Point Of View Ni Pao

326 4 2
                                    

Pao's POV

"Paooo!" 

 Pagkasagot ko pa lang ng phone ko narinig ko na agad yung sigaw ni Ella na mukhang excited na excited.

"Oh Ella? Bakit ka napatawag?"

"Pili ka muna yes or no?"

"Bakit? Ano bang meron?"

"Basta. Pili ka muna!"

"Sige na. Yes! Oh? Anong meron?"

"Waaaaaaaaaaaahhhhh! Sabi mo yan ha? Yes! It means sasamahan mo ako sa GT ng Chicser sa SM Batangas!"

Ano? SM Batangas? Chicser? O___O

Wala na akong ibang narinig sa phone kundi yung sigaw ni Ella at paulit-ulit nyang sinasabi na sobrang excited na sya.

Pero wait. Pupunta ang Chicser sa SM Batangas. At makikita ko na din si Owy.

Makilala nya kaya ako?

Tapos biglang nawala yung naririnig kong tili mula sa phone.

"Pao? Ayos lang ba sayo?"

"Ang alin?"

"Yung samahan ako papunta sa SM Batangas sa GT nila."

Sa totoo lang, hindi ayos sakin. Pero pag tumanggi naman ako kay Ella sigurado ako na sampal, sabunot, suntok ang abot ko sakanya.

"Oo naman. Bakit hindi?"

"Ha? Uhmm wala lang!"

Pero alam ko naman na naisip nya din na magikita kami ni Owy.

"Pao. Basta ha? Next week na yon! Kelangan ko pa magpagawa ng t-shirt na Chicser." 

"Ang adik mo! Grabe ka."

"Bakit? Parang hindi ka naadik kay Owy ah. Swerte mo nga e. Kasi naging kayo! Naging kayo dahil sa pagiging fangirl mo. Tsaka ikaw pa yung nakipagbreak. Alam mo sayang e. Mahal ka nung tao pero pinakawalan mo pa!"

Wala na akong nasabi nung time na yon. Talagang pinamukha nya pa sakin na ang bigat ng kasalanan ko kay Owy.

Siguro hindi nyo din naman ako naiintindihan. Kasi hindi nyo naman alam ang reasons ko kaya ko iniwan si Owy. 

Ganto kasi yon.

FLASHBACK

 3rd Monthsary namin ni Owy nung time na yon. January 7, 2013. Nung 12:00 midnight magkatawagan pa kaming dalawa sa phone. 

"I love you Pao."

"I hate you Owy. I hate you talaga."

"Ganyan na. Hindi mo na pala ako love."

"The more you hate, the more you love kaya!"

"Yiiiie :"> Gumaganyan ka na ha."

"Love kita Owy e."

"Mas love naman kita."

"Ala. Tama na. Tulog na ako Owy. Goodnight Babe. I love you. Happy 3rd Monthsary ulit."

"Sige na. Tulog ka na. I love you too. Happy 3rd Monthsary din. I love you to infinity and beyond."

Binaba ko na yung phone ko then I opened my laptop. Ang sinungaling ko talaga noh? Sabi ko kay Owy tutulog na ako.

 Iuupload ko lang naman kasi yung video na ginawa ko para sa monthsary namin ni Owy. Then, tutulog na din ako. Pero mukhang matatagalan pa mag upload yung video kaya iniwan ko na munang open yung laptop ko habang nag uupload yung video. 

When Two Eyes Meet (Chicser)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon