Kilabot #12 - Cellphone

943 30 0
                                    


(A/N: Hello, Eden rose Delrosaryo. Para saiyo ang kwentong ito.)

--------

December 13, 2012 nang mangyari kay Eden ang isang nakakapangilabot na karanasan niya. Hindi niya inaasahan na sa kanya mangyayari ang kamalasang iyun.


****

Habang naglalakad si Eden, galing sa bahay ng kaibigan niya ay isang lalaki ang biglang lumapit sa kanya. Nagbebenta ito ng Cellphone. Maganda naman yung phone, Kaya lang nagtaka si Eden, kung bakit mura ang benta sa kanya nun. Ang sabi pa ng lalaki ay kailangang kailangan niya ng pera at nasa ospital ang Nanay niya.

Kinuha ni Eden ang Phone. Una niyang tinignan ang Camera. Mahilig kasing mag selfie si Eden, kaya bet na bet niya ang malilinaw na Camera.

Tinapat niya ang Camera sa lalaking nagbebenta at saka niya pinicturan.

"Aba! Malinaw ah. Ayos, sige kunin ko na ito. Kawawa karin at baka kailangang kailangan mo na ng pera." Aniya at inibutan na niya ng limang daan ang lalaki.

"Salamat po!" Sambit ng lalaki at umalis na.

Masaya si Eden na umuwi sa kanila. Sa bahay ay agad niyang nilagyan ng Simcard at MemoryCard ang bagong biling Cellphone.

Nag ayos siya ng itsura at agad na nagSelfie. Ngumiti at nag pacute sa harap ng Camera si Eden.

Nagtignan niya ang picture ay nagulat siya. May konting blur na hugis tao ang kasama niya sa picture na nasa likod niya.

Nagtaka at kinalubutan siya. Tumingin siya sa paligid, pero wala namang tao.

Hindi nalang niya pinansin yun at baka, blur lang talaga, na saktong naghugis
Tao lang.


****

KINABUKASAN, maagang nagising si Eden. Umagang umaga palang eh, hilig na niyang mag Selfie.

Kinuha ni Eden ang phone mula sa maliit niyang Lamesa sa tabi ng kama niya.

Pag kuha niya sa phone niya ay nagulat siya ng maramdaman niyang may nadamping basa sa kanyang kamay.

Ganun-ganun nalang ang pagkagulat niya ng pag tingin niya sa phone ay may dugo iyun.

"Ahhhhhhhh!" Napasigaw si Eden.

Bigla namang bumukas ang pinto ng kwarto niya at lumuwa doon ang dalawa niyang kapatid na lalaki.

"Bakit ate?" Sabay na tanong ng dalawang lalaki.

"Sino sainyo ang nangtrip saakin at nilagyan ng dugo ang Phone ko?!" Nakasigaw na tanong ni Eden sa dalawa nitong lalaki.

Sabay na nagtinginan ang magkapatid at nagtataka sa tanong nito.

"Hindi ko alam yan ah!" Sabi ng isa.

"Ako din, nanahimik ako sa kwarto ko. Saka, dugo? Ewww!" Sabi naman ng isa.

SA HAPAG KAINAN, habang nag aalmusal si Eden, hindi parin maialis ang pag iisip niya kung saan galing ang dugo sa kanyang Phone?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Own Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon