4

655 12 0
                                    

(A look back to where it all started)

Ilang weeks din kaming ganun. Kakausapin niya ako, hindi ko siya papansinin. 

Na as if... wala akong nakikita o naririnig.

Bakit noong bata ako, hindi naman siya ganyan sa akin. Naaalala ko...

                                                                                                    ...her favorite is my ate Dianne. 

Yes, my ate ako.

But she died years ago because of Leukemia.

Although ampon lang siya, hindi siya naging iba sa amin.

Kaya nga madalas akong magtampo kay mama kasi parang mas gusto niya si Ate e ako naman yung tunay niyang anak.

Pero si Ate Dianne kasi, sobrang bait. 

Mahal na mahal ko din siya.

Hindi niya pinaramdam sa akin na mas angat siya.

Hindi tulad ng palaging pinaparamdam ni mama sa akin.

Na mas maganda, matalino at mabait si ate.

Wala akong ibang gusto noon kundi matutunan akong ipagmalaki din ni mama tulad ng palagi niyang ginagawa kay ate.

Hanggang sa malaman naming may Leukemia siya at tuluyang mamatay.

Mula noon, mas bumait na din si mama sa akin.

Si papa naman, mula una naman e ok na ok siya sa akin.

Pero isang araw...

Yung araw na masira yung pamilya namin..

Hinding hindi ko yun makakalimutan.

Nakita ko si mama...

Nasa bed nila ni papa...

Pero hindi si papa yung katabi niya at kayakap...

Si Tito Ben...

Ang bestfriend ni Papa.

Gulat na gulat ako nung makita ko sila.

At ganun din si papa.

Sa sobrang galit ni papa, pati ako'y pinagbuntunan niya ng galit niya.

Sinabi niya din ang mga salitang nagpapirapiraso sa puso ko.

"Hindi kita anak! Hindi pa ba sinasabi sayo ng nanay mo na anak ka lang niya sa labas? Sana ikaw na lang yung namatay at hindi si Dianne! Parehas ko kayong hindi kadugo pero I'm telling you.. she's way better than you! Pabigat ka lang! Kaya ayoko na! Magsama kayo ng ina mong manloloko!"

I was dumbfounded that time..

Hindi ako nakakilos  o nakapagsalita agad.

Pero pagkatalikod ni papa sakin, agad akong nagmakaawa na wag niya kaming iwan.

Na mahal na mahal ko siya.

Ginawa ko ang lahat para pigilan siya.

Sinundan ko siya hanggang sa labas.

Wala na akong pakeelam kung magmuka na akong kawawa at tanga.

Basta wag lang mawala yung taong nagparamdam saaking may halaga ako sa mundong ito.

Pero kahit anong pilit ko..

Wala din silbi lahat.

Ni hindi niya ako nilingon.

Ni hindi ko nakita sa kanya ang pagdadalawag isip.

At dun ako pinaka nasaktan noon.

At doon din nagbago ang lahat. Sa mismong araw na yon.

Mom, I hate you! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon