sorrryyyy.. kung ngayon lang nag-UD na-bad trip kasi kagabi.
eto na.
enjoy :)))))
-------------------------------
JAKE'S POV:
*SPLASHHHH* ( tunog ng camera)
" ibang post naman jake " sabi ni Sir Harold. Nasa photo shoot ako ngayon para a bench. Kinuha nila ako kasi bagay daw sakin.
Magpapakilala pa ba ako sa inyo? Hmmm.. Sige na nga.
Ako nga pala si Jake Angelo C. Vargas. Other name? JAKE VARGAS. Kilala niyo naman ako diba? Isa akong magaling na Actor. Oo. Artista ako. Singer. Dancer. lahat na nasa akin. Di naman pag-mamayabang ah, pero totoo. Pero ang pinakagusto kong gawin ay yung mag-gitara tsaka kumanta.
Simula kasi bata pa ako, marunong na akong mag-gitara. 17 years old na ako. Gwapo? Oo. Mabait? Oo daw sabi nila. Gentleman? Oo. Single? Oo namn. Mas maganda kasi ang takbo ng isang career kapag single diba?
" okay!! its enough jake!! " sabi ni Sir Harold.
Tapos umupo ako tsaka uminom ng tubig. Nakakapagod. Minsan nga naisip ko.. Bakit kaya ako nag-artista? eh mayaman naman kami.
" jake !! look !! " sabi ni Sir habang nakatingin sa monitor. Lumapit naman ako.
" You look so .. handsome here " sabi ni Sir. may tinuro kasi siyang picture.
" I know !! " maangas na sagot ko.
Eh.. bakit? totoo naman diba? Mas gwapo pa nga ako kay ...... ano eh ..... kay ........ Daniel Padilla. Diba?. I know lahat ng nagbabasa nito, may crush sakin. Diba? Miski nga si author may gusto sakin eh.
(a/n: oh !! bat naman ako nasama jan? ha?? nagsusulat ako dito eh. istorbo!!. tabi nga !! )
hayyy... ang sunget noh?? baka meron. hahaha. joke. ssshhhh!! wag kayong maingay ah.
Anyways... yun nga, natapos na yung photo shoot.
Tapos pumunta na ako sa kotse para umuwi na. Pagod na rin kasi ako. Habang nasa biyahe di ko namalayan na nakatulog na pala ako.
" sir jake. gising na. " nagising ako nang may umalog sakin. Pagkadilat ko....
" WAAHHHHHHHH !!! SHOMBAAAA !!! " nagulat ako pagkamulat ng mga mata ko. Grabeh !! nakakatakot yung muka niya. " UMALIS KA DITO !! ALIS !! ALIS !! " tinulak-tulak ko siya palabas ng kotse. Kamuka niya talaga si Shomba.
(a/n: sa di po nakakaalam kay shomba siya po yung babaeng panget na nasa pelikulang coming soon)
Pagkababa niya, tinawag ko si mama.
"MA !! MA!! " sigaw ko.