One

0 0 0
                                        

Andito ako ngayon sa sala at naghahanda ng gamit dahil makikipagsapalaran ako sa manila. I don't want leave my Nanay here in the province but I should fly high for me to be able to reach my dreams and my families dreams for me. 

"Nay" I said and hug her.


"Ano ba yan Vida. Tanda tanda mo na mag iinarte ka pa. Aba't noong dito ka pa sa bahay ay hindi ka naman mapalagi tapos ngayong pinapaalis ka mag gaganyan ka!" tinanggal niya ang kamay kong nakakapit sa kanya kaya sinamangotan ko siya.



"Grabi ka naman do'n sa pinapaalis Nay... As If naman hindi mo mamimiss magandang Anak mo and take note, ako lang nag iisang magandang anak mo. Mga pogi kasi yung naunang nabuo" kinindatan ko sa Nanay at kinurot ako sa tagiliran.


"Manahimik ka ngang bata ka! Kung ano ano pinagsasabi mo. Hala sige, lumayas ka na sa pamamahay ko't hinihintay ka na ng mga Kuya mo sa labas!"



"Ang harsh mo ma!" sigaw ko pabalik sa kanya at nagmamadaling tumakbo palabas   nakita ko naman si Kuya Kio na nilalagay ang mga gamit ko sa likod  ng tricycle habang si Kuya Kino naman ay tinatali ang bagahing nasa itaas upang hindi malaglag pag madadaanan namin ang malubak na parti ng daan mamaya.  Lumapit naman ako kay papa na tinitignan ang dalawa kong kapatid na abala sa gamit ko.



"Pa, aalis na magandang anak mo. Hindi mo ba ako mamimiss?" paglalambing ko kay Papa. Natawa naman siya ng tignan niya ako at hinaplos ang ulo ko sabay pitik sa noo ko.


"Aray ko pa huh!... Gusto niyo talagang palayasin ako dito no?... Si Mama excited na umalis ako tapos ikaw pa di mo ako mamimiss?" pagmamaktol ko. Bigla namang natawa sila Kuya sakin habang ako naman ay inis na inis na tinitignan silang tatlo.


"Wala na daw maingay sa bahay Iya. Kaya gusto nilang palayasin ka dito" natatawang sabi ni Kuya Kino at tumalon mula sa itaas ng tricycle. Nag apir agad sila ni Kuya Kio palatandaan na sumasang-ayon  siya sa sinabi ng kapatid.  Inirapan ko silang dalawa dahilan para mas lalo silang matawa. Grabi, ang pangit kabonding  ng pamilya ko. Buti nalang maganda lahi namin.




"Tara na Iya, baka mahuli ka pa sa Bus na papuntang manila" tumango ako sa tiyohin ko at mauna ng sumakay sa tricycle. Nakita kong sinabi si Papa kaye Tiyo Lando bago ito pumwesto at pinaandar ang tricycle.





"Good bye, pangit kong family!" sigaw ko at nakita kong nagtawanan lang sila Kuya at Papa. Nakita ko naman si Mama sa Itaas at nakasilip sa bintana na mangiyak ngiyak. Sus, si mother kunwari gusto akong paalisin pero mamimiss din pala ang beauty ko.




"Iya, mag iingat ka roon sa maynila at maraming gago do'n" natawa naman ako sa habilin ni Tiyo Lando at tinulungan siyang ibaba ang mga gamit ko.



"Judger ka naman Tiyo" pabirong sinampal ko ang balikat niya. Parang matutumba naman si Tiyo sa ginawa ko kaya agad ko siyang inalalayan.



"Muntik na'ko doon, Iya" sabi nito at malalim na huminga at maypahawak pa sa dibdib niya. Grabi pwede na maging artista.




"Ah basta ang sinasabi ko sayo'y mag iingat ka doon para rin naman ito sa kaligtasan mo." dugtong nito at tinawag ang mamang konduktor sa Bus patungong Manila at nagpatulong sa mga bagahi ko. 




Nang mailagay na sa bus ang bagahi ko ay nagpaalam na si Tiyo Lando at sumakay na din ako sa Bus. Saglit pang naghintay ang bus bago ito lumarga.


Biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong inilabas mula sa handbag ko at sinagot.


"Tanginang malanding 'to. Tinuloy mo talaga ang plano mong mag maynila huh!" nailayo ko ang cellphone ko dahil sa pagsigaw ng nasa kabilang linya.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 10, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Endless Love of TommorowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon