Kilabot #3 - Third Eye

2.1K 83 7
                                    

Kilabot #3 - Third eye

(A/N: Hi Yansi Santiago. Dahil saiyo galing ang kwentong ito. Ikaw narin ang ibibida ko dito. Lubos talagang tumaas ang balihibo ko sa karanasan mong ito. Salamat at ibinahagi mo ito saakin. Kaya lang iibahin ako ang ending para maging katatakutan talaga hehehe!.)

***

June 2, 2014 Nang mangyari ang nakakapangi-pangilabot na pangyayari kay Yansi.  Hindi niya lubos maisip na may mga ganun pala talagang klase ng tao sa mundong ito. Taong nakakakita ng mga kaluluwa. Taong kayang sabihin kung kelan ka mamatay. Sa madaling salita. May third eye.

Madaling araw nun, ng makaramdam ng panghihina si Yansi. Dala iyun ng napakakirot niyang Pigsa. Tinubuan si Yansi ng pigsa sa kanyang binti. Hindi kinaya ni Yansi ang sakit na nararamdaman niya, kaya naman nagpadala na ito sa ospital malapit sa munisipyo dito sa Norzagaray, Bulacan.

Agad niyang pinasuri ang pigsan sa Doctor. Nang makita ito ng Doctor ay kailangan daw itong operahan para matanggal na ang mata nito at para rin hindi na ito bumalik or kumalat pa sa kanyang katawan.

Kinabukasan din ay agad-agad ng inoperahan si Yansi. Masakit ng konti ang dinanas niya sa pagkaka opera sa kanyang pigsa. Ngunit sa kabila ng sakit nayun ay naging maginhawa na din siya dahil alam niyang wala ng ang pigsa niya. Kaya lang kailangan pa niyang mag stay ng ilang araw sa ospital para masigurong okay na nga ang pigsa niya.

Dahil sa puno na ang mga room sa ospital. Napilitang dalhin si Yansi sa taas, sa room ng mga matatanda. Nag iisa siyang dalaga sa room na iyun.

Sari-saring may sakit na matatanda ang kasama niya dun. May highbloob, May Comatose, may cancer at merong naaksidente.

Tita ni Yansi ang kasama niya sa ospital. Landa ang pangalan nito.

Habang nagpapahinga si Yansi ay nagulat nalang siya biglang may bagong salta sa room nila. Matanda ulit at may kasama itong dalaga. Yun ang taga bantay nung bagong matanda na pinasok roon. Nadulas daw yung matandang iyun kaya bigla itong nawalan ng malay.

Pag pasok nung dalaga iyun sa room nila Yansi ay nilibot ng kanyang mata  ang buong room nila. Nawirduhan si Yansi sa babeng iyun. Pag katapos nilang pumasok sa room nayun ay agad na sinirado nung babaeng dalaga ang pinto ng kwarto nila.

Nagkatingin pa si Yansi at ang dalaga iyun. Noong una ay parang may sayad ang tingin ni Yansi sa dalagang iyun. Tuwing kasing may nurse or doctor na papasok sa room nila at nakalimutang isarado ang pinto nila ay siya na mismo ang kusang mag sasarado nito kahit sa may dulo pa ang kama nila. Naka sampong ulit iyun na ginawa nung babae. Lagi niyang sinasarado ang pinto.

Naintriga na si Yansi kaya naman nag tanong na siya sa babaeng iyun. Saktong alang bantay si Yansi nun dahil umuwi saglit ang tita niya para kumuha ng pagkain sa bahay nila. Kaya naman nagkaroon ng time na makapag usap sina Yansie ang at babaeng dalaga.

Nang muli niyang isarado ang pintuan pag katapos pumasok ng doctor ay nagtanong na si Yansi.

My Own Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon