nagising ako sa hindi karaniwang silid punong puno ito ng mga bulaklak sa loob at iba't ibang uri ng halaman. Ang naalala ko i past out because I saw a real elf. Agad akong bumalikwas sa pagkakahiga at naupo sa kama habang sinisiyasat ang buong kwarto. Parang hindi naman ito kwarto para syang Garden.
Teka? Tumayo ako at binuksan ang pinto . Nanlaki ang mata ko nang makita ang labas.
M-mga elves.
Muli akong hinimatay sa mga nakita ko. Last thing i knew may kamay na lang na humawak sa bewang ko para hindi ako tuluyang matumba.
.
.
.
.
.
Nagising muli ako sa kwartong kanina ko din pinanggalingan. May naaninag akong tao na nakatayo malapit sakin,kinusot ko ang mata ko at pinagmasdan ng maayos ang nakatayong tao. Nang malinaw na sakin ang paligid ko ngayon ko lang napagtanto na hindi pala tao yung nakatayo malapit sa higaan ko kundi isang elf. Sya yung elf na nakita kung gwapo sa yellow trees ano kayang pangalan nya?Dahan dahan akong bumangon at hinampas ang ulo ko nang kamay ko.
This is not real. Panaginip lang to diba?Napahinto ako sa paghampas sa ulo ko nang may humawak sa kamay ko para pigilan ako sa ginagawa ko. Tiningala ko ang gwapong elf na pumigil sa kamay ko."What?!"asik ko. Kinagat ko ang pangibaba kong labi para pigilan ang sarili ko.
Nababaliw kana ba Allessia?Bakit mo sya sinigawan?!pano kung gawin ka nyang butiki?!
Kumunot ang noo nito. Nagulat siguro sya sa pag-sigaw ko.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" malamig na sambit nito. Shete kahit yung boses nya nakaka-akit.
"Babalik na ko samin. Panaginip lang naman to diba?" sambit ko habang pilit iniaagaw ang kamay ko na hawak nya.
Bat ayaw nyang bitawan?
"Do you think im just a dream?"
Ay bongga isang elf na nag eenglish
"Ahm..ano..o-oo" nahihirapan kong sagot.
Ngumisi sya at binitawan ang kamay ko..
"Sa pagkakaalam ko you like elves. Mga kwentong may kinalaman sa mga magic and superpowers. Eh bakit ngayon parang natatakot kana samin?" may point sya dun ah. Bakit nga ba ako matatakot eh eto nga pangarap ko eh. Tsaka pano nya nalaman yun?
Ngumiti ako nang mapagtatanto ko ang kagagahan ko.
"Oo nga no" pag-sangayon ko rito. Tumayo ako at bumaba sa higaan.
"Pwede ba kong lumabas?" Sambit ko. Hindi sya umimik sa halip nauna pa sya lumabas sakin.
Nagkibit balikat na lang ako at sinundan sya. Paglabas ko bumungad sakin ang napagandang paligid. Punong puno nang mahika may mga kung anong lumilipad na umiilaw at ang mga bulaklak ay bumubukadkad ng napaka ganda. Kahit ang puno na naglalakihan hitik na hitik ito sa bunga. Hindi ko to nakita nang maayos kanina dahil nya nahimatay ako. Ganito pala dito kaganda ,at ang mga elves na abala sa kanilang mga gawain ay ganda din pagmasdan , A place that full of contenment and peace. napaka-ganda ng kanilang mga kasuotan at yung kwento ni inay na maliliit ang mga elves ay hindi totoo kasing laki lang din sila ng mga tao. Katulad na lang nang lalaking katabi ko ngayon , ang tangkad na gwapo pa. Muli kong pinagmasdan ang mahiwagang lugar na ito, nagsimula akong maglibot libot ang pinagtataka ko lang bakit parang balewala sa mga elves na may tao na napadpad sa kaharian nila?Ang iba nginingitian pa ko at iba naman parang wala lang silang nakikita.
This is what i want. No bullies
"Hi po" bati ko sa isang Elf na nagpupulot ng mga mansanas.
Nilingon ako nito at ngumiti.
![](https://img.wattpad.com/cover/290085114-288-k442640.jpg)