026

48 8 0
                                    

Ricci:Bakit mo pa ba naman kasi sinundan? I'm sure na hindi rin naman 'yon pababayaan ng mga kaibigan niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ricci:
Bakit mo pa ba naman kasi sinundan? I'm sure na hindi rin naman 'yon pababayaan ng mga kaibigan niya. 

Esmé:
Alam niyo naman na gusto ko ang tao.

At nag aalala ako kasi mukhang may nakasagutan din siya sa isa niyang mga kaibigan. 

Wala naman akong planong kausapin siya eh. Sinundan ko lang naman siya para masigurado ko na ligtas siya.

Hindi ko naman alam na ganun ang mga mangyayari. 

But at the same time. Aminado ako na nasiyahan ako sa halik. 

Pinapangarap ko lang 'yun dati eh. 

Hindi ako nag expect na mangyayari in real life.

Therese:
Sending warm hugs.

(っ*'∀`*)っ

Esmé:
ლ(・﹏・ლ)

salamat, Tres.

Ryla:
Huwag mong dibdibin tol. 

At least, nahalikan mo siya diba?

Ako nga nahihirapan sa pagkausap sa crush ko tapos ikaw nakahalikan mo na?

Wow. Sana all favorite ni Lord. 

Raine:
Ngi. I'm sure na dinidibdib ng kabilang kampo ang kung anong nangyari. Ang aarte pa naman nun, lalo na si Portia. 

Ryla:
Alam mo, Raine? Bitter ka lang kasi napunta kay Portia ang crush mo. 

Raine:
Ulol.

Esmé:
At tsaka, lasing si Chantria ng time na 'yon.

Sigurado ako na hindi niya maaalala kung sino ang nakahalikan niya. 

I think that's a good thing. Let's keep things that way.

Therese: 
Kahit masakit?

Esmé:
Oo. Sanay na ako. 

And besides, it was just a drunk and accidental kiss after all. 

A Kiss Is Just A Kiss (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon