Prologue

54 5 0
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, events and scenarios included in this story is from the authors imagination only.Whatever its resemblance to real life is unintentional and coincidental.

______________________________________
Miyerkules ng umaga, maaga akong pumasok ng school dahil napagpulungan namin ng kagrupo ko na magkakaroon kami ng practice para sa performance task namin mamaya. Iilan pa lang ang nakikita kong studyante dito, parang wala pa sa sampu kung bibilangin. Mag-isa pa lang ako sa silid namin.

Naupo ako sa aking silya at yumuko sa lamesa nito.

"Hoyy! Naks ang aga mo naman, anong nakain mo?" Sigaw at tapik sa'kin ni Yen.

Napabalikwas ako sa pagkakayuko ko sa aking mesa.

"Huh? Anong nakain pinagsasasabi mo? E may practice tayo ngayon diba? Naka shabu ka ata e" sagot ko sa kanya.

"Asus Mina, kalamo di'ko alam na crush mo si leader natin. Baka iniintay mo yun at gusto mong solohin no? Naku wag ako Mina expert na ako sa ganyan. Nakikilatis ko agad kung gusto mo yung tao" mahabang sabi nito.

"Ano!? San mo naman nasagap yang fake news mo na yan. Tsk! Tigilan mo'ko Yen ah, aga-aga nang aasar ka agad" nakangusong saad ko dito.

Actually, my point 'tong mokong na kaibigan ko. Crush ko talaga yung leader namin. Sa galing ba naman nitong kumanta at ang talino pa ha, sinong di magkakagusto dito? Pero duh, ni hindi ko yun iniintay at para ma solo ko. Jejera talaga ng taon si Yen e.

Nagwalis na lang ako ng silid namin dahil sobrang daming kalat nito, habang si Yen naman ay puro pa-cute lang at naglalagay ng liptint sa kanyang labi habang nakaharap sa salamin. Nang biglang dumating na yung leader namin.

Good morning Mina, sipag ah. Antayin na lang natin yung iba pang ka groupmates natin, then proceed na tayo sa practice"

Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko, kinikilig na ewan, basta. Parang may kung anong paru-paro ang gumagalaw sa tiyan ko.

"Good morning din Tanch, sige tapusin ko lang din to" sagot ko  nang hindi man lang sumulyap sa kanya.

"Ehem, hello!? Andito ako oh, baka gusto mo din naman akong batiin LEADER TANCH" sabat nitong si Yen habang tinuturo ng isang kamay ang kanyang sarili at nasa baywang naman ang isang kamay nito.

"Oy Yen, good morning hehe. Aga-aga e pagkaingay mo eno? Tulungan mo kaya si Mina para matapos agad. pabirong saad nito.

Ang ganda talaga nitong si Tanch, siya yung naging dahilan kung bakit talaga ako bumaliko eh. Dati sobrang curious pa'ko sa gender ko, but now? Hayss ewan ko na lang talaga.

Ala sais imedya na ng umaga ng makumpleto kaming mag kaka-grupo. Meron na lang kaming 30 minutes para makapag ensayo.

" So guys, eto ang p-praktisin natin, may inihanda na akong script para sa inyo. So, kailangan niyo na lang imemorize to ah. Wag kayo mag- alala madali lang to. mahabang panimula ni Tanch.

Role playing tungkol sa love ang gagawin namin. Binasa ko ang script at sinaulo ko ang mga linya ko. Ako ang ginawang main character at ang kapartner ko ay si Tanch.

"Tanch, sadya ba'to or baka nagkamali ka lang? Bakit tayo ang gaganap na mag partner e p-parehas tayong b-babae?  nauutal kong sabi kay Tanch.

PAUBAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon