Chapter 80:

1.3K 82 18
                                    

Dominic's POV

"I need to go, mauna ka na, Demzell. Bonding with your friend, huwag kang sumama sa akin. Mabuburyo ka lang."

Nandito kami sa resto ng aking kapatid. Kumakain. Hindi ko alam kung anong trip nito at nakipagkita sa akin para lang dito. Hindi siya tumayo kaya tinaasan ko siya ng kilay. Ngumuso muna ito sa akin bago umalis.

Napahinga naman ako nang malalim at sinandal ang likod sa upuan. Ayos lang naman sa aking magyaya siya nito dahil wala naman akong gawain, buryo na rin ako sa bahay dahil wala man lang mapaglibangan. Bakit ba kasi tapos na ang school year? Walang thrill ang buhay ko kung araw-araw lang akong ganito.

"So gross, maghanap ka ng ibang mauupuan, please?"

Napatigil ako sa pag-iisip. Tiningnan ko ang babaeng nagsalita, may pinaalis itong lalaki. Dahil sa pagtataka, sinundan ko ng tingin ang lalaki kung saan pupunta. Napaupo ako nang maayos nang umupo ito sa inupuan ni Demzell. Magkaharap kaming dalawa ngayon. Tiningnan ko ang kaniyang hitsura, gan'on nalang ako natuwa. May silbi rin pala ang pagyaya ni Demzell na lumabas ng bahay.

"Nothing has changed your looks." Bigla kong sabi rito.

Tiningnan niya ako. Nangunot ang kaniyang noo. "Dapat ba matanda ako?"

Napailing-iling ako sa kaniyang sagot. Natawa ng palihim. "Ang dugyot mo pa rin, Phryx." Kinuha ko ang kapeng nasa lamesa. Sinimsim ko ito. Wala siyang naging reaksyon sa aking sinabi, hindi niya dapat ikaila dahil totoo naman. "Kumusta kayo ni Thrizel?" Sa aking pagtatanong, napahinto ako. Sobrang tagal ko ng hindi nakikita ang babaeng iyon. Wala na rin akong balita sa kaniya. Nasa harapan ko naman si Phryx, baka ay may alam siya.

"'Gaya mo ay wala akong balita sa kaniya."

Hindi na ako nagulat sa kaniyang sagot. Halata naman sa aking reaksyon kung ano ang aking iniisip. Nahalata niya sigurong hindi ko na nakikita ang babaeng 'yon.

"Seriously? Hindi mo nga malayuan dahil kamukha siya ng girlfriend mo." Nakunot ang noo niya sa aking sinabi dahilan para ngumisi ako. Apektado pa rin hanggang ngayon. "Ano nga palang pangalan n'on? Redelyn Gauniria, right? Hindi ko alam ang hitsura."

"Kung ano ang hitsura ni Thrizel, iyon din ang mukha niya." Matigas niyang sabi at tumawag ng isang waiter para mag-order. Hindi niya magawang tumitig sa akin ng pangmatagalan.

"Oh, baka iisa sila ni Thrizel." Tinaas ko ang aking dalawang kilay. Pinapalabas sa kaniyang kalmado na may halong pang-aasar pero ang lalaking 'to, kung anong reaksyon mayroon siya simula nang umupo gan'on pa rin hanggang ngayon.

"Hindi sila iisa. Mabait ang girlfriend ko kumpara kay Thrizel. Masama ang ugali ng babaeng 'yon." Natawa ako sa kaniyang sagot. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi. Masama ba talaga ang ugali ng babaeng 'yon? Pangit ang ugali, sumasang-ayon pa roon.

"Ano bang background ng girlfriend mo? Baka matulungan kita. Kilala mo naman ako, 'di ba?" Sa ngayon, seryoso ang aking mukha. Kung kanina may halo pang pang-aasar, ngayon ay wala.

"Magkasingtangkad sila ni Thrizel. Magkasingkatawan din at parehas ng mukha. Third year high schoo—”

"Background, hindi ko sabing i-describe."

"Interesado ka ba sa girlfriend ko?"

"Sa 'yo p'wede pa."

Tinitigan ako nito ng ilang sandali saka inilihis ang tingin. Napahinga ito nang malalim at sumagot. "Kababata ko siya, 'gaya ko ay wala na ang tunay niyang mga magulan—pwede ba tigil-tigilan mo ako? Hindi porque malinis ka tingnan, ikaw na ang lamang."

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now