7 - Final :(

884 44 14
                                    

Sa bahay ng tita ko binurol si mama.

Ni hindi ko nakita si papa dun.

Hindi ako nakatulog at nakakain ng maayos.

Ang gusto ko, nasa tabi lang ako ni mama.

Ayoko siyang iwan. Tulad ng ginawa niya sakin nung mga panahong sira ang utak ko.

Yung mga panahong pinagtabuyan ko siya at hiniling na mamatay na lang siya.

Hindi ko alam na ganito pala kasakit yung hiling ko noon.

Sana pala, hindi  ko nalang yun hiniling.

One week na simula nung mailibing si mama.

Hindi ko pa kayang umuwi ng bahay namin.

Pero ngayon, mejo ok na ako.

Gusto kong alalahanin yung pagmamahal ni mama.

Gusto kong buhayin yung mga memory niya sa akin.

Kasi yun na lang yung kaya kong dalhin sa akin.

Kasi mismong si mama yung nawala at hindi ko naingatan at naitago sa akin.

Andito na ako sa gate namin.

Pagpasok ko, nakita ko yung pintuan kung saan si mama yung laging nagbubukas sa akin pag inuumaga ako ng uwi, hindi kasi siya natutulog pag wala pa ako. <///3

At hindi ko napigilan, tumulo nanaman yung luha ko. Psh! Traydor na mga luha.

Nakita ko yung upuan kung saan laging nakaupo si mama pag kumakain na ako.

Inuuna kasi niya akong pakainin para yung tira ko, yun na yung kanya..

Pero dahil masama ako, hindi ko na siya tinitirhan minsan. At mga inaamag na tinapay na lang yung kinakain niya pag hindi niya na kaya yung gutom niya.

At mas lalo akong naiyak. Ang sama sama ko! Ito na ba yung kabayaran?

Pumuta ako sa tapat ng kwarto ko...

Nakita ko yung banda kung saan ko naipit at inipit lalo yung mga kamay ni mama na lagi niyang ginagamit pangtrabaho para may ipakain lang sa akin.

At yung sahig kung saan ko tinulak si mama kaya siya napaupo dito at tumama ang likod niyang ginagamit niya kahit nanagkakanda hirap para lang kumayod at mabuhay at mabigyan ako ng pera para sa school....  

   Na ginagastos ko lang sa walang kwentang bar.

Ang sakit isipin lahat ng ginawa ko.

Pumunta na ako sa kwarto niya...

Nakita ko ang isang maleta.

Siguro, ito yung sinasabi niyang, aalis na sana siya nun bago siya maaksidente.

"Mama, I'm sorry."

Pero nakita ko sa taas ng maleta niya ang isang sulat na may nakalagay na..

To: Yanny Baby

Nagulat ako. Naalala ko yung tinawag niya sakin bago siya mamatay.

I opened it.

Then tears started to roll outside my eyes. Para bang nag-uunahan silang makalabas sa mga mata ko.

  Dear Marian,

     Yanny, I'm so sorry for causing you too much pain. Pero para sayo, kahit mahirap at  masakit sa akin anak na iwan at layuan ka.. gagawin ko. If it means happiness to you then I can risk everything I have. Even my life. Pero sana , gusto kong sabihin sayo yung totoo. Sana matagal ko na sinabi sayo anak pero hindi mo na ako tinanong. Sa papa mo lang ikaw nakinig at naniwala. Ni hindi mo na nga itinanong kung ok lang ba ako anak e at kung totoo ba lahat yun. Pero ok lang sa akin anak, naiintindihan naman kita. Masyado ka pang bata noon. Pero unang-una. Anak, matagal nang alam ng papa mo na ank kita sa labas. Bago pa kami umampon at nagpakasal , alam na niya yun. Pero minahal ka parin niya. Kaya nagulat na lang ako nung trinato ka niya bigla na parang isang stranger. Pero di nagtagal, nasagot din ang mga tanong na bumagabag sakin. Nalaman ko anak na may iba na siyang babae. Masakit mang tanggapin pero, nagbulagbulagan na lang ako. Para yun sa pamilya natin. Ayoko kasing masira anak. Ayaw din kitang mawalan ng papa.Kasi mahal na mahal kita.Kaya lahat ng sakit, tiniis ko na lang.

       At yung nakita mo ako na may katabi sa kama namin ng papa mo, bago yun nangyari, nung gabi bago mo yun nakita, papa mo ang kasama ko, pinainum niya ako ng apple juice. Pero hindi ko inasahan na may iba pa siyang nilagay dun. At paggising ko na lang, tulad mo anak, pati ako, nagulat na lang din sa mga nangyari at nakita ko. Anak mahal na mahal kita. Hinding hindi ko yun magagawa sainyo ng papa mo. 

              Sana anak, sa paglayu ko, maging masaya ka na. Sana din wag na wag mong kakalimutan na naging mama mo ako. Kasi hinding hindi kita kayang kalimutan anak at alam mo yan. Mahal na mahal ka ni mama Yanny.

                                                                                                                            Mama

Hindi na tumigil ang mga luha ko.

Nagalit ako sa kanya dahil sa kasalanang hindi naman niya ginawa.

Wala siyang ibang ginawa kundi ang mahalin at protektahan ako but what did I do?

Pinagtabuyan at pinahirapan ko siya.

Napakaselfish ko.

Kung sana naging mabuti ako, baka kasama ko pa si mama hanggang ngayon.

Maybe, just maybe...

Pero I ran out of chances.

Wala na akong magagawa.

Ayaw din siguro ni mama na sirain ko lalo ang buhay ko.

Aayusin ko na lang ang buhay ko, pambawi man lang sa lahat ng sakripisyo niya sa akin.

Pinapatawad ko na si papa. Yun din naman ang gustong mangyari ni mama.

Sana wag ninyo akong gagayahin.

Sana wala na din matulad sa akin.

Nagsisisi ako. Sobra. 

Sinayang ko yung mga panahon na dapat masaya kami. 

Kung kelan wala na siya , saka ko nalaman kung gaano ko siya kamahal.

Kaya kayo, sana mahalin niyo ang mga magulang ninyo.

Hindi natin alam kung kelan sila babawiin ni God.

Pwedeng mamaya na...

O kaya bukas...

O next week, next month, o next year...

Ang mahalaga, naipakita natin sa kanila na mahal na mahal natin sila. Kesa naman yung

mawalan na din kayo ng chance. 

Kesa naman iyakan at iyakan natin sila pag wala na sila.

Kahit anong sigaw ang gawin natin o pag-iyak... Hindi na nila ito maririrnig.

Sana natuto kayo sa kwento ng buhay ko.

Nawalan man ako ng oras para ipakita to sa kanya, gagamitin ko na lang ng maayos yung new life na binigay niya. At mula dito, magsisimula akong muli.

At lahat ng iyon, ay dahil sa pagmamahal ni mama.

Ngayon masasabi ko na...

Mom, I love you!

-------------------------------------------------

Pero bago to matapos... I wanna share this very short story, ito yung naging inspiration ko para magawa tong story ko na to. :)

may isang anak na gustong iligaw ang ama sa gubat dahil sa sakit nito.wala ng lunas at pagod na din siyang mag alaga dito...pinasan nya ang ama hanggang sa makarating sa kasuluk-sulukan ng gubat..ngunit napansin nya na pinuputol ng ama ang bawat sanga ng puno na madaanan nila ...tinanong ng anak kung bakit nya ginagawa ito..sumagot ang ama,

'pinuputol ko ang mga sanga dahil ayoko kong maligaw ka sa pag uwi mo anak''

Thank you din po kay Clydz! Kasi di dahil sa kanya, wala tong story na to. ^_^

 Follow me on : https://twitter.com/Shiwillbeloved1

Don't forget to vote or comment guys.. :)

Thanks for reading! I love you all! :)

Mom, I hate you! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon