chapter 4: Ang PAST ni Jake

599 15 5
                                    

BEA'S POV:

ARRRGGGGHHH !!! nakakahiya talaga yung nangyari kanina. Napagkamalan ko ba namang GUARDIAN ANGEL yung nurse !! kamusta naman yun noh ??. Nakakahiya ikwento.

By the way pauwi na ako ng bahay as usual nag-lalakad ulit ako. Pero hindi pa rin natatanggal yung pananakit ng likod ko. Grabeh !! I cant believe this is this !!. Huh? Akalain mo yun nakapag-english ako. hahaha. 

Nasa harap na ako ng bahay namin. Pag-kapasok ko....

" BWISET KA HEIDI !!! SANA MAMATAY KA NA !! LAGI MO NA LANG KINAKAWAWA SI ANGELINE !! " sigaw ng kapatid ko ang name niya Barbara Marie L. Binene in short Barbie. And yup !! Temptation of Wife pinapanood niya. Lagi naman yan ganyan eh. Minsan nga tinanong ko siya kung bakit niya lagi pinapanood yung Temptation of Wife, sabi niya wala lang daw nakakarelate daw siya sa mga pangyayari. Sabi nga niya sakin si Mama daw si Angeline tapos si Heidi daw yung kabet ni Papa tapos si Marcel naman daw si Papa. Hayy.. naku !! ewan ko diyan sa kapatid ko kung anu-ano yung pinag-iisip.

" Oh !! Ate nandyan ka na pala " sabi niya. Siguro napansin niyang tulala ako.,

"  Ah oo eh . Kumain ka na? ' sabi ko tapos nilagay ko yung bag ko sa couch.

" Hindi pa ate eh. Tatapusin ko lang tong Temptation of Wife " sabi niya tapos lumapit siya sa TV halos magkadikit na yung muka niya tsaka yung screen. Kelangan talagang malapit??

" Hoy !!! Lumayo-layo ka nga diyan sa TV. Mamaya lumabo yang mata mo eh " sabi ko tapos pinaltukan ko siya. hehehe Masama ba akong ate? hahaha Ganyan talaga kami maglambingan.

" Ouch !! Ano ba !! Malapit na rin tong matapos " sabi niya. hahaha Mukang nagalit na. Hayyy...

JAKE'S POV:

 Nandito ako ngayon sa pool nakasawsaw yung dalawang paa ko sa tubig tapos nag-gigitara. Hayy.. *sigh* . Naalala ko tuloy yung ginawa kong kanta para sa babaeng mahal ko. Aaminin ko may naging girlfriend na ako. Almost 1 year ko siyang niligawan, nang dahil sa kanya nag-bago ako. Casanova kasi ako noon dati. Papalit-palit ako ng gf kaya nga may We Hate JV na club ee. Halos mga member dun mga naging EX ko. Pero hindi ko na sila matandaan. Wala akong sineryoso sa lahat ng naging gf ko. Pero ng dumating Julie sa buhay ko, nag-bago na ako. Ewan ko ba.

  Nung sinagot niya ko, yun yung pinkamasaya kong araw. Alam niyo ba kung saan niya ako sinagot? Hmm.. Doon lang naman sa Horror House ng Star City. Hahaha ^__^ Ang galing noh? Takot na takot kasi siya nun, nang dahil sa takot niya nasabi niyang mahal na mahal niya ako. Halos wala ako sa sarili ko nung nasa loob kami ng Horror House. Nang makalabas na kami, nung una dineny (deny) niya yung sinabi niyang mahal niya ako pero bumigay rin siya. Yun yung unforgettable moment na hindi ko kayang kalimutan.

   Nag-break kami ng dahil sa pagiging aartista ko. Nung una ang hirap mamili, kung yung career ko o yung taong mahal ko? Pero nung huli career yung pinili ko. Ewan ko ba kung ano yung pumasok sa isip ko nun. Nung naging artista na ako, bigla na lang akong natauhan na dapat si Julie na lang yung pinili ko. Eh di sana hindi ako ganito ngayon. Sabi kasi ni Mama ang sunget-sunget ko na daw tsaka nagiging snobers na daw ako.

   Mga ilang buwan lang, nalaman ko na lang na nasa Canada na si Julie. Umiyak ako nun. Tama nga sila MAKAKARMA rin ang manlolokong lalake na katulad ko.

" Sir Jake !! Nakahanda na po yung dinner " sabi ni Shomba. Remember yung bagong yaya namin?

" Sige, sunod na ako " sabi ko. Tapos umalis na siya.

Nasan na kaya si Julie ngayon? Sana naman wala pa siyang napapalit sakin. Kasi ako, hindi ko siya kayang palitan dito sa puso ko. Corny na kung corny pero yun yung totoo. Sana nakangiti siya ngayon. Mahal na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon.

BEA'S POV:

" WHAATTTT ??? "  sigaw ni Barbie sakin. Grabe !! nabasag yung ear drums ko dun.

" Barbara pwede ba hinaan mo yang boses mo." sabi ko. Nakakainis kasi.

" Ehh.. kasi naman ate.. si JAKE VARGAS .. " ipagdiinan ba daw yung JAKE VARGAS niya. " .. nag-aaral na sa school natin?? " sabi niya. Ayyy oo nga pala absent pala tong babaitang toh, kasi may inaabangan daw siyang palabas sa TV. Oh diba? ang galing ng kapatid ko noh !! Adik na masyado sa TV.

" Ehh.. ano ngayon kung nag-aaral na si Jake Vargas mo sa school natin? ha? Aber? " sabi ko tapos sinuklay ko ng kamay yung buhok ko.

" Ate.. Si JAKE VARGAS.. siya yung sinasabi kong IDOL na IDOL ko. Palibhasa kasi di ka nanonood ng TV eh" Ouch !! tinamaan ako sa sinabi niya. Oo nga naman, di naman ako masyadong nanood sa TV. Eeeeeehh.. sa ganun ako eh. Angal??

" Okay !! ako na ang hindi nanonood ng TV " sabi ko tapos pinatong ko yung kamay ko sa baba ko.

" Ate listen to me.. " sabi niya tapos humawak sa dalawang balikat ko tapos pinaharap niya ako sa kanya. " Ate.. isang magaling na actor si JAKE VARGAS sa GMA " sabi niya. 

Huh? ano daw?. Yung lalaking yun artista? Di nga? Weh?

" Di nga? " sabi ko. Di pa rin kasi ako makapaniwala sa sinasabi ng kapatid ko sakin.

" Oo nga !! " sabi niya tapos may kinuha siya sa bag niya. Tapos bumalik siya na may dalang papel na ewan. " OH!! see? artista siya !! " sabi niya tapos may pinakita siyang picture sakin na----- Owwhhh MYY gOD !!! ang HOT. May six abs siya !!

O____O ---------- muka ko.

" oh !! ano ?? naniniwala ka na?? " sabi ni Barbie tapos kinuha yung abs--- ayyy !! este yung picture.

" Hindi mo siya kilala ? " tanong pa ni Barbie sakin.

" Ahhhh ... " kumamot ako sa ulo ko " hehehe... Di ko... siya kilala. ahehehe " sabi ko na nakangiti.

" Hayyy !! naku !! Ewan ko ba sa iyo Ate. bakit kasi wala kang alam sa mundo ng showbiz " sabi niya.

" Ehhh.. Malay ko ba." sabi ko.

" Bahala ka na nga diyan matutulog na ako.. " sabi niya tapos lumipat siya sa kama niya .sa iisang kwarto lang kasi kami natutulog pero may tag-isa kaming bed. " .. nang makita ko na ang JAKE VARGAS ng buhay ko. " sabi niya tapos nagkumot.

Hayyy.. *sigh* Tama nga si Barbz. Dapat siguro medyo manuod na ako ng TV. Akalain mo yun artista pala yung bagong transfer sa school namin? Hahaha :DD Natatawa tuloy ako sa sarili ko.

Oh siya !! Matutulog na ako. GOOD NIGHT !! sweet dream !! 

#MUCHLOVE

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 nilagyan ko ng #MuchLove kasi favorite ilagay ni Bea yan tuwing mag-tu-tweet. hahaha. Pansin niyo rin ba ??

Sorryyyyy sa late UD. Busy kasi. By the way TOP 2 ako . YEHEYY !! MAGPAPAMISA AKO. CHAROT !!.

comment daw kayo sabi ni Bea tsaka sabi ni Jake Vote daw kayo tapos Be my FAN na rin.

THANK YOU :))

VOTE, COMMENT AND BE MY FAN !! 

-makemesmileforver

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"BOYFRIEND ko si JAKE VARGAS" ( jhabea fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon