom bahala na magtatanong na lang ako sa makakasalubong ko. Nagsasalita na siya ng pumasok ako sa loob ng bahay na ito.

Bakit gano'n pa rin ang epekto ng kanyang boses sa akin. Dalawang taon na ang nakakalipas. Ano ba, Naiia, umayos ka nga. Hindi mo naman ex ang isang iyon.

May napagtanungan ako kung sa'n ang restroom kaya nakapag-cr din agad ako. Inayos ko ang aking sarili, huminga nang malalim.

"Kung makakasalubong mo siya, Naiia, relax ka lang, okay? Katulad ng dati, tarayan natin diba? Gano'n lang kaya chillax!" Kausap ko sa aking sarili sa salamin. Nang maiayos ko ang aking buhok doon na ako lumabas ng restroom.

"Anong kailangan mo?" Sabay lunok ko ng aking sariling laway.

Bakit ang malas ko yata ngayon, kalalabas ko lang ng cr siya na agad ang bumungad sa akin.

Ngumisi ito sa akin, "p'wede bang punan ko ang dalawang taon na nawala ako?"

•••

Road to forever?

LIKE AND COMMENT
THANK YOU, CAT-TIES ! 💛

AMBITIOUS: NAIIA PILAK ( Daddy's series #10 ) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon