Line 1.1

5 0 0
                                    


"Oh ano, pare? Kamusta?" bungad sa akin ni Javier pagkapasok ko rito sa condo niya. Andito rin yung isang kaibigan namin na si Ace. We usually hangout dito sa condo niya kapag walang klase or walang ibang magawa; and now, we'll be finishing our files for graduation.


They know about her and ever since sinabi ko na gusto niyang makipagkita, tanong na sila nang tanong about it. Generally naman kahit dati, they're not against what she's doing to me. They even find it cute kasi siyempre, they have something to make fun of with. But they never helped her with it or maybe she didn't approach them for help din. Dati, they'd just laugh and tease me about it but ever since, they seem concerned.


"Gustong makipag-date. Tapos after daw no'n, 'di na siya magpapakita sa akin." sagot ko. Nanahimik lang naman silang dalawa, si Javier nag-aayos ng mga papel at si Ace ay nakaupo lang at nakatulala sa kisame habang nasa likod ng ulo ang mga kamay. 


"Anong sabi mo naman?" tanong ni Ace na nakatulala pa rin sa kisame. 


"Ayaw  ko. May mga pinapasabi ring mga linyang corny." lumapit ako kay Javier na nasa may coffee table dito sa salas at nagsimula na ring maglabas ng mga papeles na aayusin.


"Bakit 'di mo nalang pagbigyan?" sabi ni Ace.


"Ayaw ko nga. Ang kulit." tinignan ko yung kapal ng mga papel na kailangan kong sagutan at ayusin. "Pero nagmakaawa naman siya sa akin. Last na raw 'yon. Pero, ewan."


"Pagbigyan mo na, San." singit ni Javier.


"Ay wow. Kailan pa kayo kumampi sa kanya?" sarkastikong sabi ko.


Nanahimik nang saglit ang buong salas at umalis si Ace sa pwesto niya kanina at itinungkod nalang ang mga siko niya sa mga tuhod niya at bumuntong hininga.


"Wala naman kaming kinakampihan. It's just that, dude," napatigil si Javier. "I mean, hindi ba 'yan naman ang gusto mo talaga? Yung 'di ka niya guguluhin?"


Sabagay, pero gusto ko nga ba talaga? Pero yung idea lang talaga na I have to put up with her again somehow irks me.

"Tiisin mo nalang. Pagbigyan mo na, pre. Dami niyang ginawa para sa'yo. At least man lang pagbigyan mo na kahit 'yon lang." sabi ni Ace. "Saka, I don't think naman na you hate her this much." napataas ako ng kilay. What does he know?


Pero sabagay, I only started thinking that she was pestering me no'ng inaasar na ako ng mga 'to sa kanya. No'ng nalaman nga nila ginawa ko, natawa lang sila pero at the same time, napagsabihan din ako dahil naman, aaminin ko rin. Ang gago ko sa part na 'yon. Pero gusto ko na nga siyang mawala rin no'n eh. 'Di naman siya parang linta na gustong lagi akong makita, she's just really spontaneous lalo na sa pakikipagkita kaya nakilala niya rin mga 'to. They were generally civil but now. Ewan. Something feels off.


"Alam niyo, ang weird ninyo. Bakit parang supportive na kayo sa kanya ngayon?" sabi ko. Nanahimik uli sila.


"Basta. Pagbigyan mo nalang, pre. Kahit ngayon lang." tipid na sagot ni Javier. Napakibit-balikat nalang ako at nagtuloy na magsagot ng mga forms at mag-ayos ng mga papeles.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 19, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stick to the ScriptTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon