4

5 0 0
                                    

Andito ako kela tita ko daw ngayon. Kapatid daw ni papa. Feel at home naman na agad ako kahit first time. Ang bait bait kasi niya. Tuwang tuwa nga siya sakin kasi wala siyang anak na babae. Sabay yung dalawang lalaki nya nasa Canada.

"You know what, you look so much alike with your father. Specially nung kabataan niya." Banggit niya sakin habang naglalapag ng juice. "Ang ganda ganda mo pa. Lahing lahi namin." Tumawa siya.

Tumawa rin ako. "Maganda rin naman po mama ko."

"Ahaha. I know. Kaya nga hindi na ulit nagasawa pa si papa mo since nung naghiwalay sila."

Woah. Akala ko ba may kapatid ako kay papa?

Tinignan niya ako pagkatapos niya uminom ng juice. "You have your twin brother. Nakabuntis yung daddy mo. Pero hindi niya pinakasalan. Because he always say, he can't marry someone he can't love."

Can't love? Eh ba't naanakan niya?

"Tahimik na tao yan si daddy mo. Kahit nung binubugbog siya ni dad dahil ayaw niyang pakasalan yung babae at nabuntis niya, wala. Tahimik lang siya. Pero kitang-kita ko yung lungkot sa mukha niya. Naglalabas rin naman ng saloobin daddy mo sakin pero he doesn't explain much."

Di lang ako sumasagot. I don't like sad stories.

"Anyway, ba't ba napunta dun usapan. But I'm sure hindi lang sa looks pinakasalan ng daddy mi yung mama mo. Hindi ko lang alam kung bat sila naghiwalay." Tumayo siya sa upuan niya. "Ok. All this talking makes me want to fart. Really bad."

"Ahaha! You're excused tita. I know na kung ano ibig mo sabihin."

Nagtawanan kami

"By the way, explore the house. Wala namang bayad. Kahit sa kwarto ko pa." tas umakyat na siya upstair para mag labas ng sama ng loob.

Hihihi. Ang pranka ni tita. Nakakatuwa siya kausap. Kasi straight to the point siya. Pero al yung limit.

Kanina pa nga ako dito. Pero hanggang kitchen lang nila napasok ko. Kaya naisipan kong libutin nga yung bahay niya.

Umakyat ako sa taas. Nalibot ko naman na baba nila eh.

Pumasok ako sa kwarto ni tita. Kahit daw sa kwarto niya eh. Siya naman na mismo nagsabe.

"Tita nangangamoy ha." Tease ko sakanya habang nasa cr pa siya nung kwarto niya.

"Oa mo ha. Utot mo yun." Sigaw niya naman.

Ngumisi nalang ako tas dumeretso sa balkonahe niya. Medyo maliit lang yung bahay ni tita. Kasi sa Canada naman daw talaga siya. Saka siya lang daw umuuwi dito sa pinas kaya di na niya pinagaksayahan ng pera yung bahay. Sa shopping niya nalang daw niya aaksayahin. Kaya dito, sabahay niya, halos magkasinglake na yung walk-in closet sa kwarto niya mismo. Mahilig daw siya sa clothes. Pusong bagets parin si tita kahit kung ano man age niya. Pag tinignan ko kasi siya, she looks like in late 20s. Mga 28 parang ganun. Pero sabi niya medyo malayo na daw yun sa age niya. Medyo lang naman daw. Kasi 14 palang siya. Charot.

Natanaw ko yung garden ni tita sa baba. Mahilig din siya sa gardening. Nakwento niya sakin na habit nila yun ng lola ko. Which I didn't know that just passed away a year ago.

Naisipan kong bumaba at pumunta sa grden niya. Nadaanan ko naman na yun kanina nung papasok ako ng bahay niya. Hindi ko nga lang masyading ninotice.

Before ko inotice ang mga halaman ni tita, isang specie muna ang agad agad kong nakita. Isang immortal specie. Isang vampire.

"Collin!" Lumingon siya. Si Collin nga. Lumabas ako ng gate.

At pumasok naman siya sa gate nila. Talaga naman oo.

"Yung totoo Jasper. Bastusan? Oh crush mo lang ako?" Wait. May sinabe ba ako?

Kitang kita ko pagblush niya. Puti puti kasi eh.

Lumabas naman siya ng gate niya.

"Napaka mahiyain mo eh nuh."

"Ikaw rin naman." Sagot niya.

Yey! Napasagot ko siya! 3 words! Hindi I love you ha. Mahaba na kasu yun. Mas mahaba nga lang ung I second the motion niya.

"Depende sa mood." Sagot ko tas nginitian ko siya. "Diyan ka nakatira?"

"Oo."

ᕙ(⇀‸↼‶)ᕗ ikli nanaman nung sagot niya.

"Ahhh..." Di ko naman alam kung ano pa isasagot ko. Gusto ko pahabain usapan kaso ikli niya sumagot eh.

Nilibot ko nalang mata ko sa bahay. Halos magkakamukha mga bahay dito. Sa kung ano mang subdivision or ewan na toh.

"Soo...." Ano bang sasabihin ko. "Ano lang... Sino kasama mo dyan?"

"Tita ko lang. Pero madalas wala rin siya."

Woah! 8 words! Celebrate tayo! World record!

"Ah... Alam mo, mas mabuti yung maging madaldal ka. Para di bumaho bibig mo."

"Mabaho ba?"

"Hala hindi. Layo layo mo sakin hello? Bakit? Ilang araw ka ba di nagtoothbrush para maamoy ko baho ng bibig mo ng ganyan kalayo."

Napangiti siya. Lumapit siya sakin. Err.... Feeling ko nagheheat yung cheeks ko.

"Ayan. Mabaho ba?"

Salita lang yun. Pero amoy mint. Kase alam mo ang lapit niya sakin. Yung parang close kami. Parang hindi yung jasper na pinaguusapan na nerd sa school toh. Kase you know what? Kinikilig ako! Nakakabwisit! Pero kinikilig ako! Arggghhh.

Tinulak ko nalang siya. "Ano ba yan! Ang baho! Kapal ng mukha nito."

Tinawanan niya ako. "Grabe ka ha."

Nakakatuwa siya tignan. Parang masayahin siya. Sana lahi siya ganito.

"Tinitingin mo? Ngiti ka diyan?"

"Wala. Parang ang iba mo." Savi ko. I can't stop smiling.

Ngumiti siya. "Sige pasok na ako."

"Sige"

Hanggang pumasok na nga siya. Nasa labas parin ako.

"Melody." Napalingon ako. Nasa pinto lang pala si tita. "May pupuntahan pa pala ako. Hatid nalang kita sa condo mo sabay alis na ako ha. Dinner nalang tayo mamayang gabe."

"Of course ta."

Set naman. Ayaw talaga ni author na maeplore ko yung garden.

Taray explore. Dora lang?

Pagkauwi ko. Diretso ako sa pag open ng laptop. Binigay sakin ni papa last day. Hindi naman ako ganun kainosente para di marunong gumamit ng laptop. Pero 2nd time ko palang siya gagamitin ngayon.

Chineck ko fb ko. Ngayon lang ako ulit nakapag open. Nakela mama pa ako last time na nagopen ako ng fb.

Daming friend request. Yung iba di ko kilala pero since sa same school ko nagaaral. Accept na. lalo na nag e-SC pa ako.

May mga messages din. Isa na dun yung kay Collin.

'Hi'

Hi. Bat nakakaazar siya? Ang cute cute niya kasi talaga kanina. Yung tawa niya. Yung amoy niya.

Meme.

Hindi ko siya nireplayan. Kahit ano dun sa messages. Wala akong nireplayan. Gusto ko lang matulog. Basta antok ako!

Ang Nerd kong AstigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon