Chapter 30

172 21 5
                                    

"Kailan nga ulit ang exhibit mo?"

I sliced a portion of my steak and ate it immediately. Sumimsim ako mula sa baso na may lamang wine at pinunasan ng tissue ang labing nabasa.

Tumaas ang kilay ko nang marinig ang tawa ni Jimson mula sa kasalungat kong upuan.

"What?" nakangisi kong tanong. I leaned my back on the chair.

"You looked so…" He chuckled. "I don't know. Beautiful and classy."

Umiling lang ako sa kanya, hindi sineryoso ang sinabi niya. "Stop throwing lies at me, Engr. Romero."

Siya naman ngayon ang umiling. "You still have your trust issues, huh?"

"Ngayong Friday ang exhibition. Makakapunta ka ba?" I asked, ignoring what he said.

Dumako ang tingin ko sa kamay niyang nagbubuhos ng panibagong wine sa baso kong wala ng laman.

"Thanks," tipid kong saad at tinungga iyon.

He clicked his tongue. "Oo naman. Palalampasin ko ba 'yan? Your first exhibit, hmm."

Napangiti ako. Kahit ako ay hindi makapaniwala. I worked hard for six years to make this happen. Nagtrabaho ako ng dalawang taon sa kompanya ni Tito Hiro para magkaroon ng experience and the rest of the years was spent with me being independent.

Binebenta ko ang mga gawa ko at gladly, may bumibili rin naman at pumupuri. After all the sweats and tears, I will finally hold my own exhibit. I will display all the works I have spent all my time doing.

"You have reached this far," he softly said. "I am really proud of you."

Nag-init ang puso ko. Isang taon pagkatapos kong umalis ng Pilipinas, siya naman ang sumunod. We became buddies. He is one of the reasons why it became easier for me to cope up with the new environment.

"Ikaw rin naman," bawi ko. "You built a name here in Japan. Kilala pa ang mga establisymentong napamahalaan mo."

Mabilis lang na natapos ang dinner naming iyon dahil kailangan kong umuwi agad para ipaalam kay Lolo ang updates sa paparating kong exhibit. He is very proud and supportive of me.

"Achi, itoko!"

Nagulat ako nang makitang kumpleto ang lahat ngayon. Tito Hiro is at the table with his wife and children, gayundin ang pamilya ni Tita Yuri.

"Bakit kumpleto tayo ngayon?" natatawa kong saad at umupo na rin sa bakanteng upuan.

Hindi masyadong maalam sa Filipino ang mga pinsan ko pero sa anim na taon kong pananatili rito, nagkaroon ako ng oras na turuan sila. And now, we are speaking it inside the house. Si Lolo lang ang hindi pero nakakaintindi naman siya.

"Congrats, ate!" bati sa akin ni Riku. Napangiti ako nang marinig ang Japanese niyang accent.

Kinagigiliwan ko talaga ang bunsong anak ni Tito Hiro dahil napakabibo nito at parang hindi nauubusan ng energy. Matalino rin ito kung ikukumpara sa edad nitong sampu.

"Are you all going to attend my exhibit?" tanong ko sa natitira kong dalawang pinsan.

"I already canceled all my plans for that day," seryosong sagot ni Kai, anak ni Tito Hiro. Siya ang pinamatanda sa aming magpipinsan at siguradong magmamana sa art company na pinamamahalaan ngayon ni Tito.

Tumango ako at ngumiti. Nilingon ko si Ayaka na nakangiti sa akin.

"I am excited for it, ate!" magiliw na saad niya. She is the only daughter of Tita Yuri so we are especially fond of each other.

Hues in Diliman (Abstract Series #1)Where stories live. Discover now