chapter 1: ANG SIMULA (bea's pov) part 1

671 15 0
                                    

KRINNNGGGG!!!! KRINNNGGGG!! (tunog ng alarm clock)

BEA'S POV:

Pagkatunog ng alarm clock ko. Bumangon na ako, tapos naligo, nagtoothbrush tapos kumain.

By the way, magpapakilala muna ako sa inyo. Ako nga pala si Beanca Marie L. Binene o sa mas kilalang BEA, 16 years old. Sa school, ang tawag nila sakin NERDY BOBO o kaya naman CHIP BEA. Alam niyo kung bakit? kasi BOBO ako. Oo. tama yang nabasa niyo BOBO ako as in B-O-B-O. Aaminin ko PANGET  rin ako, kasi wala naman akong alam sa fashion-fashion na yan o kaya sa pagiging KIKAY. Simple lang ako pero PANGET pa rin.

Sabi nila kapag MAGANDA ka, lahat mapapansin seyo. Buti na lang panget ako noh. Tsaka kung magiging "maganda" ako, mahirap MANGULANGOT ng patago, eh kasi naman maganda ka kaya mapapansin nila yon.

Anyways..

Nakatira ako sa bahay ng Tita Raquel ko. Broken family kasi ako eh. Yung Papa ko kasi nangapit-bahay, kaya nakipaghiwalay si Mama sa kanya. Si Mama naman, nasa ibang bansa siya para magtrabaho. Tuwing mag-3-3 months, nagpapadala siya ng pera dito sa Pilipinas. Sabi nga niya doon na daw ako mag-aral. Sabi ko naman 'ayoko" kasi malaking gastos lang yun noh! baka mahirapan lang si Mama.

By the way, papunta na ako sa school. As usal naglalakad ako. Araw-araw naman ganito eh. Habang naglalakad ako may dumaan na kotse na kulay itim, sobrang bilis mag-paandar. Tapos...

*BZZZZTTTTT*

Tinapunan ako ng Milo sa muka galing sa bintana ng kotse. Arrrgghhhh !!! -___-   Ang lagkit!!!!. Tumingin ako sa dun sa kotse, tapos may dumungaw na lalaki dun sa bintana, tapos tawa ng tawa. tsssss... -____-

" HEY!! CHIP BEA " may tumawag sakin sa likod. Pagkalingon ko---

*BOOOIIINNNNNKKKK!!!*

Nauntog naman ako sa pader. Shiitttt !!! ang sakit!!! Sa sobrang sakit napaupo ako. Tapos may narining akong nagtatawanan.

" huwahahahah!! kahit kelan, ang bobo mo pa rin' 

Kilala ko yung boses na yun ah. Si ...........        Si Lexi .

Pagkatayo ko, tumigil yung kotse nila sa harap ko.

" Alam mo, minsan gamitin mo yang utak mo nang hindi a mapahiya o kaya mapagtawanan" sabi naman ni Yassi.

" Oo nga naman, Tama!! " sumingit naman si Rhen. Tapos nag-apir-apir sila tapos nagtawanan.

" Hayyy... *exhale*, anyway. Bye baby BOO . See yah in school " sabi ni Lexi. 

"Good Luck sa paglalakad!! " sabi naman ni Rhen.

Hayy.. See? ganyan ang buhay ko. Walang araw na hindi nila ako binubully (bully). Walang araaw rin na lumaban ako. sabi kasi ni mama na huwag daw akong papatol sa kanila, mag-sasawa rin daw yang mga yan. Kaya hindi ko na lang sila pinapatulan.

Ilang minutong paglalakad, narating ko na rin ang school. Tinignan kong maigi yung school namin.

" Westridge Academy!" sabi ko na may halong ngiti sa aking mga labi.

Di ko alam kung ano yung na-fe-feel ko ngayon. Ewan ko o sadyang may SAYAD lang talaga ako ngayon.

Pumunta na ako sa gate ng school. Tiningnan ako ng Guard from head to toe. Im just wearing malaking salamin na may grado, malabo kasi mata ko, tapos naka-uniform ako kaso may kontinh mantsa dahil dun sa Milo pero tuldok-tuldok lang naman siya, tapos naka-black shoes na may mahabang mejas, tapos mahabang palda, tapos may necktie ako na may tatak na WA siyempre lahat ng istudyante meron nun tsaka may ID rin ako noh, tapos may namumula akong NOO kasi nauntog ako kanina sa pader remember?.

" Good Morning" bati ko sa Guard sa may halong ngiti sa aking mga labi. Ayy!! oo nga pala may brace rin pala yung ngipin ko. Actually kakalagay niya lang nung last week. Nakatingin lang sa akin si Guard na parang nadidiri. Kaya pumasok na ko, baka masapak ko lang yun eh.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

maya-maya ko na ipo-post yung part 2, jake's pov na po yun. hahahaha.

bale 2 chapter yung ipopost ko. i-trend muna natin sa twitter : #BeaAsRosaOnIndio II BeaOnGMAIndio.

follow me on twitter. @itsmeracy04

VOTE,COMMENT AND BE MY FAN.

"BOYFRIEND ko si JAKE VARGAS" ( jhabea fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon