Chapter 36

129 17 0
                                    

"Alright. I got to go," saad ni Cy sa kabilang linya.

Nilingon ko si Lolo na kakapasok lang sa kusina. I cleared my throat.

"Okay. Ingat ka." I ended the call.

Cy was true his words. Pupunta sana siya ngayon dito sa Japan pero nacancel lang dahil kailangan niyang pumunta ng Australia. Nagkaproblema kasi sa psychiatric ward na pinapagawa niya roon.

"Good morning, Lo." Nagsasalin siya ng tea sa sarili niyang tasa.

"Good morning, sweetheart," bati niya pabalik.

Kakarating ko lang kahapon mula sa Pilipinas at panay ang pangungumusta sa akin ni Lolo kahit nakabalik naman ako ng ligtas.

"Do you have any plans today?" he asked, settling himself on a vacant chair.

Napaisip ako. Gusto ko sanang asikasuhin ang ipapatayo kong negosyo which is an art gallery.

"I will get a business permit, Lo."

Sinubo ko ang kapiraso ng tocino na nasa plato ko. He nodded his head. Alam naman niya ang plano ko.

"Is this something you're certain of? I support you in whatever you do, yet running an art gallery is a difficult business."

Bumunot ako ng tissue mula sa rolyo nito. I wiped my mouth.

"I am sure, Lo. I'm contacting some of my college friends to see if they'd be interested in selling their paintings to me.."

Tumango-tango siya. "You won't display your own works?"

"I will, Lo. However, I felt that it would be preferable to show some of their work as well. It would be particularly complimentary to those artists who are underappreciated."

He smiled widely. "You've given this a lot of thought, haven't you?"

Ngumiti lang ako. Ilang buwan ko na ring pinag-isipan ito. Gusto ko may sarili akong negosyo. Pera na matatawag ko talaga na sa akin.

Pagkatapos naming kumain, pumanhik ako sa itaas para maligo.When I got downstairs, I was surprised to see Jimson sitting comfortably on our couch.

"Hey," nakangising untag niya pagbaba ko. "Pinapasok ako ng katulong niyo."

Bumaba ang tingin niya sa suot kong red na squarepants at shirt na croptop. I wore a not so tall heels, a red-colored too.

"May lakad ka?" tanong niya, kunot ang noo at medyo nagtataka.

I nodded. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman. Ngayon ko lang siya ulit nagkita simula noong exhibit.

"Hatid na kita." Tumayo siya at tinapon sa ere ang susi bago ito sinalo ulit.

Tinanggap niya naman ang rejection na binigay ko sa kanya noon pero naaawa na talaga ako.

"It's okay. May kotse naman ako," tipid kong sagot.

Natigilan siya at naglaho ang ngisi sa labi niya. Pinanood ko lang ang pag-iba ng reaksyon niya.

"Are you avoiding me? Hindi mo sinasagot ang tawag o text ko."

Totoo naman. Noong nasa Pilipinas ako, hindi ko naman sadyang ignorahin siya. Busy lang talaga ako kaya hindi ko nasusuklian.

"I can offer you a friendship, Jim. Alam mong hindi kita mapagbibigyan ng higit pa roon." Nagpakawala ako ng malalim na hininga.

"Nandito ako bilang isang kaibigan," sagot niya. "I am sorry, okay? I won't bring that kind of question again."

Nilingon naming dalawa si Lolo na may dalang newspaper at kakapasok lang sa pinto. Mukhang galing pa siya sa garden at nagmumuni-muni.

Hues in Diliman (Abstract Series #1)Where stories live. Discover now