Chapter 1

33 5 0
                                    

Role Playing

"Okay, group 3 proceed now" sabi ni Sir Agustin.

Hinawakan ni Tanch ang aking kamay at hinila niya ako sa gitna upang magpresent.
"Good morning everyone, so this is the presentation of group 3. Our role play is about love. A different kind of love. Hope you will like it, so enjoy watching." pagpapaliwanag ni Tanch sa aming gagawin.

First Scenario

Birthday party ni Yen lahat ng kanyang mga kaibigan ay imbitado, including Tanch and Mina. Hindi pa sila magkakilala nito, but Yen's make a way para maging close sila. "Let's play a game, you know the newspaper game? Yung by pair, then itutupi ito at dapat magkasya kayong magpartner dito, at dahil birthday ko ako ang pipili ng magiging partner niyo" saad ni Yen.

"Tanch and Mina, total kayo na lang ang walang partner, alam niyo na yon" natatawang pag-arte ni Yen.

Lumapit si Tanch sa akin at ngumiti.

Tumugtog na ang speaker na siyang inoperate ng ka-grupo naming si John.

They say oh my God I see the way you shine
Take your hand, my dear, and place them both in mine
You know you stopped me dead while I was passing by
And now I beg to see you dance just one more time *the music stopped*

Me and Tanch step on the newspaper, then she grab my waist not to lose her balance.

Bumibilis ang tibok ng puso ko, hindi ko akalain na ganito pala ang pakiramdam kapag nakahawak sa bewang mo ang crush mo. Kahit na role play lang ito, pakiramdam ko ito'y parang totoo.

Nagtuloy-tuloy ang paglalaro at kami ni Tanch ang nanalo.

Narrator 1: Habang lumilipas ang araw at buwan nagkamabutihan si Tanch at Mina. Palagi rin silang lumalabas. Hanggang sa dumating ang araw na iba na ang nararamdaman ni Tanch para kay Mina. She planned to take Mina on a date and confess her feelings to Mina.

Narrator 2: Nung araw ding iyon ay lumabas sila Tanch at Mina para kumain sa isang restaurant. Pagkatapos nilang kumain...

" Mina, I have something to tell you" hinawakan ni Tanch ang kamay ko. Habang sinasabi ang mga linya nya.

"Matagal ko ng gustong sabihin sa'yo to, kaso hindi ko alam kung paano sisimulan. And this day, I want to confess my feelings for you. Alam kong weird pero Mina, I think I like you" mahabang sabi ni Tanch. Pakiramdam ko ay totoo ang nangyayari ngayon.  My heart is beating so fast. I feel the butterflies around my stomach.

I hold her hands tightly and say my lines " I thought I was the only one who felt this way, gusto rin kita Tanch. Parehas lang tayo humahanap ng tyempo kung pano aamin, pero eto naunahan mo'ko." Umarte ako na para bang totoo ang nangyayari, walang halong biro.

Ito na ang pinaka nagustuhan kong scenario.

"I love you Mina" Tanch looked at me like she's really in love with me. She touched my face and presented it to her. She looked me in the eyes, nose and even the lips. Nararamdaman ko ang pag iinit ng mga pisngi ko. May kung anong kuryente ang dumadaloy sa katawan ko. Hindi ako makapag concentrate. Nakalimutan ko ang linyang sasabihin ko. Pakiramdam ko ay kami lang dalawa ni Tanch ang nag eexist ngayon.

"I love you more" and I kissed her lips. Hindi ko alam ang ginagawa ko. Wala ito sa script, nabigla rin si Tanch sa ginawa ko. Dapat sa noo ko lang siya hahalikan. Sobrang nahihiya ako, sana lamunin na lang ako ng lupa ngayon sa kinatatayuan ko.

Nagpalakpakan ang mga kaklase namin. Sabay-sabay kaming nag bow at umalis sa gitna.

" Hoy grabe parang totoo yung kanina ah iba ka Mina!"

"Gagi ship ko na kayo, kinilig ako don ah infairness!"

"Ano Tanch, musta ang kiss ni Mina? bwahaha"

" Live GL OMGG!!!! "

"Mga bading bwahaha"

Ilan lang yan sa komento ng mga kaklase namin. Wala akong masabi. Sobra akong nahihiya, lalo na kay Tanch. Kailangan kong mag sorry sa kanya.

Nakita kong pupunta ng CR si Tanch kaya naman sinadya ko nang sundan ito. Siyempre hindi ako nagpahalata. Inintay ko siya sa labas ng CR.

"Tanch, I'm r-really really s-sorry on what I did e-earlier" nauutal kong sabi sa kanya.

Tinignan niya lang ako ng walang reaction ang mukha, blangko kumbaga.

"Sorry talaga, nakalimutan ko kasi yung line ko at ayaw ko namang masira ang role play natin. That's why I kissed you" pagpapaliwanag ko sa kanya.

Bigla siyang tumawa ng malakas at may pag hampas pa sa'kin. " Ano ka ba naman Mina, ayos lang. Parang ngang mukhang tayo ang magkakaron ng highest score eh. Ang galing mo kaya no! At saka ok lang talaga. Nagustuhan ko nga eh
HAHAHAHA, biro lang"

Hindi ko alam kung anong isasabi ko sa kanya, at ano? Nagustuhan niya daw!!?

Naiwan akong nakatayo sa labas ng CR. Pumasok ako at humarap sa salamin, sobrang pula ng pisngi ko.  Pinakalma ko muna ang aking sarili bago bumalik sa classroom.

Bago pa man ako makapasok ng classroom ay sinalubong na ako ni Yen. " Teh iba ka! Akalain mo yun nakiss mo na ang crush mo! Sana all" malakas na bwelta nito sa'kin.

Tinakpan ko ang kanyang bibig gamit ang aking kamay. Senyales para manahimik siya. " Osige, ipagsigawan mo pa Yen, para malaman nilang lahat" sarkastikong tugon ko sa kanya.

Pumasok na'ko ng silid at naupo. Panibagong subject naman ang schedule namin ngayon. Wow ang pinaka peyborit ko sa lahat ang Araling Panlipunan! Siyempre kabaligtaran lang yon.  Ewan ko ba kung anong meron sa subject na'to, sobrang nakakaantok eh. Pang yoga lang ang peg.

Nagtuloy-tuloy lang sa pagdidiscuss ang lecturer namin. Siya si Mrs. Fernandez. Mataba, masungit, kulot, nakasalamin at putok na putok palagi ang labi sa sobrang pula. Wala akong ganang makinig kaya nayuko ako sa aking mesa. Hindi naman siguro ako mapapansin nito, total nasa bandang huli naman ako.

"Mina Angeles! Aba e kanina pa ako tawag nang tawag sa'yo. Ang lakas naman ng loob mong matulog sa klase ko!" Sigaw ni Ms. Fernandez.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Pakinig ko ang hagikhikan ng iba kong mga kaklase. Wala akong nagawa kundi ang makinig na lang sa boring na subject na'to. Umayos ako ng upo at nagpanggap na para bang may naintindihan sa mga tinuturo ng lecturer.

"Kapag may nahuli pa akong patulog-tulog sa klase, diretso agad kayo sa disciplinarian with your PARENTS!!" galit na saad ng lecturer.

E paano ba namang hindi ka makakatulog e sobrang boring na nga ng pagtuturo niya plus sobrang puyat ko pa kagabi.

PAUBAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon