Esmé's Point of View.
Sobrang dami ng tao ngayon ngunit hindi ko maalis ang mga tingin ko sa kanya. Pakiramdam ko ay nilagyan niya ako ng sumpa. Sumpa na kailan man ay hinding hindi mawawala ang pagtingin ko sa kanya.
"Huy! Esmé! Anong ginagawa mo diyan?"
Mabilis na naagaw ang atensyon ko ng may biglang nagsalita. Nabitawan ko ang kurtina na hinawi ko para matingnan ko ang labas kasabay din nito ang paglingon ko at halos suntukin ko ang kaibigan na si Ricci dahil sa gulat.
"Hindi ah! Pinapanood ko ang Zeus, 'di siya." Walang preno kong sabi.
Kumunot naman agad ang noo niya. "Wala naman akong sinabi?"
Ginulo ko ang buhok ko. "Umalis ka nga dito!"
"Tanga! Ikaw ang dapat umalis diyan, makikita ka sa labas. Kita mo na tumutugtog ang Zeus diyan tapos silip silip ka pa. Tanga ka ba?"
"Minsan lang naman 'to eh!" reklamo ko.
Tumigil kami sa pagtatalo ni Ricci ng may biglang tumawag sa pangalan namin. Nilingon namin para tingnan kung sino iyon at nagsipagtilian kaming dalawa ng makita namin kung sino iyon. Si Jakob.
"Uy! Jakob!" maligaya kong bati sa kanya. Tinanguan naman niya agad ako bilang pagbati.
"Kayo na susunod diba?"
"Oo eh. Kinakabahan ako."
"Huwag kang kabahan. Kailangan motivated ka kasi manonood kami nina Raine." Si Ricci.
"Nasaan nga pala si Raine? Kayo lang tatlo?" Luminga linga si Jakob.
Napakamot ako sa leeg ko. "Oo eh. Si Therese hindi pinayagan. Alam mo naman pamilya niyan. Si Ryla naman tinatamad, manonood nalang daw siya sa live sa facebook."
"Si Raine, syempre nasa malapit sa stage. Pinapanood ang Zeus." Singit ni Ricci. "Alam niyo naman na nandoon ang kinababaliwan niya."
Sa kasagsagan ng paguusap namin. Biglang nagpaalam si Jakob na aalis muna siya at sumabay sa kanya si Ricci kaya naman naiwan akong mag-isa sa backstage. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga bago ko hinawi ng kaunti ang kurtina para sumilip ulit.
Nakita ko ang mga likod ng mga miyembro ng Zeus na todo bigay sa pagtugtog. Hindi ko rin naman maitatanggi na magaling sila. Sobrang galing nga nila kaya sila sikat lalo na sa mga kababaihan. Talented na nga sila tapos biniyayaan pa ng magandang mukha.
Hinanap ulit ng dalawang mata ko si Chantria. Sa pwesto ko, kitang kita ko ang kabuuan sa labas. Kita ko kung gaano karaming tao ngayon. Mabilis ko lang naman siya nahanap dahil nasa unahan siya and of course, she stands out.
Bahagya siyang tumalikod sa stage dahil sa kausap na niya ang kaibigan niyang si Portia na may bitbit na na dalawang baso ng alak at mukhang inaalok pa si Chantria na uminom. Wala akong nagawa kundi panoorin ang bawat galaw ni Chantria.
BINABASA MO ANG
A Kiss Is Just A Kiss (Epistolary)
RomanceAn Epistolary: Girls Love Epistolary Series #1 Chantria Alejano already set her sights on the handsome and popular drummer of the band named Zeus. She decides that she will let her feelings for him be known on the day of the battle bands. But too ba...