Kalawakan at Ikaw

13 0 0
                                    

Di ko alam kung paano sisimulan o uumpisahan ang pyesang ito tulad ng buhay ko simula ng iwan moko, pero bahala na.

Eto na,

Paano ba? Heto ba? Ganto ba? Tama ba? Gaano ba? dapat kabilis simulan ang pagbawi sa sarili ko sa pagkakalubog sa kumunoy ng kalungkutan at hinanakit na ibinigay mo sa panahong hinahanap ko ang sarili ko. Ang kamay mo ang inaasahan ko na hihigit sa akin mula sa dilim ng pagkalumbay na aking pinagdadaanan ngunit ang iyong inaalay ay tahimik na pagbitaw sa aking kamay na di ko mawari ang dahilan na aking ibibigay upang ikaw ay aking maisalba sa paningin ng iilan na tama bang ikaw ay aking iwan.

Sa ating dalawa, alam mong palaging ako ang nauuna. Unang naka-ayos kapag gusto mong magsaya, unang nag aabang sa lugar kung saan tayo magkikita at unang naghihintay sa tuwing tayo ay kapwa may klase at may ginagawa. Ako palagi ang nauuna sa iyo.Sa akin hindi mo naranasan ang maghintay. Maramdamang kulang ang oras na ibinibigay o mapansing maging pangalawa ka na lamang sa mga prayoridad kong mga bagay.Palagi kang una para sa akin.Kaya nang dumating ang pagkakataong gaya nito na ikaw ang nauna, hindi ko magawang maging masaya.Dahil minsan ka na lamang mauna sa ating dalawa, sa paraang hindi na tayo magkikita na may iisang ngiti at tawa.

Pero hindi, sa tuwing pagsapit ng gabi may mga ORAS na marami akong katanungan sayo at sa kalawakan,
Oras na nga ba para kalimutan ka,
Oras na nga ba para bitawan kita,
Oras na ba para kumawala ako sa piling mo,
Oras na nga bang sumuko,
Oras na nga ba natin ito na hanggang dito na lang,
Oras na ba para sabihing ako'y nasaktan mo ng sobra,
Oras na ba para patawarin ka?,
Oh oras na nga ba para sabihing mahal pa rin kita pero tama na.
Dahil akala ko mananatili parin tayo sa huli sapagkat ginawa ko na ang lahat ngunit pero lagi may nakikitang pagkukulang. Sabi nga nila hindi ka magiging sapat sa isang tao kung hindi siya makukuntento sayo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 03, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kalawakan at IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon