kilabot #6 - WALA KANG ULO!

1.7K 76 1
                                    

kilabot #6 - WALA KANG ULO!

(A/n: Hi Molen Sarmiento :) Natatandaan mo na yung sinabi kong gagawin kitang bida sa isang horror story ko. Ito na, Gagamitin ko na ang pangalan. I hope na magustuhan mo ang kwentong ginawa ko para sayo.)

PAALALA" Ang storyang ito ay may halong SPG! heheheh :D

****

July 18, 2012 nang maganap ang Isang trahedyang nagpabago sa aking buhay. Ako si Molen sarmiento, 18 years old. Hinding hindi ko malilimutan ang kagaguhang ginawa ng mga kaibigan ko sa Ate kong si Candelaria.

****

"Oh, Molen, san ka na naman pupunta? Nagawa mo na ba ang mga projects mo?" Nag uumpisa na naman sa kasungitan itong, ateng kong si Candelaria.

"Hindi pa! Mamaya na at may lakad pa kami ng barkada ko."Inis kong sagot sa kanya.

Nakakahiya talagang maging ate, yang Candelaria nayan! Oo at alam kong wala ng ang mga magulang namin, Pero bakit pa sa school ko pa siya nag tatrabaho at doon pa sa Cr ng mga babae siya naglilinis. Nakakahiya. Palagi tuloy akong inaasar ng mga kabarkada ko.

Kaya naman tuwing magkikita kami sa school ko ay hindi siya pinapansin. Hindi ko siya tinuturing kapatid kapag nasa school kami. Nakakahiya siya!

"Ano? Mag aadik na naman kayo?! Hanggang kelan mo yan gagawin. Molen?!" Tanong niya sa pasigaw.

"Hanggang nagtatrabaho  ka sa school namin." Sagot ko sa kanya.

"Molen, yun nalang ang tanging paraan para may makain at mapag aral kita. Hindi ko pwedeng itigil iyun dahil wala na akong mapasukan pang trabaho. Mahirap makakuha ng trabaho kapag hindi nakatapos ng pag aaral. Isa pa masaya na ako sa pag lilinis doon sa Cr nayun dahil kung minsan ay dinadag-dagan pa ng principal ang aking sweldo."

"Nakakahiya ka talagang maging kapatid! Diyan ka na nga!" Lumabas ako at pinag dabugan ko siya ng pinto.

Pumunta ako sa mga kabarkada ko. Nadatnan ko sila sa isang madalim na lugar na humihitit na naman ng masamang droga. Inabutan ako ng isa kong kabarkada at agad ko naman din iyung hinitit. High ng high ako kapag kasama ko ang kabarkada ko. Sa kanila tumatawa ako palagi. sa kanila nakakalimutan ko ang lahat ng kahihiyan na binibigay ng ate Candelaria ko.

Umuwi ako sa bahay na sabog na sabog ang mata ko.

Pag pasok ko sa loob ng bahay ay sinampal na naman ako ni Ate candelaria.

"Kahit bugbugin mo ako, hindi ko mararamdaman yang sampal mo. High ako ate high na high!" Tinabig ko siya at napalakas iyun kaya nabuwal siya sa sahig.

"Hmp! bobo na nga, Lampa pa!" Sambit ko sa kanya at saka ko siya tinawanan ng malakas.

****

My Own Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon