Chapter 12: Before 12 PM

1.7K 128 24
                                    


Adam:

Nasa isang mamahaling restaurant kaming apat. Magkatabi si Noah at ang ama nito. Katapat ako ni Noah at katabi ko naman ang kinaiinisan kong pinsan niyang si Nico. Abala si Noah sa pakikipag-usap sa tatay niya samantalang naiirita na ako sa katabi kong kanina pa nakatitig sa akin.

"My name is Nicholas Leon Arroyo, you can call me Nico. What's your name?" bigla nitong sambit. Lalo siyang lumapit sa akin at halos idikit na ang kanyang mukha sa aking leeg. Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya dahil tumatawa pa siya na tila matagal na akong kakilala.

"Adam," pabalang kong sagot. Lumayo akong kaunti dahil naasiwa ako sa ugali niyang feeling close.

Nilingon ko muli si Noah. Masaya itong kausap ang tatay niya nang may biglang inilabas ang kanyang ama mula sa mga gamit nito.

"Ayan, naiwan mo sa Batanes. Ipinadala ng Lola Maring mo," sabi ni Tito Danilo.

Sinilip ni Noah ang laman ng pulang supot. Nakita ko kung paano naging abot-tainga ang ngiti niya nang makita niya kung ano ang nasa loob. "Dad! Thank you!"

Niyakap ni Noah nang mahigpit ang tatay niya. Pero biglang napatingin si Noah sa direksyon ko. Nang makita niyang nakabusangot ako sa kanya ay bigla niyang itinago ang supot na pula.

"Na-miss ka na niyan. Huwag mo na raw iiwan ulit," bilin pa ni Tito Danilo

"Opo, Daddy." Masayang bumalik si Noah sa pagkain.

Ang katabi ko naman ay panay ang lingon sa akin. Parang batang natatawa sa aking itsura habang nagkukuyakoy sa ilalim ng lamesa. Hindi ko siya pinansin.

Abala ako kaiisip kung paano didiskarte sa condo ni Nico. Hindi ako mapakali sa posibleng gawin ng magpinsan dahil sa mga binanggit nilang subuang magaganap sa condo ni Nico.

"Thanks for helping me out, Noah. Medyo marami akong aayusin na gamit," saad ni Nico. Muli ko siyang nilingon. Si Noah ang kausap niya ngunit sa akin pa rin siya nakatingin. Mabilis akong napayuko.

"Sure, ikaw pa," sabi ni Noah.

Itininusok kong bigla ang tinidor sa karot na nakahalo sa kinakain ko. Sa sobrang lakas ay tumama sa plato na naglikha ng ingay. Biglang nawala ang inis sa aking mukha.

"Sorry," mabilis kong sambit nang mapansin kong nakatingin sa akin silang tatlo.

"Oh, guys, hintayin ninyo na lang ako sa labas. Kukunin ko lang ang kotse. Medyo mainit sa parking lot, eh. May tatawagan lang akong kliyente," paalam ni Tito Dan na agad nang tumayo.

Ilang minuto pa ay sumunod na rin kami. Nauna akong lumabas habang nasa likuran ko ay magkaakbay na naglalakad ang mag pinsan. Rinig ko ang mga bulungan nila na pawang kamustahan buhat ng ilang taon nilang hindi pagkikita. Nang makalabas sila ay agad na hinatak ni Noah si Nico at dinala sa gilid ng restaurant.

Sa pag-aakala kong nandoon nakaparada si Tito Dan ay agad ko silang sinundan. Bigla akong natigilan nang marinig ko silang dalawang nagbubulungan.

"Nico, may problema tayo," saad ni Noah.

Halatang hindi ito mapakali dahil may biglang naalala. Mabilis akong nagtago sa likod ng pader upang hindi nila ako mapansin.

"Ano?" pagtataka ni Nico.

Bahagya ko silang sinilip. Kinuha ni Noah ang maliit na journal niya. Lalo itong lumapit sa kanyang pinsan habang sinisiguradong walang nakatingin sa kanila.

Ark and Apple (The Time Traveler's Boyfriend Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon