Chapter 44:

1.1K 72 2
                                    

Thrizel’s POV

"Good morning!" Sigaw ko sa loob ng aking kwarto, kakagising ko lamang.

Tumayo ako at pumunta sa balkonahe. Ang sarap ng simoy ng hangin, nandito na rin ang sinag ng araw.

Agad akong pumunta sa banyo para maligo dahil may pupuntahan ako. By the way, isang linggo ng nandidito si ate Anissa and you know what? Ang sarap niya kasama sa bahay. Hindi ako nagseselos dahil kapag niyayaya siya ni kuya or may ginagawa sila, sinasama niya ako. I love her na talaga, hmp.

Nang matapos akong kumain ay bumaba na ako. Wala akong naabutang tao sa baba. Pumunta akong dinning area, wala pa rin. Himala? Bakit parang ako ang naunang nagising? May nakita akong sticky note sa refrigerator kaya kinuha ko iyon. Galing kay manang at sa pagkakabasa ko, namalengke siya at dadaanan ang kaniyang kaibigan.

Agad naman akong tumakbo paakyat. Pumunta sa kwarto ni kuya. "Good morning, kuya..." Walang sumagot doon. Alam niyo na ang gawain ko, edi pumasok ako. Naabutan ko siyang nakasalampak sa kama. Hays, tulog mantika.

Agad kong hinanap ang kaniyang selpon. Nakita ko naman ito sa lamesa, dahan-dahan ko itong kinuha at lumabas. Walang maglilinis ng buong bahay kaya siya ang uutusan ko. Hello? Aalis ako ‘no.

Pumunta ako sa kusina. Mukhang maaga umalis si manang dahil hindi nagluto, ayaw kasi namin na malamig ang almusal kaya nag-umpisa na akong magvideo.

"Ang gagawin mo kuya. Ito, kailangan mong magluto dahil wala kayong almusal." Pumunta akong sala. "Kailangan mong linisan iyan. Ang kalat, oh? See?" Pinakita ko ang kalat namin kagabi, hindi pa pala ito nalinis. Pumunta ako sa aking kwarto. Ginulo ko iyon. "Pati ito, pakilinis, okay? Hehe, aalis kasi ako." Sunod kong pinuntahan ay iyong hardin. Sinama ko na iyon. Hindi ko sinama ang banyo dahil hindi mo mapapaglinis ang lalaking iyon. Kaartehan niya.

Paakyat ako para isauli ang selpon niya nang biglang tumaginting ito at nakita ko ang text ni ate Anissa. Naalala ko, nagpaalam siya kay kuya na pupuntang bahay nila para kunin ang ibang naiwang gamit. Hindi sa nangingialam ako, basta pinindot ko ang mensahe ni ate at binasa.

‘Thrale? Are you awake? P’wede bang pasundo ako rito? Kanina pa kasi ako naghihintay ng taxi pero walang dumadating.’

Maya-maya ay nagmensahe na naman siya.

‘Mukhang napasarap ang tulog mo, maghihintay nalang ako baka maya-maya ay mayroon din naman. By the way, good morning. I love you.’

Wala naman silang label.

Pumasok na ako sa kwarto ni kuya at binalik ang kaniyang cellphone. Lumabas na ako ng bahay at naghintay ng taxi. Shet, pati ba naman dito ay walang taxi? Kainis, huh. Pinauwi kaya nila mom ang driver namin baka raw kasi maggala-gala ako. Hmp.

Maya-maya rin naman ay may dumating na kaya sumakay na ako. Akala ko ay wala na silang balak magpakita sa akin, e. Buti nalang maaga akong nagising at kung tatanongin kung sinong kikitain ko, walang iba kun’di si Ryke. Wala kaya siyang paramdam!

Nakarating din naman akong resto. Agad akong pumasok doon, nakita ko si Ryke sa isang lamesa. Nang makita ako nito ay agad siyang tumayo para salubungin ako. Pinaghatak ako nito ng upuan at pinaupo. Ngumiti ako sa kaniya at nagpasalamat.

"So what now?" Panimula ko.

"Let's eat first."

Kumain muna kaming dalawa, gutom na rin naman ako dahil nga hindi ako nag-almusal. Tiningnan ko si Ryke, kalmado lamang ito pero parang may iniisip siya. Napapansin ko na yata sa aking sarili na mahilig na ako mag-obserba ng tao.

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now