5

4 0 0
                                    

Bigat ng tyan ko grabe. Kitang kita ko yung lobo ng tyan ko. Galing ako sa isang handaan eh which is niyaya ako ng classmate ko. Supposedly, dapat bisita ako. Pero naging taga losta lang pala ako ng bisita :3 super hiyain kasi nung babaeng yun eh.

Dire-diretso lang ako sa library. Dun kami magkikita ni Jasper. May date kami. Charot.

Magaayos lang kami ng para sa advertisement. Kaming dalawa na ang bahala duon. Naghati-hati na kaming mga running para mas mapadali. May mga projects narin ang partylist namin saka kanya kanua kanya na ng gawa sa mga speech.

Pagkabukas ko ng pinto, nakatalikod palang si Jasper, alam ko ng siya yun. Nilapitan ko siya saka kinalabit.

"Ano na dong?"

Tiningala niya naman ako. "Edi maga-advertise, ano pa ba?"

Sabi ko nga. Pilosopo rin to eh nuh.

"Ah sabi ko nga."

Napansin kong may hawak pala siyang DSLR. Sumisilip siya dun sa camera habang pinipicturan yung flower.

Wow lang ah. May dala pa siyang flower sa library.

Umupo ako sa tapat niya. "Ui ano na-?!"

*click

"Hui! Patingin ako nyan! Baka pangit ako nyan eh! Pagtatawanan mo lang ako." Inaagaw ko sakanya yung camera habang siya naka-ngiti habang nilalayo sakin toh.

"Ayan... Ganda.. May picture ka na sa fliers" Nakangisi pa siya!

Tumayo na ako. "Akin na nga kasi," inaabot ko yung cam

"Ui ui ui masira mo toh likot-likot mo ah." Hindi ko parin makita picture.

"Titignan ko lang!"

"Sshhh!!!"

Napahinto kami. Nakatingin na yung mga studyante saka librarian samin.

Ayan kasi.

"Jasper.. Naman ehh." Pagmamaktol ko. Hininaan ko na boses ko.

"Ikaw kasi likot-likot mo. Papakita naman eh." Tas hinarap niya sakin yung cam.

Oh my G. Mukha akong tanga! Nakabilog na nga yung bibig, nakabilog pa ying dalawang mata! Anong klase bang facial reaction toh? Nagtatanong lamg ako sakanya. Oo nga nilalakihan ko siya ng mata, pero ui ang exagg naman ng camera.

"Panget! Didelete ko toh." Tas dinelete ko.

"Wag ui!"

"Wala na. Nabura ko na."

Sumimangot siya. "KJ naman." Sabi niya tas kinuha niya yung cam niya.

*click

Tinignan ko siya. Nakangiti siya habang nakatingin sa cam niya.

Napatayo ako. "Ayan ka nanaman eh!!"

Biglang may humampas. "Kung gusto niyang magharutan, lunabas nalang kayo pwede?!"

It ended up, pinalabas kami. Ang astig nga eh kasi diba tinanong kami kung pwede kaming lumabas pero pinalabas rin kami. Tinanong pa kami di ba ?

Hinampas ko siya. "Ikaw kasi eh. Running for election pa naman tayo. Na napaka great example. Great example of a noise pollutant!" Sigaw ko sakanya.

"Eh kung di ka ba naman OA. Saka kung di mo dinelete yung kanina, edi sana isang bawalan nalang. Di ka na ulit mag-iinarte." Explain pa siya.

"Ewan ko sayo." Tas inirapan ko nalang siya.

Binisita namin yung bawat member ng parylist namin para picturan. Hindi na kami gumamit ng tarpaulin na puti pang background. Savi niya iphophotoshop niya nalang daw. Kaya iyon, nung matapos kaming kumuha ng mga pictures, dumiretso kami sa computer lab. Dalawa yung lab ng school. Isa for training and teachings talaga, yung isa, usable lang talaga sa mga estudyante.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Nerd kong AstigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon