Chapter 2

31 6 0
                                    

Mina's POV

*Flashback

It's already 12 in the midnight, ni hindi man lang ako makatulog. Kakatapos ko lang manood ng K-DRAMA. Halos lahat ata ng k-drama e napanood ko na. Yung iba pinapaulit- ulit ko na lang.  I took my phone and opened my Facebook account, I clicked the search bar and typed my father's name " Michael Angeles."  I scroll down on his  timeline and he seems so happy with his new family.

Yes, my parents separated since I was in grade six. Pero suportado pa rin naman ako ng daddy ko. Nagmula sa mayaman na angkan si Daddy, that's why he spoiled me on everything. Ang mommy ko naman ay nagmula lang sa simpleng pamilya, pero nakapasok at nag t-trabaho siya ngayon sa isang sikat na company dito sa Pangasinan.

My dad cheated on my mom, madaming beses na. Paulit-ulit siyang pinapatawad ni mommy pero dumating yung araw na napagod na ng husto si mommy.  My dad moved to States and he came back here with his new family. At first, I hated him pero habang tumatagal unti-unti ko na rin namang natatanggap na wala na, na hindi na sila magkakabalikan pa.

*ding dong*
Tunog ng doorbell sa ibaba, siguro si mommy to. Hinayaan ko na lang buksan ng maid namin ang pintuan. Kapag nalaman niyang gising pa'ko siguradong magagalit yun sa'kin.

I turned off my phone and pretended to be asleep. I heard those footsteps up from the stairs. My door opened and even the light. Siguro ay chineck ako ni mommy kung natutulog na. Ilang minuto pa ay namatay na rin ang ilaw at sarado na din ang pinto. I looked at my wall clock and it's already 1:15 in the morning.

Sinikap ko na ding matulog dahil maaga akong papasok para sa practice namin bukas.

I was in the park, ako lang ang tao. Naglakad lang ako nang naglakad hanggang sa narating ko ang isang duyan. Naupo ako dito at pinagmamasdan ko ang paligid. Maganda, malinis at maraming makukulay na bulaklak dito. Nasa gilid ko ang isang fountain na nagbubuga ng iba't ibang kulay ng mga tubig. Napakapayapa ng ganitong buhay. Nang biglang may narinig akong sigaw ng isang babae.

"Pakawalan niyo ako dito! Ilabas niyo ang kapatid ko! " agad kong tinungo ang lugar kung saan nagmumula ang tinig na iyon. Hanggang sa narating ko ang isang bodega. Nakatali ang babae at gulo-gulo ang kanyang buhok. Maraming pasa at sugat ang kanyang katawan at mukha. Kung hindi ako nagkakamali si Tanch ang babaeng nakagapos sa harap ko.

Lumapit ako sa kanya, at kakalagin ko siya sa kanyang pagkakatali.
" Why are you here? Anong nangyari sa'yo?" kabado kong tanong sa kanya habang dali-daling kinalag ang lubid na nakatali sa mga kamay niya.

"Mina? Delikado ang lugar na'to. Hangga't maaari umalis ka na. Ayokong madamay ka pa dito." mangingiyak-ngiyak na pagbigkas ni Tanch.

"No, I'll call the police. Diyan ka lang." sabi ko sa kanya pagkatapos kong kalagin ang tali sa kamay niya. I dialled and called the police. Lumayo ako ng kaunti at tumalikod kay Tanch habang kinakausap sa telepono ang mga pulis. "Opo, dito po sa may park. Andito po kami ngayon sa bodega. Iintayin po nami-" naputol ang sasabihin ko nang biglang may kung anong tumarak na bagay sa likudan ko. Rinig ko rin ang malakas na sigaw ni Tanch. Unti-unti akong nanghina at tuluyang nawalan ng malay.

*door knocks
"Mina, gising na. Hindi ba't sabi mo ay maaga kang papasok ngayon. Mag intindi ka na at bumaba dito. Hinihintay ka ng mommy mo. Sabay na daw kayong mag breakfast at ihahatid ka niya daw sa school." sabi ni Yaya Yoli.

Napabalikwas ako sa aking kama. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng panaginip na iyon. Ramdam na ramdam ko ang kaba sa aking dibdib. Natulala pa akong saglit at nagtungo sa cr para maligo. Pagtapos ko ay humarap pa muna ako sa malaking salamin na nasa loob ng CR ko. Nakahanda na ang mga susuotin ko, inihanda siguro ni Yaya Yoli.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 23, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PAUBAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon