Chapter 28

143 17 4
                                    

"Achi! Kumain ka muna."

Nilingon ko ang may-ari ng karinderya na pinagtatrabahuan ko. 

"Mamaya na po," marahan kong sagot. "Tatapusin ko lang 'to."

My eyes darted on the canvas painted with my own portrait. Napangiti ako habang tinitingnan kung gaano ito kaganda kahit hindi pa man tapos.

I practiced for years how to drew my own features and I am really proud for myself to achieved it perfectly.

"Mamaya mo na 'yan balikan. Lumalamig na ang niluto ko."

Tuluyan nang nakalapit si Aling Daisy sa pwesto ko. She was the one who found me on that cold and dark night. Dinala niya ako sa ospital at ayon sa kanya, tatlong araw akong walang malay.

"Jusmiyo!" she cried after listening to my story. Pagkagising ko sa ospital, iyak agad ang lumabas sa akin at kwinento sa kanya ang nangyari sa akin.

She brought me to her hometown in Batanes and helped me to lived a new life. May-ari siya ng maliit na karinderya at walang asawa.

"Hindi ko alam kung matutuwa ba akong binilhan kita ng gamit pangpinta," she said, laughing. "Halos hindi ka na kumakain."

I smiled a little. "Namiss ko po talaga ang magpinta. It's been years."

Tatlong taon na simula nang mangyari iyon at hindi naging madali sa akin ang buhay ko pagkatapos. I had nightmares every night and will always engaged myself on unstoppable cries.

Hindi ako iniwan ni Aling Daisy sa laban ko kahit hindi ko naman siya kaano-ano. It would be funny to trust other people again after what happened but if it's her, I won't hesitate to trust again.

"Ang ganda talaga nitong tindera mo, Daisy! Baka pwede ko 'tong ireto sa anak ko," si Mang Tiago na mangingisda habang kumakain sa karinderya.

Inirapan siya ni Aling Daisy at inilingan. "Naku, Tiago! 'Wag mong ipapares itong Achi ko d'yan sa Jimson mo. Hamak na mas may itsura itong alaga ko!"

Lumakas ang tawanan ng mga kumakain sa loob na sinimangutan ni Mang Tiago.

"Masipag naman 'yong akin." He grinned at me. "Papadalawin ko ang binata ko rito ngayong araw, Achi, ha?"

Ngumiti lang ako at umiling bago nilapag sa mesa ang inuming in-order niya. "Wala pa po sa isip ko ang mga ganyan."

My heart throbbed when Cy passed on my mind like he always did. Miss na miss ko na siya. Kamusta na kaya siya? I am sure he achieved his dreams and goals within the three years.

Bigla akong nalungkot sa naisip. Tiyak kong sobrang layo na niya. I was left unprogressive and unmoving.

There are nights when overthinking would win against my determination to be content. Hundreds of what if's will always cover my head. 

What if it never happened? What if I was abled to graduate? What if I never met Lola? Nakakaiyak at nakakainis na mga bagay ang lagi kong iniisip tuwing malalim na ang gabi hanggang sa nakakatulugan ko na lang.

"Achi, nandito si Jimson!"

Namimilog ang mga mata kong nilingon si ate Fabian na katrabaho ko sa karinderya. Mas lalong lumawak ang ngisi niya nang makita ang reaksyon ko.

Behind her is a tall and tan guy wearing his shy smile. Bahagyang nagulat ang mukha niya nang dumako ang tingin sa akin.

"U-Uh…" he trailed off when he reached near me. Napatingin ako sa dala niyang plastic bag na may lamang hindi pa luto na isda. "Pinadala ni Papa."

Hues in Diliman (Abstract Series #1)Where stories live. Discover now