Chapter 10

176 21 15
                                    

Tanging ang tunog lang ng mga kubyertos ang maririnig sa loob ng kusina. My eyes were totally fixed to the sunny side up on my plate, feeling the eyes of the people at the table.

"Bakit 'yan lang ang ulam mo? Kaya ang payat-payat mo, eh!" Lola withdrew the silence as she put a hotdog on my plate.

Ngumiti lang ako at nagpasalamat. Another awkward silence occured. Sana ay kanina pa ako umuwi pero nagluto si Lola at ayaw ko namang malungkot siya kapag tinanggihan ko ang niluto niyang agahan.

"MA! ATE!"

I almost jumped from my seat as that loud voice thundered around the house. Miski si Lola ay napahawak sa dibdib niya dahil sa sobrang gulat.

"Jessel! Huwag ka ngang sumigaw! Ang aga!" saway ni Tita Vivian sa kakapasok lang na babaeng nakapekpek short at sleeveless.

"Si Jessel ay ang ikatatlo kong anak at tiyahin mo rin," bulong ni Lola sa akin.

The woman named Jessel ignored Tita Vivian and went to the table. Hula ko ay nasa mid-forty na ang babae.

Her eyes widened when she saw me. She even covered her mouth, looking surprised. Yumuko lang ako dahil ako ang nahihiya sa reaksyon niya.

"Huwag kang masyadong over reacting d'yan!" dinig kong singhal ni Tita Vivian. "Sinabi na ni Mama noong nakaraan 'di ba?"

"I just can't believe it!"

I bit my lower lip, suppressing my laughter. Pumikit pa ako ng mariin para lang mapigilan ang sarili ko.

"Beatrice..." tawag ni Lola kaya naman malalaki ang mga mata ko siyang hinarap.

When I saw how serious she became, I cleared my throat to be serious too. Napadaing ako sa gulat nang walang pasabi akong hinawakan no'ng Jessel sa balikat.

"Ikaw si Saki, 'di ba?" nakangiti niyang pagkukumpirma.

"Saachi po," magalang kong pagtatama sa kanya.

She ignored what I said and continued to laugh. Ngumiti na lang din ako para hindi siya mapahiya.

Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Tita Vivian nang tuluyan nang makaupo si Tita Jessel sa bakanteng upuan sa left side ko.

"Makikikain ka na naman?" May halong pang-iinsulto ang tanong na iyon ni Tita Vivian. Tito Herman was trying to calm her down.

My eyes landed on Tita Jessel who was just happily grinning, not minding Tita Vivian's insult at all. Ganito ba talaga sila? Bakit parang sanay na sanay na sila sa ganitong buhay?

Ito ba ang pamilya at buhay na kinalakihan ni Mama?

"Ate naman!" Tita Jessel laughed. "Alam mo namang nawalan ng trabaho si Lito. Parang ngayon lang, eh."

Tita Vivian laughed in total sarcasm. "Anong ngayon? Inaraw-araw mo na, Jessel!"

"Tumigil nga kayo! Nasa hapag tayo," mahinahong pagsaway ni Lola.

Sinamaan lang nila ng tingin ang isa't isa pero hindi na umimik pa ng kahit isang salita. I thought silence would presume again but I was wrong.

"Napakaganda mo namang bata!" Tita Jessel scanned her eyes on me while preparing herself food. "Alam mo, marami akong Amerikano na kilala! Tiyak ako na matitipuhan ka ng mga no'n."

I bit my lower lip, not liking where this conversation leads.

"Jessel!" saway ni Lola sa kanya.

"Ano na naman, Ma? May masama ba akong nasabi? Totoo naman, ah!" She grinned. "Kung single lang ako aba't hahabulin din ako ng mga no'n. Kaso, si Lito ang napakasalan ko na tamad at lasinggero."

Hues in Diliman (Abstract Series #1)Where stories live. Discover now