2

8 0 0
                                    

Ikli? Hahatamadako. XP

___________________________________________________________________________________

"Hi Jen"

"hello" sagot ko sa babaeng di ko alam pangalan. Sa mukha ko lang kilala. Nginitian ko siya pabalik.

"Good morning Jen" sabi naman nung isa ng masagana.

"Good Morning." Nginitian ko rin siya. Yung kasi cheerful nung binigay niya sakin.

Marami na agad yung mga bumabati sakin habang patungo ako sa classroom. Marami na rin naman akong kakilala. Sa mukha nga lang. Mababait naman pala talaga yung mga nandidito sa school. Madali lang ako naka adopt. Iba iba kasama ko lage. Pero mas madalas kong kasama sila Jessica.

"Hello Jen"

"Hello" nginitian ko siya tas bumalik na ako ng tingin sa dinadaanan ko. Nagkataon naman, andodon nanaman yung lalake. Si Collins? Collins ba yun? basta.

Medyo natataranta yung isip ko. Pero tuloy parin yung pag lalakad ko. Nakatingin ako sakanya. Di ko alam na stuck yung mata ko. Di ko maalis. Anong sasabihin ko? Hala nakakahiya. Bumalik kaya ako? Sa kabila nalang ako dadaan? Hala pinapawisan kamay ko. Please, wag kili-kili ko. Lord please.

Malapit na siya. "Hello." Woah. Nasabi ko? Galing.

Tumingin lang siya sakin tas yumuko na din habang patuloy lang sa paglalakad.

Ok. Snob ako.

"Grabe" Napasinghap ako sa gulat. "Siya pa ng snob sayo ha. Ikaw na nga bumati. Kala mo peymus. Sabagay, peymus naman talaga siya."

Nakakagulat naman tong si Isabela. Pasulpot-sulpot. Kasama rin siya nila Jessica palage. Makulit siya. Pinika isip bata saka jolly. Hindi siya mataray hindi katulad nila Jess.

"Haha. Mahiyain nga talaga siya."

Nagshrug lang si Isabela habang nakangiti tas umakyat narin kami.

***

"Class dismiss" Sabi nung prof namin habang kinukuha yung mga gamit niya.

lalabas na sana ako ng room kaso tinawag niya ako.

"Yes Ma'am?"

"Gusto sana kitang kunin sa camp namin. Tatakbo sa SC." Student Council? Tatakbo? Nakakapagod ata yun ah. Pagpapawisan kili-kili ko. Pero ok narin. Mabawasan ang weight.

"Ma'am, hindi ba parang masyado akng bago para tumakbo agad sa SC" Baka madapa ako.

Nginitian ako ni Ma'am. "Hindi. Kitang-kita naman sayo na responsible. Wag nga lang sana magbago yun. Pero may tiwala naman ako. Kaya nga gusto kitang kunin eh."

Nakakahiya naman. NAcompliment pa ako. "Eh, ano naman po tatakbuhin ko?" Kanina pa tong takbo na toh ha. Nakakailang feeling ko mag mamarathon ako.

"Ikaw. Nasayo yung choice kung anong pipiliin mo. Basta kung papayag ka. Pumunta ka ng Audio Visual Room mamayang 4pm. Ok?"

"uhmm... Sige po." Tas tumungo na siya.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng room, may nakabunggo sakin. Nahulogyung books ko. Woah. Pang Ilan na ba tong bunggoan scene na toh. Di na ako magugulat kung may plano si author na i-heat-and-run ako.

Parehas kaming nagpupulot ng books nung lalake. Tas tiningala ko siya. Si collins pala toh. Di na ako nakagalaw.

Iaabot nya sana sakin pero nung nakita nya yung mukha ko nabagsak niya yung gamit. "Sorry." Sabi niya tas naglakad paalis.

Woah. Bastusan?

Grabe ang cold ng boses niya. Tas sobrang puti nya. Sabay ang pula ng lips.

"Collins!" Tawag ko sakanya.

Lumingon siya pero umalis rin agad.

Hmmm.... Ang weird niya talaga. Collins... Hmm... Collins ? Hindi kaya? Vampire? Siya? Oh no. Hindi dapat malaman ng school toh. Vampire siya kaya ang weird niya! What if- what if kagatin niya ako!? Hala naiimagine ko na na ako si bella. Yung kakagatin niya yung leeg ko habang nasa couch kami na dapat mag-me-make love.

Erase. Erase. Hindi ako magkakaron ng isang lovestory sa isang vampire. Noooo

Authorrrr, wag mo gawing horror toh, takot ako sa horror, mameeee. ToT

___________________________________________________________________________________
Ikli ulit. Sorry pa edit ako ng edit. Napindot ko kasi yung publish di naman dapat. Saka binabawalan ako ni mama sito eh. Haha kaya magulo saka maikla lang. Para madali itago yung cp bigla.

Ang Nerd kong AstigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon