IKALAWANG PAHINA

2 1 0
                                    

Pagkatapos ng napaka raming subject na dumaan. Yung utak ko parang pinipiga na sa sakit.

Char! Wala naman akong utak design lang.

Binabalik ko na ang mga gamit ko sa bag at iniintay na mag bell , uwing uwi na ko gusto ko nang humilata sa higaan ko at isipin ang magical world na nasa utak ko. Habang nagiimpis ako ng gamit ko saktong tumunog ang bell naghiyawan ang mga kaklase ko ang iba sinukbit na ang bag nila at masayang lumabas ng room. Napailing na lang ako at sinukbit nadin ang bag ko.

Haist sa wakas makakauwe na din ako.

Malapit na ko sa gate ng maisip ko ang dahon na nilagay ko kanina sa bulsa ko,agad ko itong kinapa ng mahawakan ko ito nilabas ko ito at muling pinagmasdan.

This is really amazing!

"Miss sasakay ka?" Tanong ni Manong trycyle driver. Tumungo lang ako at sumakay sa trycycle habang hawak hawak ko padin ang dahon.

Nang makarating na ko sa Bahay nasa gate palang ako ng bahay naming pang probinsya ang datingan. May mga bulaklak sa paligid nito at ang Bahay namin ay gawa lahat sa kahoy . Dalawang palapag ito at hindi mo mahahalatang luma dahil ang mga kahoy ay pinahiran ng barnis kaya ang ganda ganda nito tignan kahit ang gate namin ay gawa sa kahoy.  Kapag nakakauwe na ko gumagaan ang  pakiramdam ko lalo na kapag nakikita ko ang bahay namin. I dont know but this is really what i want.

A simple house with a simple life

Nang mabuksan ko na ang gate nadatnan ko si inay na nagtatanim na  naman ng kung ano anong halaman, ang harapan ng bahay namin para nang garden.

"Mano po inay" inabot ko ang kamay ni inay na may gloves at nagmano.

"kawaan ka ng Diyos. Kamusta ang school mo nak?" haist nakakainis naman ang tanong ng nanay ko.

"Oh bakit ganyan ang muka mo?" muling tanong ni inay na makita ang nakasimangot kong muka.

"Nakakapagod mag-aral nay, maglalakbay na lang ako at magha-hunting ng gwapong elf" saad ko na kinatawa ni inay.

"hay nakung bata ka. Diba sinabi ko naman sayo na ang mga elves ay maliit na nilalang" humaba ang nguso ko at napakamot sa ulo ko

"nay di mo sure. Kasi pano kung malalaki talaga sila tapos may mga gwapo din sa kanila?" muling tumawa si inay at pinisil ang pisngi ko.

"Oo na sige na. Magbihis ka na muna at kumain may nakahanda nang pagkain sa lamesa" napangiti ako at niyakap si inay.

I have no bestfriends since i was a kid but im thankful that I have my mom who can be my mother at the same time as my bestfriend and sister.

"Love you nay" sambit ko kay inay habang nakayakap.

"I love you too my baby. Sige na bihis na muna mamaya ka na maglambing" saad ni inay. Umalis na ko sa pagkakayap at patalon talon na pumasok sa bahay namin.

Im already 17 pero yung utak at galaw ko sa bahay pang 10 years old. Sa bahay ko lang kayang i express ang sarili ko dahil dito walang mapanuring mata at walang magsasabi sayo na 'weird ka'. Thats the reason why i really love my home.

Nang tapos na kong makapagbihis at kumain ,bumalik ako sa labas ng bahay at naglagay ng gloves sa kamay ko at sinimulang tulungan si inay.

"Nay,may mahiwagang nangyari kanina sa school" kwento ko kaagad kay inay. Lumingon sakin si inay at parang nag-aantay ng susunod na sasabihin ko.

"humangin po nang pagkalakas-lakas tapos may dahon akong nasalo na kulay blue po tapos alam nyo nay kumikinang sya. Krazy dahon" tumawa ako sa huli kong sinabi.

"Baka naman imagine mo lang iyan nak" sambit ni inay habang naglilipat ng lupa sa paso.

Eh?hindi naman kaya

"Hindi po inay, sandali papakita ko po sa inyo" binitawan ko ang hawak kong dulos at agad tumakbo papasok ng bahay. Nang makita ko kaagad ang palda ko kinapa ko kaagad sa bulsa  ang dahon napangiti ako ng makita ko ito. Tumakbo kaagad ako palabas at pinakita kay inay.

"nay!"tawag ko rito agad lumingon si inay at sinalubong ako.

"eto po oh" pinakita ko kay inay ang dahon na nasa palad ko. Ngumiti si inay at hinawakan ang dahon pero nagulat ako na iba na ang kulay nito. Kulay brown na ito para na lang syang karaniwang dahon Na nabulok.

"Mukang kailangan na kitang dalhin sa Eo anak . Kailan pa naging blue ang brown? Naku pati ang mata mo nagiging magical na" tumawa si inay at binalik sa palad ko ang dahon at muling bumalik sa ginagawa nya. Nakatulala lang ako habang Iniisip ko kung bakit naging kulay brown ito ,kanina lang bago ako lumabas blue pa sya.

"P-paanong naging brown ito?" nagtatakang bulong ko sa sarili ko.

"Allessia, ilipat mo yung rose sa isang paso anak" Utos ni inay. Inilagay ko na muna ang dahon sa lamesa at dinaganan ko ito ng maliit na bato.

Baka nga katang isip ko lang yun, baka gawa-gawa lang talaga ng malikhain kong isip kung bakit ang tingin ko sa dahon ay kumikinang na katulad ng crystal.

Pagkatapos naming mag gardening ni inay. Nagmeryenda ako pagkatapos na ligo at nahiga sa kama ko. Nakatulala ako habang titig na titig sa kisame.

Bakit kaya nag-iba bigla ang kulay nun?baka naman pinaglalaruan ako ng mga duwende?

Napailing ako sa naisip ko at kinuha ko ang unan sa gilid ko at niyakap ito.

Ayaw ko na mag-isip. Andami ko nang iniisip dadagdag pa itong dahon na to. Arggggg kainis. Habang yakap ko ang unan unti unti akong dinalaw ng antok.
.
.
.
.
.
.
.
12:30 am (midnight)

Nagising ako ng madilim na ang paligid sarado narin ang bintana at pintuan ng kwarto ko,panigurado si inay ang gumawa nito. Bumangon ako at kinusot ang mata ko humikab pa ko bago ko buksan ang pinto at tumungo sa kusina. Malamig ang simoy ng hangin

Anong oras na kaya?

Tanong ko sa sarili ko bago tuluyang buksan ang ref,nang makuha ko ang gatas sinara ko din kaagad ang ref . Pabalik palang ako sa kwarto ko ng mapansin kong bukas ang bintana sa salas namin. Tanging ang liwanag lang ng buwan ang nagbibigay liwanag sa loob ng bahay nilapitan ko ang nakabukas na bintana bumungad sakin ang napakalamig na simoy ng hangin. Napapikit ako ng dumaan sa buhok ko ang hangin pero agad din akong dumilat at pinagmasdan ang full moon.

Wow!

This is medicine.

Habang masaya kong pinagmamasdan ang buwan may napansin akong.....t-teka?dahon ba ulit yun? Isang dahon na sumasabay sa hangin at binibigyan tanglaw ng buwan babagsak ulit ito sa harapan ko agad kong nilahad ang palad ko at pinagkatitigan ko ang isa pa ulit dahon na ganon din ang kulay ang pinagkaiba lang hindi ito kumikinang. Napakunot ang noo ko at pinagmasdan ng maiigi ang dahon. Ano ba naman ito?bakit lagi akong nakakakuha ng ganitong dahon?

Lalong lumamig ang simoy ng hangin pero bakit ako pinagpapawisan? Pinunasan ko ang pawis na nasa noo ko gamit ang isa kong kamay.

This is really weird. This leaves is really gave me a strangest feeling.

                       -Ms.Leilythe-

The Guardian of YggdrasilWhere stories live. Discover now