Nagdexidepoakongmagshoshortstorynalang. Perodikopaalamperobakashortnalangtalagakasiwalaakongmaisip. Sige. Enjoy nalarng
_____________________________________________________________________
Nilibot libot ko muna mata ko.
Ang laki nung school. Malaki naman yung school ko dati pero iba laki neto eh. Malamang university tong pinasukan ko. Pictures ko lang kasi siya nakikita. Kaya di ko naman asahan na ganito. Ang daming studyante. May maputi may maitim may matankad may pandak, may mataba may mapayat, may lalake may babae. Describe ko ba lahat ? wag na.
Naglakad na ako. Sa grounds dumaan. Ang luwang luwang. May mga estudyante sa ilalim ng puno nakasilong. May naghaharutan, nagkwekwentuhan, nagaaral saka kala mo nagpipicnic. Tas maraming halaman. Di nga lang as in super rami na nag mukha ng garden.
Wala naman akong kabanf nararamdaman. Excitement meron. Kasi diba, university toh. Sabi nga sa mga stories, may mga bitch. Mga geeks madaming drama, oh di ba ? Ang saya ? Gusto ko makaexperience. Wahaha!!
Pero joke lang yun syempre. This is only for my future. Hanudaw? Haha nagsasanay lang. Baka conyo mga makakasama ko dito eh. Alam nyo na, syempre mamahaling school.
Nasanay kasi ako sa normal na buhay lang. Dun kela mama. Ngayon, kinuha ako nung papa ko na parang hindi naman talaga ako kinuha kasi iniwan lang rin ako sa isang condo unit at iniwanan ng maraming pera para mamuhay magisa. Astig diba?
Ok lang naman sakin yun. Basta gusto ko lang umasenso para makuha ko sila mama at ako magpapaaral sa step-little-sister ko.
Yeah. May step sister ako. Kay mama. May mga kapatid rin naman daw ako kay papa pero parang wala naman ako nakikita. Di man rin minemention ni papa. Kasi nga wala siya lage, malamang, paano nya mamemention.
Medyo naiilang nga ako kay papa eh. Masyado syang seryoso saka-
"Ay! Pota!" Napasigaw ako sa gulat.
"Ano ba naman yan, di marunong tumingun. Makamura pa." Sabi nung lalakeng nakabike tas nagbisikleta na ulit siya paalis.
Grabe, bilis mainis nun ha. Bat kasi siya pabike-bike dito sa loob ng campus ? Pwede ba yun? Hay
... Ewan. Bago nga lang pala ako dito. Saka, hello? Siya kaya nakabunggo sakin. Bahala na nga. Bago lang ako, bawal ang sisiga siga.
Nakatapos ako ng two subjects, ok naman. Marami na agad akong naging kakilala. Marami na nga rin nagyayaya sakin na sumabay sa break kaso nahihiya ako hihi. Di ko lang pinahalata sakanila. Saka iba iba kaya mga sched namin.
Dami kong reasons eh nuh. Hindi nalang ayaw kung ayaw.
Pero meron talaga akong isang taong laging napapansin. Basta. Nakukuha nya lang yung atensyon ko pag nadadaanan ko sya o dumaan sya. Ewan. Kasi lagi siyang walang kasama eh. Well, siguro wala, bagohan lang rin siya katulad ko. Gusto ko lapitan. Kaso ano namang reason ko ? Nakakahiya diba.
Sa totoo lang. Ang weird niya tignan eh. Mukha ngang geek. Nakaglasses, matankad naman, may kaputian. Pero parang weird basta tignan. Pero kitang kita mo sa glasses nya maganda mata niya. Gwapo siguro sana nito. Kaso lang, may sana. Hahaha!
***
Tinry ko namang sumama sa mga iba kong schoolmates. Nakakatuwa naman silang kasama. Hindi nakakabored. Nahihiya nga ako eh feeling ko ang boring boring ko kasama. Ang gaganda nila nakakaconscious.
Patuloy ang pakikipagkwentuhan nila habang kumakain. Hindi naman nila ako inoOP. Tas bigla ko nanamang natanaw yung lalake. Sa curiosity, natanong ko sakanila.
BINABASA MO ANG
Ang Nerd kong Astig
Teen FictionChange is a good thing. But make sure it has a good reason.